INTROIT:
DAMBANA NG PANGINOON (ANG PISTA NG SAMBAYANAN)
by Manoling Francisco
Sama-samang tutunguhin
ang tahanan ng Panginoon
Sama-samang magtitipon
sa dambana ng Panginoon
Berso 1:
Tayo'y magalak, tayo'y magsaya!
bahay ng Poon, tunay ang ganda!
Sa Kanyang harap, kamangha-mangha
Sa Kanyang harap, tayo'y magpunta
Koro:
Sama-samang tutunguhin
ang tahanan ng Panginoon
Sama-samang magtitipon
sa dambana ng Panginoon
UNANG PAGBASA:
Roma 2, 1-11
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma
Sino ka mang humahatol sa iba, wala kang maidadahilan. Sapagkat sa paghatol mo sa iba, hinahatulan mo rin ang iyong sarili, palibhasa, ikaw na humahatol ay gumagawa rin ng gayun. Nalalaman nating makatarungan ang hatol ng Diyos laban sa mga gumagawa niyon. Akala mo ba’y makaiiwas ka sa hatol ng Diyos kung hatulan mo ang mga gumagawa ng mga maling gawaing ginagawa mo rin? O hinahamak mo ang Diyos, sapagkat siya’y napakabuti, mapagpigil, at mapagpaumanhin? Hindi mo ba alam na binibigyan ka niya ng pagkakataong magsisi at magbagong-buhay kaya napakabuti niya sa iyo? Ngunit dahil sa katigasan ng iyong ulo at di pagsisisi, pinabibigat mo ang parusang ipapataw sa iyo sa paghahayag ng poot ng Diyos sa Araw ng kanyang paghatol. Sapagkat siya ang gaganti sa lahat ng tao ayon sa kanyang gawa. Ang mga nagpapatuloy ng paggawa ng mabuti sa paghahangad ng karangalan, kadakilaan at kawalang-kamatayan ay bibigyan niya ng buhay na walang hanggan. Datapwat matinding galit at poot ang babagsak sa mga lumilikha ng pagkakabaha-bahagi at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sa kalikuan. Paghihirap at kapighatian ang daranasin ng bawat gumagawa ng masama, una ang mga Judio at gayun din ang mga Griego. Ngunit karangalan, kapurihan at kapayapaan ang tatamuhin ng bawat gumagawa ng mabuti, una, ang mga Judio at gayun din ang mga Griego. Sapagkat ang Diyos ay di nagtatangi.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN:
Salmo 61, 2-3. 6-7. 9
Ang D’yos ay may gantimpala
sa may mabubuting gawa.
Sa Diyos lamang ako tanging umaasa;
ang kaligtasa’y nagbubuhat sa kanya.
Tanging siya lamang ang Tagapagligtas,
tagapagtanggol ko at aking kalasag;
akin ang tagumpay sa lahat ng oras!
Ang D’yos ay may gantimpala
sa may mabubuting gawa.
Tanging sa Diyos lang ako umaasa;
ang aking pag-asa’y tanging nasa kanya.
Tanging siya lamang ang Tagapagligtas,
tagapagtanggol ko at aking kalasag.
Akin ang tagumpay sa lahat ng oras!
Ang D’yos ay may gantimpala
sa may mabubuting gawa.
Mga kababayan, sa lahat ng oras
magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak
ang inyong pasaning ngayo’y dinaranas;
Siya ang kublihang sa ati’y lulunas.
Ang D’yos ay may gantimpala
sa may mabubuting gawa.
ALELUYA:
Juan 10, 27; Misa Antonio
Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa ‘king kawan,
ako’y kanilang susundan.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA:
Lucas 11, 42-46
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Kawawa kayo, mga Pariseo! Ibinibigay niyo ang ikapu ng yerbabuena, ng ruda, at ng iba pang gulayin, ngunit kinaliligtaan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Tamang gawin ninyo ito nugnit huwag naman ninyo kaliligtaang gawin ang mga iba.
“Kawawa kayo, mga Pariseo! Sapagkat ang ibig ninyo’y ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga, at ang pagpugayan kayo sa mga liwasang bayan. Sa aba ninyo! Sapagkat para kayong mga libingang walang tanda, at nalalakaran ng mga tao nang hindi nila nalalaman.”
Sinabi sa kaya ng isa sa mga dalubhasa sa Kautusan, “Guro, sa sinabi mong iyan pati kami’y kinukutya mo.” At sinagot siya ni Hesus, “Kawawa rin kayo mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mabibigat na dalahin, ngunit ni daliri’y ayaw ninyong igalaw sa pagdadala ng mga iyon.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
OFFERTORIUM:
ALAY NG SAMBAYANAN (MISA NG PAG-ASA)
by Mimo Perez
Koro:
Tanggapin mo alay ng iyong sambayanan;
Buhay naming pinuhunan sa pagmamahal.
Pagkakaisang aming napagtagumpayan,
Pagyamanin mo at basbasan.
Berso 1:
Hain namin, tinapay at alak,
narito sa Iyong hapag.
Tanda ng aming pagmamahalan,
‘yan ang alay ng sambayanan.
Koro:
Tanggapin mo alay ng iyong sambayanan;
Buhay naming pinuhunan sa pagmamahal.
Pagkakaisang aming napagtagumpayan,
Pagyamanin mo at basbasan.
SANCTUS:
SANTO (MASS OF MERCY & COMPASSION)/(MISA ANTONIO)
by Manoling Francisco/Allan Antonio
Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo
Osana, Osana, Osana sa kaitaasan!
Osana, Osana, Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
sa Ngalan ng Panginoon
Osana, Osana, Osana sa kaitaasan!
Osana, Osana, Osana sa kaitaasan!
MYSTERIUM FIDEI:
AMING IPINAHAHAYAG (MISA ANTONIO)
by Allan Antonio
Aming ipinahahayag
na namatay ang 'Yong Anak
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat!
GRAN AMEN:
DANISH AMEN
Amen, amen, amen
PATER NOSTER:
AMA NAMIN (MISA ANTONIO)
by Allan Antonio
Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang Ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya mo kami sa lahat ng masama
AGNUS DEI:
KORDERO NG DIYOS (MISA ANTONIO)
by Allan Antonio
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
COMMUNIO:
PANALANGIN SA PAGIGING BUKAS PALAD
by Manoling Francisco
Panginoon, turuan Mo ako maging bukas-palad
Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo
Na magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa 'Yo
Nang makibakang di inaalintana
Mga hirap na dinaranas
Sa tuwina'y magsumikap na hindi humahanap
Ng kapalit na kaginhawaan
Na 'di naghihintay kundi ang aking mabatid
Na ang loob Mo'y siyang sinusundan
Panginoon, turuan Mo ako maging bukas-palad
Turun Mo akong maglingkod sa Iyo
Na magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa 'Yo
RECESSIO:
AWIT SA INA NG STO. ROSARIO
by Fr. Carlo Magno Marcelo
Awit niya'y pag-ibig ng Diyos
tawag niya'y magbalik-loob
Turo nya'y buhay na ang Diyos lamang
sa ati'y nagkaloob
Koro:
O Inang mahal narito kami't
awit awit ang Ave Maria
At dalangin ng bawat pamilya'y
kapayapaa't pagkakaisa
Ang rosaryo mong hawak namin
at awit awit ang Ave Maria
Puspos ka ng diwang banal
dinggin ang aming payak na dasal
Ihatid mo kami sa langit
ng Amang mapagmahal
==WAKAS==