INTROIT: MAGSIAWIT SA PANGINOON
Koro:
Magsiawit kayo sa Panginoon, Aleluya!
Magsiawit sa Panginoon
Verse 1:
Purihin, purihin ang Kanyang pangalan
Ipahayag, ipahayag ang dulot N'yang kaligtasan
Koro:
Magsiawit kayo sa Panginoon, Aleluya!
Magsiawit sa Panginoon
Verse 2:
Dakila ang Poon, dapat na purihin
S'yang nagbigay, S'yang nagbigay ng langit sa ating lahat
Koro:
Magsiawit kayo sa Panginoon, Aleluya!
Magsiawit sa Panginoon
Verse 3:
Kayong mga angkan, maghandog sa Poon
Luwalhati at papuri ialay sa Panginoon
Koro:
Magsiawit kayo sa Panginoon, Aleluya!
Magsiawit sa Panginoon
GLORIA: PAPURI SA DIYOS (CAPARROS)
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
At sa lupa'y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdan Niya.
Pinupuri Ka namin,
Dinarangal Ka namin,
Sinasamba Ka namin,
Ipinagbubunyi Ka namin,
Pinasasalamatan Ka namin,
Dahil sa dakila Mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak.
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos,
Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa Ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin Mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa Ka sa amin.
Sapangkat Ikaw lamang ang banal,
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang, O, Hesukristo,
ang kataas-taasan.
Kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama, Amen!
UNANG PAGBASA: Mga Gawa 13, 14. 43-52
Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol
Noong mga araw na iyon: Mula sa Perga, nagpatuloy maglakbay sina Pablo at Bernabe at dumating sa Antioquia ng Pisidia. Nang Araw ng Pamamahinga, pumasok sila sa sinagoga at naupo. Pagkatapos ng pulong, sumunod kina Pablo at Bernabe ang maraming Judio at mga nahikayat sa Judaismo. Nagsalita sa kanila ang mga apostol at pinangaralan silang magpatuloy sa pamumuhay nang nararapat sa kagandahang-loob ng Diyos.
Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos lahat ng tao sa lungsod ay nagkatipon upang pakinggan ang salita ng Diyos. Inggit na inggit ang mga Judio nang makita nila ang maraming tao, kaya’t nilait nila at sinalungat si Pablo. Ngunit buong tapang na sinabi nina Pablo at Bernabe, “Sa inyo muna dapat ipahayag ang salita ng Diyos. Yamang itinakwil ninyo ito, hinatulan ninyo ang inyong sarili na hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, kaya’t pupunta kami sa mga Hentil. Sapagkat ganito ang iniutos sa amin ng Panginoon:
‘Inilagay kita na maging ilaw sa mga Hentil
upang maibalita mo ang kaligtasan
hanggang sa dulo ng daigdig.’”
Nagalak ang mga Hentil nang marinig ito, at nagpuri sa Panginoon dahil sa salita niya; at sumampalataya ang mga hinirang para sa buhay na walang hanggan.
Kaya’t lumaganap sa buong lupain ang salita ng Panginoon. Ngunit sinulsulan ng mga Judio ang mga babaing sumasamba sa Diyos at kilala sa lipunan, gayon din ang mga lalaking pinuno ng lungsod: ipinausig nila sina Pablo at Bernabe, at pinalayas sa lupaing iyon. Kaya’t ipinagpag ng dalawa ang alikabok sa kanilang mga paa bilang saksi laban sa mga tagaroon, at sila’y nagtungo sa Iconio. Ang mga alagad naman sa Antioquia ay natigib ng galak at napuspos ng Espiritu Santo.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN: Salmo 99, 2. 3. 5
Lahat tayo’y kanyang bayan,
kabi-lang sa kanyang kawan.
Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa!
Panginoo’y papurihan, paglingkuran siyang kusa;
lumapit sa harap niya at umawit na may tuwa!
Lahat tayo’y kanyang bayan,
kabi-lang sa kanyang kawan.
Ang Panginoo’y ating Diyos! Ito’y dapat malaman,
tayo’y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang;
lahat tayo’y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan.
