Lunes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda - Lunes, Marso 9, 2026

      

Lunes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Lunes, Marso 9, 2026

2 Hari 5, 1-15a
Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4

Aking kinasasabikan
ang Diyos na nabubuhay.

Lucas 4, 24-30


Pambungad na Awit: sa pagpasok ng Imahen ni San Jose
Umawit Lahat at Magdiwang
JM Dolom 

Koro: 2x
Umawit lahat at magdiwang
Papurihan ang Diyos ng tanan
Na kay San Jose humirang
Upang maging banal kailanpaman

Berso 1:
Sumigaw lahat ng may tuwa
sa Panginoong lumikha,
Lapitan S'yang umaawit
Ialay ang pag-ibig na marikit

Koro:
Umawit lahat at magdiwang
Papurihan ang Diyos ng tanan
Na kay San Jose humirang
Upang maging banal kailanpaman

Berso 2:
Tayo'y kanyang inaalagaan
mga tupang pinapastulan
Kilalanin natin ang Panginoon
ang mapagmahal sa'tin noon at ngayon

Koro:
Umawit lahat at magdiwang
Papurihan ang Diyos ng tanan
Na kay San Jose humirang
Upang maging banal kailanpaman

Berso 3:
Pumasok lahat sa templo
na nagpupuri sa Kanya
Namnamin Kanyang kabutihan
at katapatan magpakailanman

Koro: 2x
Umawit lahat at magdiwang
Papurihan ang Diyos ng tanan
Na kay San Jose humirang
Upang maging banal kailanpaman

Pangwakas na Awit: sa pagpasok ng Imahen ni San Jose
Pagsamo kay San Jose
Manoling Francisco

Berso:
O San Jose, ikaw ang tunay na huwaran
Ng pag-ibig, katapatan at kabanalan.
O San Jose, sa iyo'y nanalangin.
Ang samo namin sa iyo nawa'y dinggin.

Koro: 2x
Akayin mo kami, ang bayan mong nangangarap.
Gabayan mo po ang aming pagsisikap,
Upang kaming lahat, maging karapat-dapat
Kay Hesus, 'yong sinisintang anak.

Koda:
Kay Hesus, 'yong sinisintang... anak.

Pambungad na Awit:
Buksan Ang Aming Puso
Jodict Delos Reyes

Buksan ang aming puso
Turuan mong mag-alab
Sa bawat pagkukuro
Lahat ay makayakap

Buksan ang aming isip
Sikatan ng liwanag
Nang kusang matangkilik
Tungkuling mabanaag

Buksan ang aming palad
Sarili'y maialay
Tulungan mong ihanap
Kami ng bagong malay

Buksan ang aming puso
Turuan mong mag-alab
Sa bawat pagkukuro
Lahat ay makayakap

Buksan ang aming isip
Sikatan ng liwanag
Nang kusang matangkilik
Tungkuling mabanaag

Unang Pagbasa:
2 Hari 5, 1-15a

Pagbasa mula sa ikalawang aklat ng mga Hari

Noong mga araw na iyon, sa Siria ay may isang pinuno ng hukbo na labis na kinalulugdan ng hari pagkat matapang siya, makapangyarihan at pinapatnubayan ng Panginoon kaya laging matagumpay ang Siria. Ngunit siya’y ketongin. Siya ay si Naaman. Minsan, ang mga taga-Siria ay nakabihag ng isang babaing Israelita. Ginawa nila itong katulong ng asawa ni Naaman. Sinabi nito sa kanyang panginoon, “Kung ang asawa ninyo ay lalapit sa propeta sa Samaria, tiyak na gagaling siya.” Ang sinabi ng Israelita ay sinabi ng babae kay Naaman. Nagpunta naman ito sa hari at ibinalita ang sinabi ng utusan ng kanyang asawa.

Sinabi naman ng hari, “Pumunta ka at pagdadalhin kita ng sulat sa hari ng Israel.”

At lumakad nga si Naaman. May dala siyang tatlumpunlibong putol na pilak, anim na libong pirasong ginto at sampung magagarang kasuutan. Dala rin niya ang sulat para sa hari ng Israel. Anang sulat: “Mahal na Haring Joram, ang may dala nito’y si Naaman na aking lingkod. Ipinakikiusap kong pagalingin mo ang kanyang ketong.”

