Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (A) - Linggo, Nobyembre 30, 2025

Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (A)

Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Isaias 2, 1-5
Salmo 121, 1-2. 4-5. 6-7. 8-9

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

Roma 13, 11-14a
Mateo 24, 37-44

INTROIT:
Halina Hesus, Halina
Eduardo Hontiveros, S.J.

Ref:
Halina Hesus, halina
Halina Hesus, halina

Berso 1:
Sa simula, isinaloob Mo
O Diyos, kaligtasan ng tao
Sa takdang panahon ay tinawag Mo
Isang bayang lingkod sa Iyo

Ref:
Halina Hesus, halina
Halina Hesus, halina

Berso 4:
Darating muli sa takdang araw
Upang tanang tao’y tawagin
At sa puso Mo, aming Ama’y bigkisin
Sa pag-ibig na 'di mamaliw

Ref:
Halina Hesus, halina
Halina Hesus, halina

LIGHTING OF THE ADVENT CANDLE:
Halina, Emmanuel (Misa Delgado 3)
Lester Delgado

Halina, Emmanuel
Gabay ng aming buhay
Sindihan ng kandila ng altar
Sagisag ng paghihintay

Magalak at magpuri
darating ang ating Hari
Magalak at magpuri
ihanda ang sarili

UNANG PAGBASA:
Isaias 2, 1-5

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ito ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at sa Jerusalem:
Sa mga huling araw,
Ang bundok na kinatatayuan ng Templo ng Panginoon
Ay mamumukod sa taas sa lahat ng bundok.
Daragsa sa kanya ang lahat ng bansa.
Ang maraming taong lalapit sa kanya ay magsasabi ng ganito:
“Halikayo, umahon tayo sa bundok ng Panginoon,
sa Templo ng Diyos ni Jacob, upang malaman natin ang kanyang mga daan
at matuto tayong lumakad sa kanyang mga landas.
Sapagkat sa Sion magmumula ang Kautusan, at sa Jerusalem, ang salita ng Panginoon.”
Siya ang mamamagitan sa mga bansa at magpapairal ng kapayapaan.
Kung magkagayun, gagawin na nilang sudsod ang kanilang mga tabak, at karit ang kanilang mga sibat.
Wala nang magsasanay sa pakikibaka at mawawala na ang mga digmaan.
Halina kayo, sambahayan ni Jacob, at tayo’y lumakad sa liwanag ng Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN:
Salmo 121, 1-2. 4-5. 6-7. 8-9

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

Ako'y nagagalak, sa sabing ganito:
“Sa bahay ng Poon ay pumasok tayo!”
Sama-sama kami matapos sapitin,
ang pintuang-lungsod nitong Jerusalem.

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

Dito umaahon ang lahat ng angkan,
lipi ni Israel upang manambahan,
ang hangad, ang Poon ay pasalamatan,
pagkat 'to’y utos na dapat gampanan.
Doon din naroon ang mga hukuman
at trono ng haring hahatol sa tanan.

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

Ang kapayapaan nitong Jerusalem,
sikaping sa Poon yao’y idalangin:
“Ang nangagmamahal sa ‘yo’y pagpalain.
Pumayapa nawa ang banal na bayan,
at ang palasyo mo ay maging tiwasay.”

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

Dahilan sa aking kasama’t katoto,
sa ‘yo Jerusalem, ang sabi ko’y ito:
“Ang kapayapaa’y laging sumaiyo.
“Dahilan sa templo ng Poong ating D’yos,
ang aking dalangi’y umunlad kang lubos.

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

IKALAWANG PAGBASA:
Roma 13, 11-14a

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid:
Alam ninyong panahon na upang gumising kayo sa pagkakatulog. Ang pagliligtas sa atin ay higit na malapit ngayon kaysa noong tayo’y magsimulang manalig sa kanya. Namamaalam na ang gabi at malapit nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng gawang masama at italaga ang sarili sa paggawa ng mabuti. Mamuhay tayo nang marangal at huwag gugulin ang panahon sa paglalasing at magulong pagsasaya, sa pagpapakasawa sa pita ng laman at kahalayan, sa alitan at inggitan. Ang Panginoong Hesukristo ang paghariin ninyo sa inyong mga buhay at huwag paglaanan ang laman upang bigyang-kasiyahan ang mga nasa nito.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA:
Salmo 84, 8;
Misa de la Reina

Aleluya! Aleluya!

Pag-ibig mo’y ipakita,
lingapin kami t'wina
iligtas kami sa dusa!

Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA:
Mateo 24, 37-44

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon: Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ang pagdating ng Anak ng Tao ay matutulad sa pagdating ng baha noong panahon ni Noe. Noon, ang mga tao’y nagsisikain, nagsisiinom at nag-aasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe. Dumating ang baha nang di nila namalayan at tinangay silang lahat. Gayun din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. Sa panahong iyon, may dalawang lalaking gumagawa sa bukid; kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang babaing magkasamang gumigiling; kukunin ang isa at iiwan ang isa. Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon. Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, siya’y magbabantay at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kaya maging handa kayong lagi, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na di ninyo inaasahan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

OFFERTORIUM:
Panginoon, Aming Handog
Ferdinand Bautista

Koro:
Panginoon, aming handog ang tinapay at alak,
alay ng bayang umaasa sa pagdating Mo,
gayun din aming hinahanda ang aming puso
upang dito’y manahan ka sa pagdating Mo.

Berso 1:
Ang ulilang lupaing malaon nang tigang
ay muling magsasaya!
Mananariwa’t mamumulaklak ang ilang
at ito’y aawit sa tuwa!

Koro:
Panginoon, aming handog ang tinapay at alak,
alay ng bayang umaasa sa pagdating Mo,
gayun din aming hinahanda ang aming puso
upang dito’y manahan ka sa pagdating Mo.

Berso 2:
“Huwag kang matakot, lakasan ang loob,
darating na ang Panginoong Diyos
at ililigtas ka sa kamay ng mga kaaway!

Koro:
Panginoon, aming handog ang tinapay at alak,
alay ng bayang umaasa sa pagdating Mo,
gayun din aming hinahanda ang aming puso
upang dito’y manahan ka sa pagdating Mo.

SANCTUS:
Santo (Misa de la Reina)
Elliot Jerome Eustacio

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo

Osana sa kaitaasan!
Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito
sa Ngalan ng Panginoon

Osana sa kaitaasan!
Osana sa kaitaasan!

MYSTERIUM FIDEI:
Sa Krus Mo at Pagkabuhay (Misa de la Reina)
Elliot Jerome Eustacio

Sa Krus Mo at pagkabuhay
kami'y natubos Mong tunay
Poong Hesus naming mahal
Iligtas Mo kaming tanan
Ngayon at magpakailanman!

GRAN AMEN:
Dakilang Amen (Misa Delgado 3)
Lester Delgado

Amen, amen, amen

PATER NOSTER:
Ama Namin/Sapagkat (Sa Iyong Tahanan)
John Paul Morales

Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala

Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya mo kami sa lahat ng masama

Sapagkat Iyo ang kaharian,
at ang kapangyarihan,
at ang kapurihan,
magpakailanman! Amen.

AGNUS DEI:
Kordero ng Diyos
Arnel Aquino, S.J.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

COMMUNIO:
Halina, Immanuel
Arnel Aquino, S.J.

Berso 1:
Halina, Panginoon
Halina't dinggin Mo'ng panalangin
Binhi'y Iyong tubiga't lupa ay pagyamanin
Pasaganahin ang tanim at ang buhay ay busugin 

Berso 2:
Halina, Panginoon
Halina't dinggin Mo'ng panalangin
Tahana'y itugma at mag-anak ay buklurin
Kapayapaan nawa ang maghari sa 'min

Koro:
Halina, O Immanuel, sa 'ming buhay
Kami'y puspusin Mo ng pag-ibig
Kami'y tulungan Mong magmahal sa iba
Gawing tunay na ilaw ng daigdig

Berso 3:
Halina, Panginoon 
Halina't dingging Mong panalangin
Mundo'y ilawan Mo't buhay namin ay baguhin
At nawa ang nais Mo ang s'yang sundin

Koro:
Halina, O Immanuel, sa 'ming buhay
Kami'y puspusin Mo ng pag-ibig
Kami'y tulungan Mong magmahal sa iba
Gawing tunay na ilaw ng daigdig

RECESSIO:
Pasasalamat (Misa Delgado 3)
Lester Delgado

Koro:
Salamat sa 'Yong biyaya
Sa Mabuting Balitang dala
Ipamamahagi Iyong pagpapala
Pag-ibig na aming nadama

Berso 1:
Magpuri at magpasalamat
Darating ang Diyos ng lahat
Magniningning sa sanlibutan
Liwanag ng Kanyang ngalan

Koro:
Salamat sa 'Yong biyaya
Sa Mabuting Balitang dala
Ipamamahagi Iyong pagpapala
Pag-ibig na aming nadama

Koda:
Ipamamahagi Iyong pagpapala
Pag-ibig na aming nadama

WAKAS