Lahat tayo’y kanyang bayan,
kabi-lang sa kanyang kawan.
Mabuti ang Panginoon, pag-ibig niya’y walang hanggan,
Siya’y Diyos na mabuti’t laging tapat kailanman.
Lahat tayo’y kanyang bayan,
kabi-lang sa kanyang kawan.
IKALAWANG PAGBASA: Pahayag 7, 9. 14b-17
Akong si Juan ay nakakita ng napakaraming taong di kayang bilangin ninuman! Sila’y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas. At sinabi ng isa mga matatanda sa akin, “Sila ang mga nagtagumpay sa kabila ng mahigpit na pag-uusig. Nilinis nila at pinaputi sa dugo ng Kordero ang kanilang damit. Iyan ang dahilan kung bakit sila nasa harap ng trono ng Diyos at naglilingkod sa kanya araw-gabi sa templo niya. At ang nakaluklok sa trono ang kukupkop sa kanila. Hindi na sila magugutom o mauuhaw; hindi na sila mabibilad sa araw o mapapaso ng anumang matinding init. Sapagkat ang Korderong nasa gitna ng trono ang magiging pastol nila. Sila’y dadalhin niya sa mga bukal ng tubig na nagbibigay-buhay; at papahirin ng Diyos ang luha sa kanilang mga mata.”
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYA: ANG PISTA NG SAMBAYANAN
Juan 10, 14
Aleluya! Aleluya!
Ako’y pastol na butihin
kilala ko’ng tupang akin;
ako’y kilala nila rin.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA: Juan 10, 27-30
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon: Sinabi ni Hesus: “Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanma’y di sila mapapahamak; hindi sila maaagaw sa akin ninuman. Ang aking Ama, na nagbigay sa kanila sa akin, ay lalong dakila sa lahat, at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama. Ako at ang Ama ay iisa.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
OFFERTORIUM: IKAW ANG ALAK AT TINAPAY
Koro:
Ikaw ang alak at tinapay ng langit.
Ikaw ang kaligtasang aming nakamit.
Pagsamo ng iyong baya'y pakinggan,
maging marapat na ika'y pagsaluhan.
ika-1 taludtod:
Alay na hatid sa dambanang banal,
lakip nito'y bahagi ng aming nakayanan.
Hindi lang dahil sa gawa naming kulang
kun'di sa pag-ibig Mong kami'y pinupunan.
Koro:
Ikaw ang alak at tinapay ng langit.
Ikaw ang kaligtasang aming nakamit.
Pagsamo ng iyong baya'y pakinggan,
maging marapat na ika'y pagsaluhan.
ika-2 taludtod:
Itong bunga ng aming pagpapagal,
ang hain na ngayo'y binabasbasan.
Kung sa pag-pitas at pag-ani'y dala,
biyayang tanging sa iyo nagmumula.
Koro:
Ikaw ang alak at tinapay ng langit.
Ikaw ang kaligtasang aming nakamit.
Pagsamo ng iyong baya'y pakinggan,
maging marapat na ika'y pagsaluhan.
SANCTUS: SANTO (MISANG PASTORELA)
Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo
Osana, osana sa kaitaasan
Osana, osana sa kaitaasan
Pinagpala ang naparirito
sa Ngalan ng Panginoon
Osana, osana sa kaitaasan
Osana, osana sa kaitaasan
PAGGUNITA: AMING IPINAHAHAYAG
(ANG PISTA NG SAMBAYANAN)
Aming ipinahahayag
na namatay ang Iyong Anak
nabuhay bilang mesiyas
at magbabalik sa wakas
Para mahayag sa lahat!
