Miyerkules ng Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) - Miyerkules, Oktubre 29, 2025

INTROIT:
Araw-araw kay Maria
A Traditional Marian Hymn

Araw-araw kay Maria
kami ay nagdarasal
Si Mariang Ina namin
ibig naming marangal

Kanyang tulong lagi-lagi
kami ay humihiling
Siya'y aming pupurihin
tuwing araw at gabi

Kung kami'y nasa panganib
kay Maria tatakbo
Siya'y aming tatawagin
kung lalapit ang tukso

O Maria, tutulungan
kaming nangabubuhay
kami ay ipanalangin
kung kami'y mamamatay

UNANG PAGBASA:
Roma 8, 26-30

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya’t ang Espiritu ang lumuluhog para sa atin, sa paraang di magagawa ng pananalita. At nauunawaan ng Diyos na nakasasaliksik sa puso ng tao, ang ibig sabihin ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu’y lumuluhog para sa mga banal, ayon sa kalooban ng Diyos

Alam nating sa lahat ng bagay, ang Diyos ay gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti. Sapagkat sa mula’t mula pa’y alam na ng Diyos kung sino ang sa kanya; ang mga ito’y itinalaga niyang maging tulad ng kanyang Anak, at sa gayun, naging panganay natin siya. At ang mga itinalaga niya noong una pa ay kanyang tinawag. Ang mga tinawag niya ay kanya ring pinawalang-sala, at ang kanyang mga pinawalang-sala ay kanya namang binigyan ng karangalan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN:
Salmo 12, 4-5. 6

Lubos akong nananalig
sa matapat mong pag-ibig.

Tunghayan mo at tugunin, O Poon na aking Diyos,
ibalik mo ang lakas ko’t nang hininga’y di malagot;

Lubos akong nananalig
sa matapat mong pag-ibig.

ang palalong kaaway ko’y huwag bayaan na maghambog
at malugod na sabihing: “Nagapi ko siyang lubos.”

Lubos akong nananalig
sa matapat mong pag-ibig.

Lubos akong nananalig sa pag-ibig mong matapat,
nagagalak ang puso ko dahil sa ‘yong pagliligtas;

Lubos akong nananalig
sa matapat mong pag-ibig.

aawitin kita, Poon, aawitang buong galak,
dahilan sa kabutihang sa akin ay iginawad.

Lubos akong nananalig
sa matapat mong pag-ibig.

ALELUYA:
2 Tesalonica 2, 14; Ang Pista ng Sambayanan

Aleluya! Aleluya!
Tayo’y tinawag ng Diyos
upang magningning na lubos
sa aral ni Kristo Hesus.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA:
Lucas 13, 22-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, nagpatuloy si Hesus sa kanyang paglalakbay. Siya’y nagtuturo sa bawat bayan at nayon na kanyang dinaraanan patungong Jerusalem. May isang nagtanong sa kanya, “Ginoo, kakaunti po ba ang maliligtas?” Sinabi niya, “Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan. Sinasabi ko sa inyo, marami ang magpipilit na pumasok ngunit hindi makapapasok.

“Kapag ang pinto’y isinara na ng puno ng sambahayan, magtitiis kayong nakatayo sa labas, at katok nang katok. Sasabihin ninyo, ‘Panginoon, papasukin po ninyo kami.’ Sasagutin niya kayo, ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo!’ At sasabihin ninyo, ‘Kumain po kami at uminom na kasalo ninyo, at nagturo pa kayo sa mga lansangan namin.’ Sasabihin naman ng Panginoon, ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo! Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na nagsisigawa ng masama!’ Tatangis kayo at magngangalit ang inyong ngipin kapag nakita ninyong nasa kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac at Jacob, at ang lahat ng propeta, at kayo nama’y ipinagtabuyan sa labas! At darating ang mga tao buhat sa silangan at kanluran, sa hilaga at timog, at dudulog sa hapag sa kaharian ng Diyos. Tunay ngang may nahuhuling mauuna, at may nauunang mahuhuli.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

OFFERTORIUM:
Paggugunita (Misa Antonio)
by Allan Antonio

Koro:
Aming alay sa'Yo, Panginoon
Ang tinapay at alak na 'Yong kaloob
Upang gunitain ang 'Yong buhay na inialay
Nang tayo'y magdiwang bilang isang sambayanan.

Berso 2:
Hinirang na Ina ang Mahal na Birheng Maria
Una Mong luklukan ang kanyang sinapupunan
Sa aming pagtanggap sa iyo, ikaw nawa ay manahan
Sa aming mga puso nang lumago sa kabanalan.

Koro:
Aming alay sa'Yo, Panginoon
Ang tinapay at alak na 'Yong kaloob
Upang gunitain ang 'Yong buhay na inialay
Nang tayo'y magdiwang bilang isang sambayanan.

