INTROIT:
Sa Hapag ng Panginoon
by Manoling Francisco
Sa hapag ng panginoon
Buong bayan ngayo'y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng Diyos sa tanan
Berso 1:
Sa panahong tigang ang lupa
Sa panahong ang ani sagana
Sa panahon ng digmaan at kaguluhan
Sa panahon ng kapayapaan
Koro:
Sa hapag ng panginoon
Buong bayan ngayo'y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng Diyos sa tanan
Berso 2:
Ang mga dakila't dukha
Ang banal at makasalanan
Ang bulag at lumpo ang api at sugatan
Ang lahat ay inaanyayahan
Koro:
Sa hapag ng panginoon
Buong bayan ngayo'y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng Diyos sa tanan
Berso 3:
Sa aming pagdadalamhati
Sa aming pagbibigay puri
Ano pa mang pagtangis hapo't pasakit
Ang pangalan n'ya'y sinasambit
Koro:
Sa hapag ng panginoon
Buong bayan ngayo'y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng Diyos sa tanan
KYRIE:
Kyrie (Mass XVI, Mode III)
from the Gregorian Chant; Owen Alstott
Kyrie, eleison
Kyrie, eleison
Christe, eleison
Christe, eleison
Kyrie, eleison
Kyrie, eleison
GLORIA:
Papuri sa Diyos (Solemne)
by Jeffrey M. Miguel
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
At sa lupa'y kapayapaan
Sa mga taong kinalulugdan Niya.
Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin.
Pinasasalamatan ka namin
Dahil sa dakila Mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng Langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
C: Ikaw na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
R: maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Tanggapin mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagkat Ikaw lamang ang banal
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang, O Hesukristo
ang kataas-taasan
Kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama,
amen, amen!
UNANG PAGBASA:
Exodo 17, 8-13
Pagbasa mula sa aklat ng Exodo
Noong mga araw na iyon, ang mga Israelita’y nasa Refidim at sinalakay sila ng mga Amalecita. Sinabi ni Moises kay Josue, “Pumili ka ng ilang tauhan natin at pangunahan mo sa pakikipaglaban sa mga Amalecita. Tatangnan ko naman ang tungkod na ibinigay sa akin ng Diyos at ako’y tatayo sa ibabaw ng burol.” Sinunod ni Josue ang utos ni Moises at hinarap niya ang mga Amalecita. Si Moises naman, kasama sina Aaron at Hur ay nagpunta sa burol. Kapag nakataas ang mga kamay ni Moises, nananalo ang mga Israelita; kapag nakababa, nananalo naman ang mga Amalecita. Nangawit na si Moises kaya sina Aaron at Hur ay kumuha ng isang bato at pinaupo roon si Moises habang hawak nilang pataas ang mga kamay nito hanggang sa lumubog ang araw. Dahil doo’y nalupig ni Josue ang mga Amalecita.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN:
Salmo 120, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8
Sa pangalan ng Maykapal
tayo ay tinutulungan.
Sa gawi ng bundok, tumitingin ako,
saan manggagaling ang aking saklolo?
Ang hangad kong tulong, sa Diyos magmumula,
sa Diyos na lumikha ng langit at lupa.
Sa pangalan ng Maykapal
tayo ay tinutulungan.
Huwag sana akong bayaang mabuwal,
handang lagi siya sa pagsasanggalang.
Ang tagapagtanggol ng bayang Israel
hindi natutulog at palaging gising.
Sa pangalan ng Maykapal
tayo ay tinutulungan.
Ang D’yos na Panginoon, siyang magbabantay,
laging nasa piling upang magsanggalang.
Di ka magdaramdam sa init ng araw,
kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan.
Sa pangalan ng Maykapal
tayo ay tinutulungan.
Sa mga panganib, ika’y ililigtas
nitong Panginoon, siyang mag-iingat.
Saanman naroon, ika’y iingatan,
di ka maaano kahit na kailan.
Sa pangalan ng Maykapal
tayo ay tinutulungan.
IKALAWANG PAGBASA:
2 Timoteo 3, 14 – 4, 2
Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo
Pinakamamahal ko, huwag mong tatalikdan ang mga aral na natutuhan mo at matibay na pinananaligan, yamang kilala mo ang nagturo nito sa iyo. Mula pa sa pagkabata, alam mo nang ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig kay Kristo Hesus. Lahat ng kasulata’y kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay. Sa gayon, ang lingkod ng Diyos ay magiging handa sa lahat ng mabubuting gawain.
Inuutusan kita sa ngalan ng Diyos at ni Kristo Hesus na hahatol sa mga buhay at mga patay: alang-alang sa kanyang pagparito at paghahari, ipangaral mo ang Salita ng Diyos, napapanahon man o hindi; hikayatin mo, pagsabihan, at patatagin ang loob ng mga tao sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYA:
Hebreo 4, 12; Misa Antonio
Aleluya! Aleluya!
