Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus
na Panginoon sa Templo
Lunes, Pebrero 2, 2026
Malakias 3, 1-4
Salmo 23, 7. 8. 9. 10.
D’yos na makapangyariha’y
dakilang hari kailanman.
Hebreo 2, 14-18
Lucas 2, 22-40
o kaya Lucas 2, 22-32
Pambungad na Awit:
Christ, Be Our Light
Bernadette Farrell
Verse 1:
Longing for light, we wait in darkness.
Longing for truth, we turn to you.
Make us your own, your holy people,
light for the world to see.
Refrain:
Christ be our light!
Shine in our hearts.
Shine through the darkness.
Christ, be our light!
Shine in your church gathered today.
Verse 2:
Longing for peace, our world is troubled.
Longing for hope, many despair.
Your word alone has pow'r to save us.
Make us your living voice.
Refrain:
Christ be our light!
Shine in our hearts.
Shine through the darkness.
Christ, be our light!
Shine in your church gathered today.
Verse 3:
Longing for food, many are hungry.
Longing for water, many still thirst.
Make us your bread, broken for others,
shared until all are fed.
Refrain:
Christ be our light!
Shine in our hearts.
Shine through the darkness.
Christ, be our light!
Shine in your church gathered today.
Verse 4:
Longing for shelter, many are homeless.
Longing for warmth, many are cold.
Make us your building, sheltering others,
walls made of living stone.
Refrain:
Christ be our light!
Shine in our hearts.
Shine through the darkness.
Christ, be our light!
Shine in your church gathered today.
Verse 5:
Many the gifts, many the people,
many the hearts that yearn to belong.
Let us be servants to one another,
making your kingdom come.
Refrain:
Christ be our light!
Shine in our hearts.
Shine through the darkness.
Christ, be our light!
Shine in your church gathered today.
Awit sa Prusisyon:
Si Hesukristo ang Ilaw
Bill Kevin Del Rosario
Tugon:
Si Hesukristo ang ilaw
na sa lahat ay tatanglaw,
nagbibigay-karangalan
sa unang bayang hinirang
ng Poon nating Maykapal.
Unang Berso:
Panginoon, papanawin
akong aba n'yong alipin,
ako po'y inyo nang kunin.
Lunggati ko'y natupad rin
ayon sa sabi n'yo sa 'kin.
Tugon:
Si Hesukristo ang ilaw
na sa lahat ay tatanglaw,
nagbibigay-karangalan
sa unang bayang hinirang
ng Poon nating Maykapal.
Ikalawang Berso:
Ngayon nga po ay nakita
nitong aking mga mata
kaligtasa'y narito na,
pangako mo noong una,
lunggati nami't pag-asa.
Tugon:
Si Hesukristo ang ilaw
na sa lahat ay tatanglaw,
nagbibigay-karangalan
sa unang bayang hinirang
ng Poon nating Maykapal.
Ikatlong Berso:
Inyo nga pong inihanda
para sa lahat ng bansa
liwanag na nagmumula
sa bayan mong adhika
maging lingkod mong dakila.
Tugon:
Si Hesukristo ang ilaw
na sa lahat ay tatanglaw,
nagbibigay-karangalan
sa unang bayang hinirang
ng Poon nating Maykapal.
GLORIA:
Papuri sa Diyos (Solemne)
Jeffrey Ray Miguel
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
At sa lupa'y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdan Niya.
Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin,
Pinasasalamatan ka namin
dahil sa dakila Mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit.
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak.
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagkat Ikaw lamang ang banal.
Ikaw lamang ang Panginoon.
Ikaw lamang, O Hesukristo ang kataas-taasan.
Kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama.
Amen!
UNANG PAGBASA:
Malakias 3, 1-4
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Malakias
Ito ang sinabi ng Panginoong Diyos, “Ipadadala ko ang aking sugo upang ihanda ang daraanan ko. At ang Panginoon na inyong hinahanap ay biglang darating sa kanyang templo. Darating ang pinakahihintay ninyong sugo at ipapahayag ang aking tipan.”
Ngunit sino ang makatatagal pagdating ng araw na iyon? Sino ang makakaharap pag siya’y napakita na? Siya’y parang apoy na nagpapadalisay sa bakal at parang matapang na sabon. Darating siya para humatol at dadalisayin niya ang mga saserdote, tulad ng pagdalisay sa pilak at ginto. Sa gayun, magiging karapat-dapat silang maghandog sa Panginoon, at ang mga handog na dadalhin ng mga taga-Juda at Jerusalem ay magiging kalugud-lugod sa kanya, tulad ng dati.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN:
Salmo 23, 7. 8. 9. 10.
D’yos na makapangyariha’y
dakilang hari kailanman.
Ang pintuang luma / ay buksan nang lubos,
ang dakilang hari / ay doon papasok.
D’yos na makapangyariha’y
dakilang hari kailanman.
Ang dakilang haring ito ay sino ba? Siya ang Poon,
dakilang talaga; / saanmang labanan tagumpay ay kanya.
D’yos na makapangyariha’y
dakilang hari kailanman.
