Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda - Miyerkules, Marso 26, 2025

INTROIT
BUKSAN ANG AMING PUSO

I
Buksan ang aming puso
turuan mong mag-alab
sa bawat pagkukuro
lahat ay makayakap

II:
Buksan ang aming isip
sikatan ng liwanag
nang kusang matangkilik
tungkuling mabanaag

III:
Buksan ang aming palad
sarili'y maialay
tulungan mong ihanap
kami ng bagong malay

UNANG PAGBASA
Deuteronomio 4, 1. 5-9

Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio

Nagsalita si Moises sa mga tao: “Ngayon, mga Israelita, upang mabuhay kayo nang matagal at makarating sa lupaing ibinigay sa inyo ng Panginoon, unawain ninyong mabuti at sundin ang tuntuning itinuturo ko sa inyo.

“Ngayon nga’y itinuturo ko sa inyo ang mga tuntuning ito upang sundin. Unawain ninyo ito at sunding mabuti. Sa gayon makikita ng ibang bansa ang inyong karunungan at lawak ng pang-unawa. Sa gayon, hindi nila mapipigilang sabihin ang ganito: ‘Ang bansang ito’y matalino at may malawak na pagkaunawa.’

“Sinong diyos ng ibang bansa ang handang tumulong anumang oras liban sa Panginoon? Aling bansa ang may tuntuning kasing inam ng mga tuntuning ibinigay ko sa inyo ngayon? Ngunit kaiingat kayo. Ang mga bagay na inyong nasaksihan ay huwag ninyong kalilimutan o ipagwawalang-bahala habang kayo’y nabubuhay; ituro ninyo ito sa inyong mga anak at mga apo.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

Purihin mo, Jerusalem, purihin ang Panginoon,
purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Sion.
Yaong mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat,
ang lahat ng iyong lingkod ay siya ang nagbabasbas.

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

Ginagawang matahimik yaong mga hangganan mo,
bibigyan kang kasiyahan sa kaloob niyang trigo.
Kung siya ay nag-uutos, agad itong natutupad,
dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat.

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

Kay Jacob n’ya ibinigay ang balita at pabilin,
ang tuntuni’t mga aral, ibinigay sa Israel.
Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa,
pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda.
Purihin ang Panginoon!

Purihin mo, Jerusalem,
ang Panginoong butihin.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Juan 6, 63k. 68k

"Nagpupuri kami sa'yo, Panginoong Hesukristo"

Salita mo, Kristong mahal,
Espiritung bumubuhay,
nagtuturo’t umaakay
sa nagnanais makamtan
ang langit na walang hanggan.

"Nagpupuri kami sa'yo, Panginoong Hesukristo"

MABUTING BALITA
Mateo 5, 17-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-bisa ang Kautusan at ang aral ng mga propeta. Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon. Tandaan ninyo ito: magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga’t hindi nagaganap ang lahat. Kaya’t sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

OFFERTORIUM:
PAGGUNIT (MISA ANTONIO)

Koro
Aming alay sa ‘Yo, Panginoon
Ang tinapay at alak na Iyong kaloob
Upang gunitain ang ‘Yong buhay na inialay
Nang tayo'y magdiwang bilang isang sambayanan

I
Ang tinapay, ito ang Iyong laman,
At ang alak, ito ang Iyong dugo
Laman Mo'y inihain upang lahat ay buhayin
Dugo Mo ay dumanak nang lahat ay mapatawad

Koro
Aming alay sa ‘Yo, Panginoon
Ang tinapay at alak na Iyong kaloob
Upang gunitain ang ‘Yong buhay na inialay
Nang tayo'y magdiwang bilang isang sambayanan

II
Hinirang na ina ang mahal na Birheng Maria
Una Mong luklukan ang kanyang sinapupunan
Sa aming pagtanggap sa Iyo, Ikaw nawa ay manahan
Sa aming mga puso nang lumago sa kabanalan

Koro
Aming alay sa ‘Yo, Panginoon
Ang tinapay at alak na Iyong kaloob
Upang gunitain ang ‘Yong buhay na inialay
Nang tayo'y magdiwang bilang isang sambayanan

SANCTUS:
SANTO (MISA ANTIPONA)

I
Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo

Osana sa kaitaasan!

II
Pinagpala ang naparirito
Sa Ngalan ng Panginoon

Osana sa kaitaasan!


MEMORIAL ACCLAMATION:
SI KRISTO AY GUNITAIN (MISA PASYON)

Si Kristo ay gunitain
sarili ay inihain
bilang pagkai't inumin
pinagsasaluhan natin
hanggang sa Siya ay dumating

GRAN AMEN:
DAKILANG AMEN (ASUNCION)

A-amen, a-amen, a-amen

PATER NOSTER:
AMA NAMIN (VINTERES)

Ama namin, sumasalangit ka
sambahin ang Ngalan mo
mapasaamin ang kaharian mo
sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit

Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala

Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin

at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya mo kami sa lahat ng masama

SAPAGKAT (MISA ANTONIO)

Sapagkat Iyo ang kaharian,
at ang kapangyarihan,
at ang kapurihan,
magpakailanman, amen.

AGNUS DEI:
KORDERO NG DIYOS (MISA ANTONIO)

I
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin

II
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin

III
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan

COMMUNIO:
MISERERE

Ref (Solo then Koro)
Have mercy on me, O God, in Your kindness.
In Your compassion, blot out my offense.
Wash me, O God, from the stain of my guilt
and cleanse me from my sin.

I
My offenses, truly I know them.
My sin is always before me.
Against You alone have I sinned.
What is evil in Your sight, I have done.

Ref
Have mercy on me, O God, in Your kindness.
In Your compassion, blot out my offense.
Wash me, O God, from the stain of my guilt
and cleanse me from my sin.

II
Create in me a pure heart.
Put a steadfast spirit within me.
Do not cast me away from Your presence
nor deprive me of Your spirit.

Ref
Have mercy on me, O God, in Your kindness.
In Your compassion, blot out my offense.
Wash me, O God, from the stain of my guilt
and cleanse me from my sin.

III
Defend me, O God, my Savior.
My tongue shall sing out Your goodness.
O Lord, open my lips,
and my mouth shall proclaim Your praise.

Ref
Have mercy on me, O God, in Your kindness.
In Your compassion, blot out my offense.
Wash me, O God, from the stain of my guilt
and cleanse me from my sin.

--NO RECESSIO--