Buhay ang salita ng D’yos,
ganap nitong natatalos
tanang ating niloloob.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA:
Lucas 18, 1-8
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, isinaysay ni Hesus ang isang talinghaga upang ituro sa mga alagad na dapat silang manalanging lagi at huwag manghinawa. “Sa isang lungsod,” wika niya, “may isang hukom na hindi natatakot sa Diyos at walang taong iginagalang. Sa lungsod ding iyon ay may isang babaing balo na punta nang punta sa hukom at humihingi ng katarungan. Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng ilang panahon. Ngunit nang malaunan ay nasabi nito sa sarili: “Bagamat hindi ako natatakot sa Diyos ni gumagalang kaninuman, igagawad ko na ang katarungang hinihingi ng babaing ito sapagkat lagi niya akong ginagambala – baka pa ako mainis sa kapaparito niya.” At sinabi ng Panginoon, “Narinig ninyo ang sinabi ng masamang hukom. Hindi ipagkakait ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi, bagamat tila nagtatagal iyon. Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita kaya siyang mga taong nananalig sa kanya?”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
OFFERTORIUM:
Alay ng Sambayanan (Misa ng Pag-asa)
by Mimo Perez
Koro:
Tanggapin mo alay ng iyong sambayanan;
Buhay naming pinuhunan sa pagmamahal.
Pagkakaisang aming napagtagumpayan,
Pagyamanin mo at basbasan.
Berso 1:
Hain namin, tinapay at alak,
narito sa Iyong hapag.
Tanda ng aming pagmamahalan,
‘yan ang alay ng sambayanan.
Koro:
Tanggapin mo alay ng iyong sambayanan;
Buhay naming pinuhunan sa pagmamahal.
Pagkakaisang aming napagtagumpayan,
Pagyamanin mo at basbasan.
Berso 2:
Bawat kapwa ay ibigin,
‘yan sa amin ‘Yong habilin.
Tunghayan aming kapatiran,
‘yan ang alay ng sambayanan.
Koro:
Tanggapin mo alay ng iyong sambayanan;
Buhay naming pinuhunan sa pagmamahal.
Pagkakaisang aming napagtagumpayan,
Pagyamanin mo at basbasan.
Koda:
Pagyamanin mo at basbasan.
SANCTUS:
Santo (Misa Antonio)
by Allan Antonio
Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
sa Ngalan ng Panginoon
Osana sa kaitaasan!
MYSTERIUM FIDEI:
Aming Ipinahahayag (Misa Antonio)
by Allan Antonio
Aming ipinahahayag
na namatay ang Iyong Anak
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat!
GRAN AMEN:
Great Amen (Songs for Ordinary)
by Arnel Aquino, S.J.
Amen, amen, amen
Amen, amen, amen
PATER NOSTER:
Ama Namin/Sapagkat (Misa Antonio)
by Allan Antonio
Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang Ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya mo kami sa lahat ng masama
Sapagkat Iyo ang kaharian,
at ang kapangyarihan,
at ang kapurihan,
magpakailanman, amen.
AGNUS DEI:
Kordero ng Diyos (Misa Antonio)
by Allan Antonio
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
COMMUNIO 1:
The Supper of the Lord
by Laurence Rosania
Refrain:
Precious body, precious blood
Here in bread and wine
Here the Lord prepares the feast divine
Bread of love is broken now
Cup of life is poured
Come share the supper of the Lord
Verse 1:
This is the bread of God
Coming down from heav'n
Giving life to us, to all the world
Refrain:
Precious body, precious blood
Here in bread and wine
Here the Lord prepares the feast divine
Bread of love is broken now
Cup of life is poured
Come share the supper of the Lord
Verse 2:
I am the living spring of eternal life
You that drink from me shall not thirst again
Refrain:
Precious body, precious blood
Here in bread and wine
Here the Lord prepares the feast divine
Bread of love is broken now
Cup of life is poured
Come share the supper of the Lord
Verse 3:
I am the bread of heav'n giving life to you
You that eat this bread shall never die.
Refrain:
Precious body, precious blood
Here in bread and wine
Here the Lord prepares the feast divine
Bread of love is broken now
Cup of life is poured
Come share the supper of the Lord
Verse 4:
All those who feed on me
Have their life in me
As I have my life in the living God
Refrain:
Precious body, precious blood
Here in bread and wine
Here the Lord prepares the feast divine
Bread of love is broken now
Cup of life is poured
Come share the supper of the Lord
Verse 5:
All praise to you, O Christ
present in this feast;
in this bread, we share in one life, one Lord
Refrain:
Precious body, precious blood
Here in bread and wine
Here the Lord prepares the feast divine
Bread of love is broken now
Cup of life is poured
Come share the supper of the Lord
RECESSIO:
Awit sa Ina ng Santo Rosaryo
by Fr. Carlo Magno Marcelo
Awit niya'y pag-ibig ng Diyos
tawag niya'y magbalik-loob
Turo nya'y buhay na ang Diyos lamang
sa ati'y nagkaloob
O Inang mahal narito kami
awit awit ang Ave Maria
At dalangin ng bawat pamilya'y
kapayapaa't pagkakaisa
Ang rosaryo mong hawak namin
at awit awit ang Ave Maria
Puspos ka ng diwang banal
dinggin ang aming payak na dasal
...
Ihatid mo kami sa langit
ng Amang mapagmahal
...
O Inang mahal narito kami
awit awit ang Ave Maria
sa Anak mong si Hesus
puso namin ay ihahandog
Ang rosaryo mong hawak namin
at awit awit ang Ave Maria
Puspos ka ng diwang banal
dinggin ang aming payak na dasal
...
Ihatid mo kami sa langit
ng Amang mapagmahal
WAKAS