UMAWIT AT MAGPURI
KORO: Halina tayong lahat ay umawitSa Panginoon tayo ay magpuri
'Pagkat ating nakita
ang dakilang pag-ibig ng Diyos.
BERSO 1: Nilikha N'ya ang sanlibutan
at ang buong kalikasan
Mabuti ang lahat ng ginawa,
pinagyaman at pinagpala
Ang tao'y Kan'yang nilalang,
kalarawa't kawangis Niya
At kahit hindi naging tapat
ay Kan'ya pa ring minamahal
KORO: Halina tayong lahat ay umawit
Sa Panginoon tayo ay magpuri
'Pagkat ating nakita
ang dakilang pag-ibig ng Diyos.
BERSO 2: Panaho'y nagkaroon ng kaganapan,
nang ang Salita'y naging laman
Naparito at nakipamuhay,
sa mga dukha't makasalanan
Ang buhay Niya'y inialay,
nang sa Krus ay namatay
At S'ya'y muling nabuhay,
nang tayo'y mapag-isa sa Ama.
KORO: Halina tayong lahat ay umawit
Sa Panginoon tayo ay magpuri
'Pagkat ating nakita
ang dakilang pag-ibig ng Diyos.
BERSO 3: Isinugo ng Panginoon,
ang Kan'yang Espiritung Banal
Upang sa ati'y ipaalala,
na S'ya'y kapiling sa t'wina
S'ya sa atin ay gumagabay,
sa liwanag na binibigay
Pinag-iisa at pinagtitipon,
bilang Bayan ng Panginoon.
KORO: Halina tayong lahat ay umawit
Sa Panginoon tayo ay magpuri
'Pagkat ating nakita
ang dakilang pag-ibig ng Diyos.
KODA: 'Pagkat ating nakita ang dakilang pag-ibig ng Diyos.
PANGINOON, KAAWAAN MO KAMI
Panginoon, kaawaan mo kamiPanginoon, kaawaan mo kami
Kristo, kaawaan mo kami
Kristo, kaawaan mo kami
Panginoon, kaawaan mo kami
Panginoon, kaawaan mo kami
PAPURI SA DIYOS
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
At sa lupa'y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdan Niya.
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin
Pinasasalamatan Ka namin
dahil sa dakila Mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit;
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, bugtong na anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos,
Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Maawa Ka sa amin.
lkaw na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Tanggapin Mo ang aming kahilingan;
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
Maawa Ka sa amin.
Sapagkat Ikaw lamang ang banal;
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang, O Hesukristo
ang kataas-taasan
Kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen!
Amen!
SALMONG TUGUNAN
TUGON: Pag-ibig Mong walang maliway lagi kong sasambitin.
KORO: Pag-ibig Mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.
BERSO 1: Ang piniling lingkod na ito'y si David,
Aking pinahiran ng banal na langis.
Kaya't palagi ko S'yang aakbayan,
At siya'y lalakas sa Aking patnubay.
KORO: Pag-ibig Mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.
BERSO 2: Ang pagtatapat ko't pag-ibig na wagas,
Ay iuukol ko't aking igagawad.
At magtatagumpay siya oras-oras,
Ako'y tatawaging Ama niya'y Diyos //
Tagapagsanggalang niya't Manunubos.
KORO: Pag-ibig Mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.
ALELUYA
Aleluya! Aleluya! Aleluya!
Aleluya! Aleluya! Aleluya! Aleluya!
BERSO:
Hinirang tayo ni Kristo
Upang mamuhay ng totoo
BIlang mabubuting tao
Aleluya! Aleluya! Aleluya!
Aleluya! Aleluya! Aleluya! Aleluya!
Aleluya! Aleluya! Aleluya!
Aleluya! Aleluya! Aleluya! Aleluya!
PAGGUGUNITA
KORO: Aming alay sa'Yo, Panginoon
Ang tinapay at alay na 'Yong kaloob
Upang gunitain ang 'Yong buhay na inialay
Nang tayo'y magdiwang bilang isang sambayanan.
BERSO 1: Ang tinapay ito ang Iyong laman
At ang alak ito ang Iyong dugo
Laman Mo'y inahain upang lahat ay buhayin
Dugo mo ang dumanak nang lahat ay mapatawad.
KORO: Aming alay sa'Yo, Panginoon
Ang tinapay at alay na 'Yong kaloob
Upang gunitain ang 'Yong buhay na inialay
Nang tayo'y magdiwang bilang isang sambayanan.
BERSO 2: Hinirang na ina ang Mahal na Birheng Maria
Una mong luklukan ang kan'yang sinapupunan
Sa aming pagtanggap sa Iyo, Ikaw nawa ay manahan
Sa aming mga puso nang lumago sa kabanalan.
KORO 2X: Aming alay sa'Yo, Panginoon
Ang tinapay at alay na 'Yong kaloob
Upang gunitain ang 'Yong buhay na inialay
Nang tayo'y magdiwang bilang isang sambayanan.
KODA: Nang tayo'y magdiwang bilang isang sambayanan.
SANTO
Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
Napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan mo
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
sa Ngalan ng Panginoon
Osana sa kaitaasan!
AMING IPINAHAHAYAG
Aming ipinahahayag
na namatay ang 'Yong Anak
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat!
DAKILANG AMEN
PARI:
Sa pamamagitan ni Kristo
kasama N'ya at sa Kan'ya
Ang lahat ng parangal at papuri ay sa ‘Yo,
Diyos Amang makapangyarihan
Kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.
