INTROIT:
HALINA'T UMAWIT
Albert Flores; Marius Villaroman
Koro:
Halina't umawit nang may kagalakan,
Ang D'yos ay Papurihan,
Pag-ibig niya'y tunay na walang hanggan.
Siya'y pasalamatan
Berso 1:
Ibahagi natin ating karanasan
Pag-asang nasumpungan
Pagtatagumpay sa kadilima'y laging ihahayag
Koro:
Halina't umawit nang may kagalakan,
Ang D'yos ay Papurihan,
Pag-ibig niya'y tunay na walang hanggan.
Siya'y pasalamatan
GLORIA:
PAPURI SA DIYOS
Jeffrey Ray Miguel (Solemn)
Papuri sa Diyos sa kaitaasanAt sa lupa'y kapayapaanSa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin,Dinarangal ka namin,Sinasamba ka namin,Ipinagbubunyi ka namin,
Pinasasalamatan ka naminDahil sa dakila mong angking kapurihan,
Panginoong Diyos, Hari ng Langit,Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo,Bugtong na Anak,Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos,Anak ng Ama
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalananNg Sanlibutan,maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalananNg sanlibutan,tanggapin Mo ang aming kahilingan.Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,Maawa ka sa amin.
Sapagkat ikaw lamang ang banal,Ikaw lamang ang Panginoon,Ikaw lamang, O HesukristoAng kataas-taasanKasama ng Espiritu SantoSa kadakilaan ng Diyos Ama.Amen.
UNANG PAGBASA:
ISAIAS
Isaias 66, 10-14k
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Magalak ang lahat,magalak kayo dahil sa Jerusalem,ang lahat sa inyo na may pagmamahal,wagas ang pagtingin;Kayo’y makigalak at makipagsaya,lahat kayong tumangis para sa kanya.Tatamasahin ninyo ang kasaganaan niyatulad ng sanggol sa dibdib ng kanyang ina.Sabi pa ng Panginoon:“Padadalhan kita ng walangkatapusang pag-unlad.Ang kayamanan ng ibang bansaay dadaloy sa iyong tila agos ng ilog.Ang makakatulad mo’y sanggolna buong pagmamahal na inaaruga ng kanyang ina.Aaliwin kita sa Jerusalem,tulad ng pag-aliw ng ina sa kanyang anak.Ika’y magagalak pag nakita moang lahat ng ito,ikaw ay lalakas at lulusog,sa gayun, malalaman mongAkong Panginoon ang kumakalingasa mga tumatalima sa akin.”
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN:
SALMO 65
Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7. 16 at 20.
Sangkalupaang nilalang
galak sa Poo’y isigaw.
Sumigaw sa galak ang mga nilalang!
At purihin ang Diyos na may kagalakan;
wagas na pagpuri sa kanya’y ibigay!
Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila:
“Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga.”
Sangkalupaang nilalang
galak sa Poo’y isigaw.
Ang lahat sa lupa ika’y sinasamba
awit ng papuri yaong kinakanta;
ang iyong pangala’y pinupuri nila.
Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan.
Ang kahanga-hangang ginawa sa tanan.
Sangkalupaang nilalang
galak sa Poo’y isigaw.
Naging tuyong lupa kahit yaong tubig,
at ang nuno natin ay doon tumawid;
kaya naman tayo’y nagalak nang labis.
Siya’y naghaharing may lakas ang bisig.
Sangkalupaang nilalang
galak sa Poo’y isigaw.
Lapit at makinig, ang nagpaparangal
sa Diyos, at sa inyo’y aking isasaysay
ang kanyang ginawang mga kabutihan.
Purihin ang Diyos! Siya’y papurihan,
yamang ang daing ko’y kanyang pinakinggan,
at ang pag-ibig n’ya ay aking kinamtan.
Sangkalupaang nilalang
galak sa Poo’y isigaw.
IKALAWANG PAGBASA:
GALACIA
Galacia 6, 14-18.
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia
Mga kapatid:
Ang krus lamang ng ating Panginoong Hesukristo ang siya kong ipinagmamapuri. Sapagkat sa pamamagitan ng kanyang krus, ang sanlibuta’y patay na para sa akin at ako’y patay na para sa sanlibutan. Hindi mahalaga kung tuli man o hindi ang isang tao. Ang mahalaga’y ang pagiging bagong nilalang. Sa lahat ng namumuhay ayon sa tuntuning ito, at sa mga nananatiling tapat na bayan ng Diyos, nawa’y sumakanila ang kapayapaan at pagpapala ng Diyos!