Nang mabasa ito ng hari ng Israel, ginahak niya ang kanyang kasuutan at sinabi, “Ako ba’y Diyos na maaaring pumatay at bumuhay? Bakit sa akin niya pinapunta ang taong ito para pagalingin sa kanyang sakit? Baka naman humahanap lang siya ng dahilan para magdigmaan kami?”

Nang mabalitaan ni Eliseo ang ginawa ng hari, ipinasabi niya, “Bakit ninyo gagahakin ang inyong kasuutan? Sa akin ninyo siya papuntahin para malaman nilang may isang propeta rito sa Israel.”

Ipinasabi nga ni Haring Joram kay Naaman na ang hanapin nito’y si Eliseo. Kaya, sumakay ito sa kanyang karwahe, at nagpunta kay Eliseo, kasama ang marami niyang kawal na kabayuhan. Ipinasabi sa kanya ni Eliseo: “Pumunta ka sa Ilog Jordan. Lumubog ka ng pitong beses at mananauli sa dati ang iyong katawan. Gagaling ang iyong ketong.”

Nang marinig ang sinabi ni Eliseo, nagalit si Naaman at padabog na umalis. Sinabi niya, “Akala ko pa nama’y sasalubungin niya ako, tatayo siya nang tuwid, tatawagan ang Diyos niyang Panginoon sa Ilog Jordan, at itatapat sa akin ang kanyang mga kamay upang ako’y gumaling. Bakit doon pa niya ako pasisisirin? Bakit hindi sa alinman sa mga ilog ng Damasco tulad ng Abana at ng Farfar. Hindi ba’t mas malinis iyon kaysa alinmang tubig sa Israel? Siguro nama’y mas madali akong gagaling kung doon ako maliligo.” At galit na galit siyang umalis.

Lumapit sa kanya ang kanyang mga katulong at sinabi, “Panginoon, hindi ba’t gagawin ninyo kahit mahirap pa riyan ang ipagawa sa inyo ng propeta? Gaano pa iyang pinaghuhugas lang kayo para luminis?” Kaya, nang mapag-isip-isip ito ni Naaman, lumusong siya ng Ilog Jordan at lumubog ng pitong ulit. At tulad ng sinabi Eliseo, nanauli sa dati ang kanyang katawan at kuminis ang kanyang balat, tulad ng balat ng sanggol.

Si Naaman at ang kanyang mga kasama ay nagbalik kay Eliseo. Sinabi niya, “Ngayo’y napatunayan kong walang ibang diyos sa ibabaw ng lupa kundi ang Diyos ng Israel.”

Ang Salita ng Diyos.

Salmong Tugunan:
Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9

Aking kinasasabikan
ang Diyos na nabubuhay.

Kung paanong yaong batis ang hanap ng isang usa;
gayun hinahanap ang Diyos ng uhaw kong kaluluwa.

Aking kinasasabikan
ang Diyos na nabubuhay.

Nananabik ako sa Diyos, Diyos na buhay, walang iba;
kailan kaya maaaring sa harap mo ay sumamba?

Aking kinasasabikan
ang Diyos na nabubuhay.

Ang totoo’t ang liwanag, buhat sa ‘yo ay pakamtan,
upang sa Sion ay mabalik, sa bundok mong dakong banal
sa bundok mong pinagpala, at sa templo mong tirahan.

Aking kinasasabikan
ang Diyos na nabubuhay.

Sa dambana mo, O Diyos, ako naman ay dudulog,
yamang galak at ligaya ang sa aki’y iyong dulot;
sa saliw ng aking alpa’y magpupuri akong lubos
buong lugod na aawit ako sa Diyos, na aking Diyos!

Aking kinasasabikan
ang Diyos na nabubuhay.

Awit Pambungad sa Mabuting Balita:
Salmo 129, 5 at 7
Misa Pasyon (Himig 2)

Nagpupuri kami sa'Yo,
Panginoong Hesukristo
Nagpupuri kami sa'Yo,
Panginoong Hesukristo

Umaasa ako sa D’yos,
nagtitiwala nang lubos
sa salitang nagdudulot
ng pag-ibig na mataos
upang kamtin ang pagtubos.

