Misa ng Pag-asa | Album Lyrics

PURIHIN NATIN ANG DIYOS

KORO: Purihin natin ang Diyos!
Purihin natin ang Diyos!
Kabutihan niya ay hindi masusukat
kaya’t magbunyi ang lahat!

Pag-ibig niya ay wagas;
pag-asa natin at lakas;
Pagpapala niya ay laging bumubuhos;
purihin natin ang Diyos!

BERSO 1: Napakaraming hamon,
ating pinagdaanan
Ngunit dahil sa pag-ibig niya,
ating napagtagumpayan!

KORO: Purihin natin ang Diyos!
Purihin natin ang Diyos!
Kabutihan niya ay hindi masusukat
kaya’t magbunyi ang lahat!

Pag-ibig niya ay wagas;
pag-asa natin at lakas;
Pagpapala niya ay laging bumubuhos;
purihin natin ang Diyos!

BERSO 2: Kahit marami tayong
hindi nauunawaan
Kumakapit sa ating Amang
hindi tayo iniiwan.

KORO: Purihin natin ang Diyos!
Purihin natin ang Diyos!
Kabutihan niya ay hindi masusukat
kaya’t magbunyi ang lahat!

Pag-ibig niya ay wagas;
pag-asa natin at lakas;
Pagpapala niya ay laging bumubuhos;
purihin natin ang Diyos!

KODA: Pagpapala niya ay laging bumubuhos;
purihin natin ang Diyos!

PANGINOON, KAAWAAN MO KAMI

Panginoon, kaawaan mo kami
Panginoon, kaawaan mo kami

Kristo, kaawaan mo kami
Kristo, kaawaan mo kami

Panginoon, kaawaan mo kami
Panginoon, kaawaan mo kami

PAPURI SA DIYOS

PARI:
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!

KORO:
At sa lupa'y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdan Niya
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin
Pinasasalamatan Ka namin
dahil sa dakila Mong angking kapurihan

Panginoong Diyos, Hari ng langit;
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, bugtong na anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos,
Anak ng Ama

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Maawa Ka sa amin
lkaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Tanggapin Mo ang aming kahilingan;
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
Maawa Ka sa amin

Sapagkat Ikaw lamang ang banal;
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang, O Hesukristo ang kataas-taasan
Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama.
Amen! Amen!

MAGPASALAMAT TAYO SA PANGINOON (Salmo 107)

TUGON: Magpasalamat tayo sa Panginoon
Sapagkat Siya ay mabuti
Dahil ang Kan'yang kagandahang loob
ay magpakailanman.

KORO: Magpasalamat tayo sa Panginoon
Sapagkat Siya ay mabuti
Dahil ang Kan'yang kagandahang loob
ay magpakailanman.

BERSO 1: Noong nagkalat tayo sa ilang;
Nangangapa’t walang mapuntahan;
Kinupkop tayo at pinisan sa Kan'yang tahanan.
Pinatnubayan tayo sa daan;
Inakay tungo sa kaligtasan
Kaya't purihin natin ang Kan'yang dakilang Pangalan.

KORO:
Magpasalamat tayo sa Panginoon
Sapagkat Siya ay mabuti
Dahil ang Kan'yang kagandahang loob
ay magpakailanman.

BERSO 2: Nagdusa tayo sa kadiliman;
Ginupo tayo ng karamdaman;
Ngunit binangon tayo ng Kan'yang kapangyarihan.
Sa kanyang pandinig nakarating
Ang pagpalahaw nati’t pagdaing
Kaya’t ang kabutihan N'ya’y ating sambitin at awitin.

KORO: Magpasalamat tayo sa Panginoon
Sapagkat Siya ay mabuti
Dahil ang Kan'yang kagandahang loob
ay magpakailanman.

BERSO 3: Sa labis nating paghihirap,
Naawa S'ya sa‘tin at lumingap;
Kaya’t marapat lamang tayo sa Kan'ya’y magpasalamat.
Panginoo’y ating purihin
Sa paglingap Niya sa atin
Pagmamahal niyang walang hanggan ipagdiwang natin.