Kaya mula ngayon, huwag nang dagdagan ninuman ang aking tiisin. Sapat na ang mga pilat ko, para makilalang ako’y alipin ni Hesus.
Mga kapatid, sumainyo nawa ang lahat ng pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo. Amen.
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYA:
MISA ANTONIO
Colosas 3, 15a. 16a.
Aleluya! Aleluya!
Kapayapaan ni Kristo
at Salita n’yang totoo
nawa’y manahan sa inyo.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA:
SAN LUKAS
Lukas 10, 1-12. 17-20.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, ang Panginoon ay humirang pa ng pitumpu’t dalawa. Pinauna niya sila nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na patutunguhan niya. Sinabi niya sa kanila, “Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa may-ari na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang bukirin. Humayo kayo! Sinusugo ko kayong parang mga kordero sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng lukbutan, supot, o panyapak. Huwag na kayong titigil sa daan upang makipagbatian kaninuman. Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin muna ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ Kung maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, sasakanila ang kapayapaan; ngunit kung hindi, hindi sila magkakamit nito. Manatili kayo sa bahay na inyong tinutuluyan; kanin ninyo at inumin ang anumang idulot sa inyo – sapagkat ang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng kanyang upa. Huwag kayong magpapalipat-lipat ng bahay. Kapag tinanggap kayo sa alinmang bayan, kanin ninyo ang anumang ihain sa inyo; pagalingin ninyo ang mga maysakit doon at sabihin sa bayan, ‘Nalalapit na ang paghahari ng Diyos sa inyo.’ Ngunit sa alinmang bayang hindi tumanggap sa inyo, lumabas kayo sa mga lansangan nito at sabihin ninyo, ‘Pati ang alikabok dito na dumikit sa aming mga paa ay ipinapagpag namin bilang babala sa inyo. Ngunit pakatandaaan ninyo nalapit na sa inyo ang paghahari ng Diyos!’ Sinasabi ko sa inyo: sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang kaparusahan ng mga tao sa bayang yaon kaysa dinanas ng mga taga-Sodoma!”
Bumalik na tuwang-tuwa ang pitumpu’t dalawa. “Panginoon,” sabi nila. “kahit po ang mga demonyo ay sumusunod kapag inutusan namin, sa ngalan ninyo.” Sumagot si Hesus, “Nakita ko ang pagkahulog ni Satanas mula sa langit – parang kidlat. Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tumapak sa mga ahas at mga alakdan, at yumurak sa kapangyarihan ng kaaway. Walang makapipinsala sa inyo. Gayunman, magalak kayo, hindi dahil sa suko sa inyo ang masasamang espiritu kundi dahil sa nakatala sa langit ang pangalan ninyo.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
o kaya: Maikling Pagbasa
Lucas 10, 1-9
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, ang Panginoon ay humirang pa ng pitumpu’t dalawa. Pinauna niya sila nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na patutunguhan niya. Sinabi niya sa kanila, “Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa may-ari na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang bukirin. Humayo kayo! Sinusugo ko kayong parang mga kordero sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng lukbutan, supot, o panyapak. Huwag na kayong titigil sa daan upang makipagbatian kaninuman. Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin muna ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ Kung maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, sasakanila ang kapayapaan; ngunit kung hindi, hindi sila magkakamit nito. Manatili kayo sa bahay na inyong tinutuluyan; kanin ninyo at inumin ang anumang idulot sa inyo – sapagkat ang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng kanyang upa. Huwag kayong magpapalipat-lipat ng bahay. Kapag tinanggap kayo sa alinmang bayan, kanin ninyo ang anumang ihain sa inyo; pagalingin ninyo ang mga maysakit doon at sabihin sa bayan, ‘Nalalapit na ang paghahari ng Diyos sa inyo.'”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
OFFERTORIUM:
PAGGUGUNITA
Allan Antonio
Chorus:
Aming alay sa ‘Yo, Panginoon
Ang tinapay at alak na Iyong kaloob
Upang gunitain ang ‘Yong buhay na inialay
Nang tayo'y magdiwang bilang isang sambayanan
Berso 1:
Ang tinapay, ito ang Iyong laman,
At ang alak, ito ang Iyong dugo
Laman Mo'y inahain upang lahat ay buhayin
Dugo Mo ay dumanak nang lahat ay mapatawad
Chorus:
Aming alay sa ‘Yo, Panginoon
Ang tinapay at alak na Iyong kaloob
Upang gunitain ang ‘Yong buhay na inialay
Nang tayo'y magdiwang bilang isang sambayanan
SANCTUS:
SANTO
Allan Antonio
Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
Sa Ngalan ng Panginoon
Osana sa kaitaasan!