KORO:
A-a-men. A-a-men. A-a-men. A-a-men.
A-a-men. A-a-a-men. A-a-men. A——A——men!
AMA NAMIN
Ama namin, sumasalangit Ka
Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan Mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw
at patawarin Mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin
Sa nagkakasala sa amin
at h'wag Mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya Mo kami sa lahat ng masama
SAPAGKAT
Sapakat Iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan,
at ang kapurihan, magpakailanman, amen.
KORDERO NG DIYOS
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka, maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka, maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
PAGKAING BANAL (Juan 6:53-58)
BERSO 1: Sa aming pagdurusa,
sa ‘ming pag-iisa
Ikaw ang hanap-hanap ng
aming kaluluwa
KORO: O Hesus, ikaw ang bukal
ng dakilang pagmamahal
Kinasasabikan naming Pagkaing Banal.
Ang Hapag ng pag-ibig mo,
laging hahanapin
Katawan at dugo mo, Hesus,
tanging yaman namin.
BERSO 2: Sa ‘ming pangungulila,
sa ‘ming pagluluksa
Sa yakap mo lamang kami
nakakapahinga.
KORO: O Hesus, ikaw ang bukal
ng dakilang pagmamahal
Kinasasabikan naming Pagkaing Banal.
Ang Hapag ng pag-ibig mo,
laging hahanapin
Katawan at dugo mo, Hesus,
tanging yaman namin.
BERSO 3: Sa aming agam-agam,
sa ‘ming pangangapa
Sa yo magpapaakay
upang di mawala.
KORO: O Hesus, ikaw ang bukal
ng dakilang pagmamahal
Kinasasabikan naming Pagkaing Banal.
KODA: Kinasasabikan naming Pagkaing Banal.
ANG TUNGKOD MO (Salmo 23)
BERSO 1: Di ko alam saan patungo
ngunit mangangahas ako
Dahil ikaw ang mangunguna,
hindi ako mangangamba.
KORO: Pastol kang maaasahan
upang ako’y ingatan at samahan
Ang tungkod mo ay kapayapaan
Sa buhay kong walang-katiyakan.
Pastol kang hindi nang-iiwan;
liwanag sa gitna ng kadiliman
Ang tungkod mo s'yang tanging mamasdan
At papanatag aking kalooban.
BERSO 2: Nais kong maging larawan
ng banayad mong kabutihan
Ang tinig mo’y aking pakikinggan;
ang tungkod mo ay aking susundan.
KORO: Pastol kang maaasahan
upang ako’y ingatan at samahan
Ang tungkod mo ay kapayapaan
Sa buhay kong walang-katiyakan.
Pastol kang hindi nang-iiwan;
liwanag sa gitna ng kadiliman
Ang tungkod mo s'yang tanging mamasdan
At papanatag aking kalooban.
KODA: At papanatag aking kalooban.
AVE MARIA, INA NG PAG-ASA
Ave Maria! Ave Maria!
Ave Maria! Ave Maria!
Sa gitna ng kawalan ng katiyakan;
kung ika’y kasama, hindi mangangamba
Para sa iyo, Mahal naming Ina
awit ng wagas naming pagsinta
Ang dasal nami’y matularan ka,
O Ina ng pag-asa!
Kahit di namin alam ang gagawin
lalo kung daa’y napakadilim
Dahil sa iyo nababatid namin,
ang D'yos ay kapiling!
Ave Maria! Ave Maria!
Ave Maria! Ave Maria!
Sa gitna ng pagdurusa, di mag-iisa;
kung ika’y kasama, may ro'ng pag-asa.
Para sa iyo, Mahal naming Ina
awit ng wagas naming pagsinta
Ang dasal nami’y matularan ka,
O Ina ng pag-asa!
Kahit di namin alam ang gagawin
lalo kung daa’y napakadilim
Dahil sa iyo nababatid namin,
ang D'yos ay kapiling!
Ave Maria! Ave Maria!
Ave Maria! Ave Maria!
Ave Maria! Ave Maria!
Ave Maria! Ave Maria!
DIYOS NG PAG-ASA
KORO: Ang bayan na nagdurusa,
nilingap at pinalaya Niya
Sa kawalang katiyakan di tayo iniwan
Kapiling S'ya’t kasama; kailanma’y di tayo mag-iisa
Kaya’t ipagbunyi ang D'yos, ang D'yos ng pag-asa!
BERSO 1: Hindi mo ba nadarama,
may ro'ng siglang kakaiba?
Ang bulag nakakakita, ang pipi, kumakanta.
KORO: Ang bayan na nagdurusa,
nilingap at pinalaya Niya
Sa kawalang katiyakan di tayo iniwan
Kapiling S'ya’t kasama; kailanma’y di tayo mag-iisa
Kaya’t ipagbunyi ang D'yos, ang D'yos ng pag-asa!
BERSO 2: Hindi mo ba naririnig?
Ang noo’y tumatangis
Nakaahon sa pasakit
at ngayo’y umaawit.
KORO: Ang bayan na nagdurusa,
nilingap at pinalaya Niya
Sa kawalang katiyakan di tayo iniwan
Kapiling S'ya’t kasama; kailanma’y di tayo mag-iisa
Kaya’t ipagbunyi ang D'yos, ang D'yos ng pag-asa!
KODA: Ang D'yos ng pag-asa!
ang D'yos ng pag-asa!