Miyerkules ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) - Miyerkules, Hunyo 25, 2025


INTROIT:
MAGPURI SA PANGINOON

Koro:
Magpuri kayo sa Panginoong D'yos
lahat ng santinakpan.
Magsiawit kayo at S'ya’y ipagdangal
magpakailan man.

I:
Magpuri kayo, mga anghel ng Diyos,
sa Panginoong Maykapal.
Magpuri kayo, mga langit,
sa D'yos na sa 'nyo lumikha.

Koro:
Magpuri kayo sa Panginoong D'yos
lahat ng santinakpan.
Magsiawit kayo at S'ya’y ipagdangal
magpakailan man.

UNANG PAGBASA:
Genesis 15, 1-12. 17-18

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Noong mga araw na iyon, narinig ni Abram na sinabi sa kanya ng Panginoon:
“Abram, h’wag kang matatakot ni mangangamba man,
kalasag mo ako, kita’y iingatan at ikaw ay aking gagantimpalaan.”

Ngunit sinabi ni Abram, “Panginoon, ano pong gantimpala ang ibibigay mo sa akin? Wala naman akong anak! Wala akong tagapagmana kundi si Eliezer na taga-Damasco. Hindi mo ako pinagkalooban ng anak, kaya isa kong alipin ang magmamana ng aking ari-arian.”

Sinabi ng Panginoon, “Hindi alipin ang magmamana ng iyong ari-arian; anak mo ang magmamana ng iyong ari-arian; anak mo ang magmamana.” At inilabas siya nito at sinabi sa kanya: “Masdan mo ang mga bituin! Mabibilang mo ba iyan? Ganyan karami ang magiging anak mo at apo.” Nanalig si Abram, at dahil dito’y kinalugdan siya ng Panginoon.

Sinabi pa ng Panginoon kay Abram, “Ako ang kumuha sa iyo sa Ur ng Caldea upang ibigay sa iyo ang lupaing ito.” Itinanong naman ni Abram, “Panginoon, aking Diyos, paano ko malalamang ito’y magiging akin?”

Sinabi sa kanya, “Dalhan mo ako ng isang baka, isang kambing, at isang tupa, bawat isa’y tatlong taon ang gulang. Magdala ka rin ng isang kalapati at isang batubato.” Dinala nga ni Abram ang lahat ng iyon at biniyak ang bawat isa maliban sa mga ibon. Inihanay niyang magkakatapat ang pinaghating hayop. Bumaba ang mga buwitre upang kanin ito, ngunit itinaboy sila ni Abram.

Nang kumikiling na ang araw, nakatulog nang mahimbing si Abram, at nagkaroon ng isang nakatatakot na pangitain.

Pagkalubog ng araw at laganap na ang dilim, biglang may lumitaw na palayok na umuusok, at maningas na sulo na dumaan sa pagitan ng pinatay na mga hayop. At nang araw na yaon, nakipagtipan ang Panginoon kay Abram, wika niya: “Nangangako ako na ibibigay sa lahi mo ang lupaing ito, mula sa hanggahan ng Egipto hanggang sa Ilog Eufrates.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN:
Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9

Na-sa isip ng Maykapal
ang tipan ni-ya kailanman.

Dapat na ang Diyos, itong Panginoon, ay pasalamatan,
ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa’y dapat ipaalam.
Siya ay purihin, suubin ng awit, ating papurihan,
ang kahanga-hangang mga gawa niya’y dapat na isaysay.

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya,
ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila,
lahat ng may nais maglingkod sa Poon, dapat na magsaya.
Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan,
siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan.

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

Ito’y nasaksihan ng mga alipi’t anak ni Abraham,
gayun din ang lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang.
Ang Panginoong Diyos ay ang Panginoon, siya ang ating Diyos,
sa kanyang paghatol ay ang nasasaklaw, buong sansinukob.