GRAN AMEN: DANISH AMEN
A-amen, a-amen, a-a-a-amen
PATER NOSTER: AMA NAMIN
(MISA NG SAMBAYANAN)
Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang Ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin mo kami
sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami sa lahat ng masama
AGNUS DEI: KORDERO NG DIYOS
(MASS OF MERCY & COMPASSION)
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin
Agnus Dei qui tollis
pecatta mundi,
dona nobis pacem
dona nobis pacem
dona nobis pacem
COMMUNIO: ANG PANGINOON ANG AKING PASTOL
Antipona (2x):
Ang panginoon ang aking pastol
pinagiginhawa akong lubos
Verse 1:
Handog niyang himlaya’y sariwang pastulan
Ang pahingahan ko’y payapang batisan
Hatid sa kaluluwa ay kaginhawahan
Sa tumpak na landas siya ang patnubay
Antipona:
Ang panginoon ang aking pastol
pinagiginhawa akong lubos
Verse 2:
Madilim na lambak man ang tatahakin ko
Wala akong sindak si-ya’y kasama ko
Ang hawak niyang tungkod ang si-yang gabay ko
Tangan niya’y pamalo sigla’t tanggulan ko
Antipona:
Ang panginoon ang aking pastol
pinagiginhawa akong lubos
Verse 3:
Inihahanda niya sa akin ang 'sang dulang
Piging sa harapan ng aking kaaway
Kasiyahan niyang ulo ko'y langisan
Saro ko'y punuin hanggang sa umapaw
Antipona:
Ang panginoon ang aking pastol
pinagiginhawa akong lubos
Verse 4:
Kagandahang loob pawang kabutihan
Ang tanging kasunod ng buhay kong taglay
Doon sa tahanan ng poong maykapal
Nais kong manahan magpakailanman
Antipona:
Ang panginoon ang aking pastol
pinagiginhawa akong lubos
COMMUNIO 2: THE SUPPER OF THE LORD
Chorus:
Precious body, precious blood
Here in bread and wine
Here, the Lord prepares the feast divine
Bread of love is broken now
Cup of life is poured
Come share the supper of the Lord
Refrain 1:
This is the bread of God
Coming down from heav'n
Giving life to us, to all the world
Chorus:
Precious body, precious blood
Here in bread and wine
Here, the Lord prepares the feast divine
Bread of love is broken now
Cup of life is poured
Come share the supper of the Lord
Refrain 2:
I am the living spring
of eternal life
You that drink from me shall not thirst again
Chorus:
Precious body, precious blood
Here in bread and wine
Here, the Lord prepares the feast divine
Bread of love is broken now
Cup of life is poured
Come share the supper of the Lord
Refrain 3:
I am the bread of heav'n
giving life to you
You that eat this bread shall never die.
Chorus:
Precious body, precious blood
Here in bread and wine
Here, the Lord prepares the feast divine
Bread of love is broken now
Cup of life is poured
Come share the supper of the Lord
Refrain 4:
All those who feed on me
Have their life in me
As I have my life in the living God
Chorus:
Precious body, precious blood
Here in bread and wine
Here, the Lord prepares the feast divine
Bread of love is broken now
Cup of life is poured
Come share the supper of the Lord
Refrain 5:
All praise to you, O Christ
present in this feast
in this bread we share in one life, one Lord.
Chorus:
Precious body, precious blood
Here in bread and wine
Here, the Lord prepares the feast divine
Bread of love is broken now
Cup of life is poured
Come share the supper of the Lord
RECESSIO: HUMAYO'T IHAYAG
Humayo't ihayag (Purihin Siya!)
At ating ibunyag (Awitan Siya!)
Pagliligtas ng Diyos na sa krus ni Hesus
Ang Siyang sa mundo'y tumubos
Langit at lupa, Siya'y papurihan
Araw at tala, Siya'y parangalan
Ating 'pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
Aleluya!
At isigaw sa lahat
Kalinga Niya'y wagas
Kayong dukha't salat
Pag-ibig Niya sa inyo at tapat
Halina't sumayaw (Buong bayan!)
Lukso sabay sigaw (Sanlibutan!)
Ang ngalan Niyang angkin singningning ng bituin
Liwanag ng Diyos sumaatin
Langit at lupa, Siya'y papurihan
Araw at tala, Siya'y parangalan
Ating 'pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
(ng Diyos sa tanan!)
Ating 'pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
Aleluya! Aleluya! Aleluya!
--END--