KORO: Magpasalamat tayo sa Panginoon
Sapagkat Siya ay mabuti
Dahil ang Kan'yang kagandahang loob
ay magpakailanman.

KODA: Ay magpakailanman.

ALELUYA, DIYOS NG PAG-ASA

Aleluya! Aleluya! Aleluya! Aleluya! Aleluya! Aleluya!

BERSO:
Sa sandali ng aming pagdurusa
laging Ikaw ang kasama
Hindi mo kami iniwang mag-isa;
Ikaw ay Diyos ng pag-asa

Aleluya! Aleluya! Aleluya! Aleluya! Aleluya! Aleluya!
Aleluya! Aleluya! Aleluya!

ALAY NG SAMBAYANAN

KORO: Tanggapin mo alay ng iyong sambayanan;
Buhay naming pinuhunan sa pagmamahal.
Pagkakaisang aming napagtagumpayan,
Pagyamanin mo at basbasan.

BERSO 1: Hain naming tinapay at alak,
narito sa Iyong hapag.
Tanda ng aming pagmamahalan,
‘yan ang alay ng sambayanan.

KORO: Tanggapin mo alay ng iyong sambayanan;
Buhay naming pinuhunan sa pagmamahal.
Pagkakaisang aming napagtagumpayan,
Pagyamanin mo at basbasan.

BERSO 2: Bawat kapwa ay ibigin,
‘yan sa amin ‘Yong habilin.
Tunghayan aming kapatiran,
‘yan ang alay ng sambayanan.

KORO: Tanggapin mo alay ng iyong sambayanan;
Buhay naming pinuhunan sa pagmamahal.
Pagkakaisang aming napagtagumpayan,
Pagyamanin mo at basbasan.

KODA: Pagyamanin mo at basbasan.

SANTO

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
Napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan mo

Osana, Osana sa kaitaasan!
Osana, Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito
sa Ngalan ng Panginoon

Osana, Osana sa kaitaasan!
Osana, Osana sa kaitaasan!

AMING IPINAHAHAYAG

Aming ipinahahayag
na namatay ang 'Yong Anak
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat!

DAKILANG AMEN

PARI:
Sa pamamagitan ni Kristo
kasama N'ya at sa Kan'ya
Ang lahat ng parangal at papuri ay sa ‘Yo,
Diyos Amang makapangyarihan
Kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

KORO:
A-a-men. A-a-men. A-a-men. A-a-men.
A-a-men. A-a-a-men. A-a-men. A——A——men!

AMA NAMIN

Ama namin, sumasalangit Ka
Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit

Bigyan Mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw
at patawarin Mo kami sa aming mga sala

Para nang pagpapatawad namin
Sa nagkakasala sa amin
at h'wag Mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya Mo kami sa lahat ng masama

SAPAGKAT

Sapakat Iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan,
at ang kapurihan, magpakailanman, amen.

KORDERO NG DIYOS

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

PAGKAING BANAL (Juan 6:53-58)

BERSO 1: Sa aming pagdurusa,
sa ‘ming pag-iisa
Ikaw ang hanap-hanap ng
aming kaluluwa

KORO: O Hesus, ikaw ang bukal
ng dakilang pagmamahal
Kinasasabikan naming Pagkaing Banal.

Ang Hapag ng pag-ibig mo,
laging hahanapin
Katawan at dugo mo, Hesus,
tanging yaman namin.

BERSO 2: Sa ‘ming pangungulila,
sa ‘ming pagluluksa
Sa yakap mo lamang kami
nakakapahinga.

KORO: O Hesus, ikaw ang bukal
ng dakilang pagmamahal
Kinasasabikan naming Pagkaing Banal.

Ang Hapag ng pag-ibig mo,
laging hahanapin
Katawan at dugo mo, Hesus,
tanging yaman namin.