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

Ang tipang pangako’y laging nasa isip niya kailanman,
ang mga pangakong kanyang binitiwan sa lahat ng angkan.
Ang tipan ng Diyos ay unang ginawa niya kay Abraham,
at may pangako ring ginawa kay Isaac na lingkod na mahal.

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

ALELUYA: MISA ANTONIO
Juan 15, 4a. 5b

Aleluya! Aleluya!

Sa Poon ay manatili
siya’y sa atin lalagi
mamungang maluwalhati.

Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA:
Mateo 7, 15-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta; nagsisilapit sila sa inyo na animo’y tupa, ngunit ang totoo’y mababangis na asong-gubat. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Napipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa puno ng aroma? Nagbubunga ng mabuti ang bawat mabuting punongkahoy, subalit nagbubunga ng masama ang masamang punongkahoy. Hindi maaaring magbunga ng masama ang mabuting punongkahoy, ni ng mabuti ang masamang punongkahoy. Ang bawat puno na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy. Kaya nga, makikilala ninyo sa kanilang mga gawa ang mga bulaang propeta.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

OFFERTORIUM:
PAGGUNITA (MISA ANTONIO)

Koro:
Aming alay sa ‘Yo, Panginoon
Ang tinapay at alak na Iyong kaloob
Upang gunitain ang ‘Yong buhay na inialay
Nang tayo'y magdiwang bilang isang sambayanan

I:
Ang tinapay, ito ang Iyong laman,
At ang alak, ito ang Iyong dugo
Laman Mo'y inahain upang lahat ay buhayin
Dugo Mo ay dumanak nang lahat ay mapatawad

Koro:
Aming alay sa ‘Yo, Panginoon
Ang tinapay at alak na Iyong kaloob
Upang gunitain ang ‘Yong buhay na inialay
Nang tayo'y magdiwang bilang isang sambayanan

Koda:
Nang tayo'y magdiwang
bilang isang sam----bayanan

SANCTUS:
SANTO (MISA ANTONIO)

Santo, Santo, Santo
Panginoong Di-yos ng mga hukbo
Napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan mo

Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito
sa Ngalan ng Panginoon

Osana sa kaitaasan!

PAGGUNITA:
AMING IPINAHAHAYAG (MISA ANTONIO)

Aming ipinahahayag
na namatay ang 'Yong Anak
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
Para mahayag sa lahat!

GRAN AMEN:
GREAT AMEN (AQUINO)

Amen, amen, amen

PATER NOSTER:
AMA NAMIN (MISA ANTONIO)

Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang Ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit

Bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw
At patawarin mo kami
sa aming mga sala

Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
At huwag mo kaming
ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami
sa lahat ng masama

Sapagkat Iyo ang kaharian,
at ang kapangyarihan,
at ang kapurihan,
magpakailanman. Amen.

AGNUS DEI:
KORDERO NG DIYOS (MISA ANTONIO)

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanli--butan,
maawa ka sa amin

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

COMMUNIO 1:
PANALANGIN NG PAGIGING BUKAS-PALAD

I:
Panginoon, turuan Mo ako maging bukas-palad
Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo
Na magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa 'Yo

II:
Nang makibakang di inaalintana
Mga hirap na dinaranas
Sa tuwina'y magsumikap na hindi humahanap
Ng kapalit na kaginhawaan
Na 'di naghihintay kundi ang aking mabatid
Na ang loob Mo'y siyang sinusundan

RECESSIO:
GIVE THANKS (MISA DELGADO BOOK VI)

Give thanks to the Lord and exhult His name
Give thanks to the Lord let us sing songs of praise
Shout with one voice and proclaim His words
Give thanks to the Lord all our days

Sing Alleluia, sing your song
Rejoice and be glad let us dance with joy
For Christ is our Lord, our Savior and King
Give thanks to the Lord, for He is Our God
Give thanks to the Lord all our days
Give thanks!

--END--