Berso 1:
Ang tinapay ito ang Iyong laman
At ang alak ito ang Iyong dugo
Laman Mo'y inahain upang lahat ay buhayin
Dugo Mo ang dumanak ng lahat ay mapatawad.

Koro (2x):
Aming alay sa'Yo, Panginoon
Ang tinapay at alak na 'Yong kaloob
Upang gunitain ang 'Yong buhay na inialay
Nang tayo'y magdiwang bilang isang sambayanan.

Koda:
Nang tayo'y magdiwang
bilang isang sambayanan.

SANCTUS:
Santo (Ang Pista ng Sambayanan)
by Manoling Francisco

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo

Osana, Osana sa kaitaasan!
Osana, Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito
sa Ngalan ng Panginoon

Osana, Osana sa kaitaasan!
Osana, Osana sa kaitaasan!
Osana, Osana sa kaitaasan!
Osana, Osana sa kaitaasan!

MYSTERIUM FIDEI:
Aming Ipinahahayag (Ang Pista ng Sambayanan)
by Manoling Francisco

Aming ipinahahayag
na namatay ang Iyong Anak
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat!

GRAN AMEN:
Dakilang Amen (Ang Pista ng Sambayanan)
by Manoling Francisco

Amen, amen, amen, amen
Amen, amen, amen, amen

PATER NOSTER:
Ama Namin (Misa Antonio)
by Allan Antonio

Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang Ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit

Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala

Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya mo kami sa lahat ng masama

AGNUS DEI:
Kordero ng Diyos (Mass of Mercy & Compassion)
by Manoling Francisco

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Agnus Dei, qui tollis
peccata mundi, dona nobis pacem
dona nobis pacem, dona nobis pacem.

COMMUNIO:
Kung Saan May Pagmamahal (Misa ng Mabuting Pastol)
by Fr. Angelo Caparros

Koro:
Kung saan may pagmamahal, naroon ang Diyos
Kung saan may pagkalinga, naroon ang Diyos
Kung may dal'wa o tatlong sa ngalan niya'y nagtitipon
Ani Hesus, "Ako ay naroon"

Berso 1:
"Ako ang pagkaing buhay na galing sa kalangitan,"
Ang sabi ng Poong mahal,
"Ito'y inyong pagsaluhan nang kayo'y muling mabuhay"

Koro:
Kung saan may pagmamahal, naroon ang Diyos
Kung saan may pagkalinga, naroon ang Diyos
Kung may dal'wa o tatlong sa ngalan niya'y nagtitipon
Ani Hesus, "Ako ay naroon"

Berso 2:
Inuming inihahai'y Dugo ni Kristong butihin
Hinati-hating pagkai'y Katawang alay sa piging
Ni Hesus para sa atin

Koro:
Kung saan may pagmamahal, naroon ang Diyos
Kung saan may pagkalinga, naroon ang Diyos
Kung may dal'wa o tatlong sa ngalan niya'y nagtitipon
Ani Hesus, "Ako ay naroon"

Koro 2:
Kung saan may pagpapatawad, naroon ang Diyos
Kung saan may paglingkod, naroon ang Diyos
Ngayong banal na salu-salo sa Salita at Sacramento,
Ang Panginoon ay naririto
Ang Panginoon ay naririto

RECESSIO:
Awit sa Ina ng Santo Rosaryo
by Fr. Carlo Magno Marcelo

Minsan ang buhay ay isang awit ng galak
At mayroong liwanag na tatanglaw sa 'ting pagyapak
Minsan ang buhay ay isang awit ng luha
At s'yang papawi nito ay ang pag-asa ng umaga

At kahit anong tindi ng unos at kahit anong tindi ng dilim
May isang inang nagmamatyag nagmamahal sa 'tin
Awit niya'y pag-ibig ng Diyos tawag niya'y magbalik-loob
Turo n'ya'y buhay na ang Diyos lamang sa ati'y nagkaloob

O Inang mahal narito kami't awitawit ang Ave Maria
At dalangin ng bawat pamilya'y kapayapaa't pagkakaisa
Ang rosaryo mong hawak namin at awit awit ang Ave Maria
Puspos ka ng diwang banal dinggin ang aming payak na dasal
Ihatid mo kami sa langit ng Amang mapagmahal

(short instrumental)

O Inang mahal narito kami't awit awit ang Ave maria
Sa anak mong si Hesus puso namin ay ihahandog
Ang rosario mong hawak namin at awit awit ang Ave Maria
Puspos ka ng diwang banal dinggin ang aming payak na dasal
...
Ihatid mo kami sa langit ng Amang mapagmahal

WAKAS