BERSO 3: Sa aming agam-agam,
sa ‘ming pangangapa
Sa 'yo magpapaakay
upang di mawala.

KORO: O Hesus, ikaw ang bukal
ng dakilang pagmamahal
Kinasasabikan naming Pagkaing Banal.

KODA: Kinasasabikan naming Pagkaing Banal.

ANG TUNGKOD MO (Salmo 23)

BERSO 1: Di ko alam saan patungo
ngunit mangangahas ako
Dahil ikaw ang mangunguna,
hindi ako mangangamba.

KORO: Pastol kang maaasahan
upang ako’y ingatan at samahan
Ang tungkod mo ay kapayapaan
Sa buhay kong walang-katiyakan.

Pastol kang hindi nang-iiwan;
liwanag sa gitna ng kadiliman
Ang tungkod mo s'yang tanging mamasdan
At papanatag aking kalooban.

BERSO 2: Nais kong maging larawan
ng banayad mong kabutihan
Ang tinig mo’y aking pakikinggan;
ang tungkod mo ay aking susundan.

KORO: Pastol kang maaasahan
upang ako’y ingatan at samahan
Ang tungkod mo ay kapayapaan
Sa buhay kong walang-katiyakan.

Pastol kang hindi nang-iiwan;
liwanag sa gitna ng kadiliman
Ang tungkod mo s'yang tanging mamasdan
At papanatag aking kalooban.

KODA: At papanatag aking kalooban.

AVE MARIA, INA NG PAG-ASA

Ave Maria! Ave Maria!
Ave Maria! Ave Maria!

Sa gitna ng kawalan ng katiyakan;
kung ika’y kasama, hindi mangangamba

Para sa iyo, Mahal naming Ina
awit ng wagas naming pagsinta
Ang dasal nami’y matularan ka,
O Ina ng pag-asa!

Kahit di namin alam ang gagawin
lalo kung daa’y napakadilim
Dahil sa iyo nababatid namin,
ang D'yos ay kapiling!

Ave Maria! Ave Maria!
Ave Maria! Ave Maria!

Sa gitna ng pagdurusa, di mag-iisa;
kung ika’y kasama, may ro'ng pag-asa.

Para sa iyo, Mahal naming Ina
awit ng wagas naming pagsinta
Ang dasal nami’y matularan ka,
O Ina ng pag-asa!

Kahit di namin alam ang gagawin
lalo kung daa’y napakadilim
Dahil sa iyo nababatid namin,
ang D'yos ay kapiling!

Ave Maria! Ave Maria!
Ave Maria! Ave Maria!

Ave Maria! Ave Maria!
Ave Maria! Ave Maria!

DIYOS NG PAG-ASA

KORO: Ang bayan na nagdurusa,
nilingap at pinalaya Niya
Sa kawalang katiyakan di tayo iniwan
Kapiling S'ya’t kasama; kailanma’y di tayo mag-iisa
Kaya’t ipagbunyi ang D'yos, ang D'yos ng pag-asa!

BERSO 1: Hindi mo ba nadarama,
may ro'ng siglang kakaiba?
Ang bulag nakakakita, ang pipi, kumakanta.

KORO: Ang bayan na nagdurusa,
nilingap at pinalaya Niya
Sa kawalang katiyakan di tayo iniwan
Kapiling S'ya’t kasama; kailanma’y di tayo mag-iisa
Kaya’t ipagbunyi ang D'yos, ang D'yos ng pag-asa!

BERSO 2: Hindi mo ba naririnig?
Ang noo’y tumatangis
Nakaahon sa pasakit
at ngayo’y umaawit.

KORO: Ang bayan na nagdurusa,
nilingap at pinalaya Niya
Sa kawalang katiyakan di tayo iniwan
Kapiling S'ya’t kasama; kailanma’y di tayo mag-iisa
Kaya’t ipagbunyi ang D'yos, ang D'yos ng pag-asa!

KODA: Ang D'yos ng pag-asa!
ang D'yos ng pag-asa!