MYSTERIUM FEDEI:
AMING IPINAHAHAYAG
Allan Antonio
Aming ipinahahayag
na namatay ang 'yong Anak
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
Para mahayag sa lahat!
GRAN AMEN:
GREAT AMEN
Arnel Aquino, SJ
Amen, amen, amen
Amen, amen, amen
PATER NOSTER:
AMA NAMIN/SAPAGKAT
Allan Antonio
Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang Ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw
At patawarin mo kami
sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami sa lahat ng masama
Sapagkat Iyo ang kaharian,
at ang kapangyarihan,
at ang kapurihan, magpakailanman
Amen.
AGNUS DEI:
KORDERO NG DIYOS
Allan Antonio
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
COMMUNIO 1:
SA'YONG PILING
Marius Villaroman
Berso 1:
Tinawag Mo ako, O Panginoon,
Dagli akong tumugon sa tinig Mo.
Tanda ng pasasalamat sa pag-ibig Mo,
na sa t'wina'y nadarama ko
Ako'y namangha, sa 'Yong kabutihan;
tunay na wala Kang katulad.
Koro:
Sa bawat sandali ng aking buhay
Ikaw ang s'yang gabay.
Sa oras ng lungkot, pagkabigo,
ako'y muling binubuo.
Luha ko't pasakit ay Iyong pinaparam.
Sa paglubog nitong araw,
sa pagsapit ng dilim,
Ang tangi kong hiling ay humimlay sa 'Yong piling.
Berso 2:
Labis ang galak ko, Panginoon,
'pagkat Ikaw lamang sa buhay ko.
Kagandahang-loob Mo ay walang hanggan.
Biyayang lubos kailanman.
Katapatan Mo ay 'di magmamaliw.
Kailan pa ma'y s'yang aking sandigan.
Koro:
Sa bawat sandali ng aking buhay
Ikaw ang s'yang gabay.
Sa oras ng lungkot, pagkabigo,
ako'y muling binubuo.
Luha ko't pasakit ay Iyong pinaparam.
Sa paglubog nitong araw,
sa pagsapit ng dilim,
Ang tangi kong hiling ay humimlay sa 'Yong piling.
COMMUNIO 2:
HUWAG KANG MANGAMBA
Manoling Francisco
Koro:
Huwag kang mangamba di ka nag-iisa
Sasamahan kita saan man magpunta
Ika'y mahalaga sa aking mga mata
Minamahal kita, minamahal kita
Berso 1:
Tinawag kita sa'yong pangalan
Ikaw ay akin magpakailanman
Ako ang Panginoon mo at Diyos
Tagapagligtas mo at taga tubos
Koro:
Huwag kang mangamba di ka nag-iisa
Sasamahan kita saan man magpunta
Ika'y mahalaga sa aking mga mata
Minamahal kita, minamahal kita
Berso 2:
Sa tubig ika'y sasagipin
Sa apoy ililigtas man din
Ako ang Panginoon mo at Diyos
Tagapagligtas mo at taga tubos
Koro:
Huwag kang mangamba di ka nag-iisa
Sasamahan kita saan man magpunta
Ika'y mahalaga sa aking mga mata
Minamahal kita, minamahal kita
RECESSIO:
GIVE THANKS
Lester Delgado (Book VI)
Give thanks to the Lord and exhult His name
Give thanks to the Lord let us sing songs of praise
Shout with one voice and proclaim His words
Give thanks to the Lord all our days
Sing Alleluia, sing your song
Rejoice and be glad let us dance with joy
For Christ is our Lord, our Savior and King
Give thanks to the Lord, for He is Our God
Give thanks to the Lord all our days
Give thanks!
--WAKAS--