Nagpupuri kami sa'Yo,
Panginoong Hesukristo
Nagpupuri kami sa'Yo,
Panginoong Hesukristo

Mabuting Balita:
Lucas 4, 24-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang dumating si Hesus sa Nazaret, sinabi niya sa mga nasa sinagoga: “Tandaan ninyo: walang propetang kinikilala sa kanyang sariling bayan. Ngunit sinasabi ko sa inyo: maraming babaing balo sa Israel noong kapanahunan ni Elias nang hindi umulan sa loob ng tatlong tao’t kalahati at magkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain. Subalit hindi sa kaninuman sa kanila pinapunta si Elias kundi sa isang babaing balo sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. Sa dinami-dami ng mga ketongin sa Israel noong kapanahunan ni Eliseo, walang pinagaling isa man sa kanila; si Naaman pang taga-Siria ang pinagaling.” Galit na galit ang lahat ng nasa sinagoga nang marinig ito. Nagtindigan sila, at ipinagtabuyan siyang palabas, sa taluktok ng burol na kinatatayuan ng bayan, upang ibulid sa bangin. Ngunit dumaan siya sa kalagitnaan nila at umalis.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Awit sa Paghahanda sa Pag-aalay:
Sumasamo Kami Sa'yo
Eduardo Hontiveros

Berso 1:
Sumasamo kami sa 'Yo,
marapatin yaring alay.
Panginoon, tanggapin Mo,
itong alak at tinapay.

Berso 2:
Sa 'Yo, Poon, aming handog:
buong puso't pag-iisip.
Ilayo Mo sa panganib
at kupkupin sa pag-ibig.

Berso 3:
Buhay nami'y nakalaan,
sundin ang 'Yong kalooban.
Lugod naming paglingkuran,
layunin ng Kaharian.

Berso 4:
Dinggin ang aming dalangin,
yaring alay ay tanggapin.
Lahat kami'y pagpalain
at kandungin sa 'Yong piling.

Santo:
Santo (Misa Antipona)
Eduardo Hontiveros

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan mo
Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito
sa ngalan ng Panginoon
Osana sa kaitaasan!

Pagbubunyi:
Sa Krus (Misa Pasyon)
Pasyong Mahal

Sa krus mo at pagkabuhay
kami'y tinubos mong tunay
Poong Hesus naming mahal
..
iligtas mo kaming tanan
ngayon at magpakailanman!

Dakilang Amen:
Dakilang Amen (Misa Pasyon)
Lemuel Asuncion

Ama Namin:
Ama Namin (Instant Liturgical Music for Lent)
Manoling Francisco

Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami
ng aming kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala.

Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin

at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya mo kami sa lahat ng masama

Kordero ng Diyos:
Kordero ng Diyos (Misa Pasyon)
Lemuel Asuncion

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Awit sa Pakikinabang:
Hesus na Aking Kapatid
Eduardo Hontiveros

Berso 1:
Hesus na aking kapatid,
sa lupa nami'y bumalik
Iyong mukha'y ibang-iba,
hindi kita nakikilala

Refrain:
Dulutan mo aking mata,
mamulat sa katotohanan
Ikaw Poon makikilala
sa taong mapagkumbaba

Berso 2:
Hesus na aking kapatid,
putikin man ang Iyong sapin
Punit-punit ang Iyong damit,
nawa ika'y mapasa-akin

Refrain:
Dulutan mo aking mata,
mamulat sa katotohanan
Ikaw Poon makikilala
sa taong mapagkumbaba

Berso 3:
Hesus na aking kapatid,
sa bukid ka nagtatanim
O sa palengke rin naman
Ikaw ay naghahanap-buhay

Refrain-Coda:
Dulutan mo aking mata,
mamulat sa katotohanan
Ikaw Poon makikilala
Ikaw Poon makikilala
Ikaw Poon makikilala
sa taong mapagkum...baba!

Pangwakas na Awitin:
Omitted

WAKAS