Ang pintuang luma / ay buksan nang lubos,
ang dakilang hari / ay doon papasok.
D’yos na makapangyariha’y
dakilang hari kailanman.
Ang dakilang hari’y / sino bang talaga?
Makapangyarihang Diyos / at hari siya!
D’yos na makapangyariha’y
dakilang hari kailanman.
IKALAWANG PAGBASA:
Hebreo 2, 14-18
Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo
Yamang ang mga anak na tinuturing ng Diyos ay tao, naging tao rin si Hesus, tulad nila – may laman at dugo. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay maigupo niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan. Sa gayun, pinalaya niya ang lahat ng naging alipin habang panahon dahil sa kanilang takot sa kamatayan. Hindi ang mga anghel ang kanyang tinutulungan kundi “Ang lahi ni Abraham.” Kaya’t kinailangang matulad siya sa kanyang mga kapatid sa lahat ng paraan. Sa gayun, siya’y naging isang dakilang saserdote, mahabagin at tapat, naglilingkod sa Diyos at naghahandog ng hain sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan ng tao. Sapagkat siya ma’y tinukso at nagbata, kaya ngayo’y matutulungan niya ang mga tinutukso.
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYA:
Lucas 2, 32
Ang Pista ng Sambayanan
Aleluya! Aleluya!
Para sa lahat ng bansa
liwanag na nagmumula
sa bayan mong dinakila!
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA:
Lucas 2, 22-40
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Nang dumating ang araw ng paglilinis sa kanila ayon sa Kautusan ni Moises, si Hesus ay dinala ng kanyang mga magulang sa Jerusalem upang iharap sa Panginoon, sapagkat ayon sa Kautusan, “Ang bawat panganay na lalaki ay nakatalaga sa Panginoon.” At naghandog sila, ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon: “Mag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati.”
May isang tao noon sa Jerusalem, ang pangala’y Simeon. Matapat at malapit sa Diyos ang lalaking ito at naghihintay sa katubusan ng Israel. Sumasakanya ang Espiritu Santo na nagpahayag sa kanya na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita ang Mesiyas na ipinangako ng Panginoon. Sa patnubay ng Espiritu, pumasok siya sa templo. At nang dalhin doon ng kanyang mga magulang ang sanggol na si Hesus upang gawin ang hinihingi ng Kautusan, siya’y kinalong ni Simeon. Ito’y nagpuri sa Diyos, na ang wika,
“Kunin mo na, Panginoon, ang iyong abang alipin,
ayon sa iyong pangako yamang nakita na ng aking mga mata ang iyong tagapagligtas,
na inihanda mo para sa lahat ng bansa:
Liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil,
at magbibigay-karangalan sa iyong bayang Israel.”
Namangha ang ama’t ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa kanya. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, “Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya’t mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo’y para na ring tinarakan ng isang balaraw.”
Naroon din sa templo ang isang propetang babae na ang pangala’y Ana, anak ni Fanuel na mula sa lipi ni Aser. Siya’y napakatanda na. Pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, nang siya’y mabalo. At ngayon, walumpu’t apat na taon na siya. Lagi siya sa templo at araw-gabi’y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. Lumapit siya nang oras ding iyon at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol kay Hesus sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem.
Nang maisagawa nila ang lahat ng bagay ayon sa Kautusan, bumalik na sila sa kanilang bayan, sa Nazaret, Galilea. Ang bata’y lumaking malakas, marunong at kalugod-lugod sa paningin ng Diyos.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
OFFERTORIUM:
Alay (The Fifth Gospel)
Nez Marcelo
Berso 1:
Narito, Panginoon
mga alay naming taglay
Nawa ito'y karapat-dapat
sa kabanalan mo
Tanggapin Mo, Panginoon
mga gawa ng aming kamay
Ang bunga ng pag-ibig Mo,
dugo at katawan.
Koro:
Kapuri-puri ka, O Diyos
na lumikha sa'ming lubos
Mula sa kabutihan Mo
ang alak at tinapay
ngayo'y aming alay
Dahil sa pag-ibig mo
kami ngayon ay narito
Buklod-buklod nawa kaming
maglingkod sa Iyo
oh...
oh...
Berso 1:
Narito, Panginoon
mga alay naming taglay
Nawa ito'y karapat-dapat
sa kabanalan mo!
Tanggapin Mo, Panginoon
mga gawa ng aming kamay
Ang bunga ng pag-ibig Mo,
dugo at katawan.
Koro:
Kapuri-puri ka, O Diyos
na lumikha sa'ming lubos
Mula sa kabutihan Mo
ang alak at tinapay
ngayo'y aming... alay!
Koda:
Ang alak at tinapay
ngayo'y aming... alay
SANCTUS:
Santo (Ang Pista ng Sambayanan)
Manoling Francisco
Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo
Osana, osana sa kaitaasan!
Osana, osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
sa Ngalan ng Panginoon
Osana, osana sa kaitaasan!
Osana, osana sa kaitaasan!
Osana, osana sa kaitaasan!
Osana, osana sa kaitaasan!
MYSTERIUM FIDEI:
Aming Ipinahahayag (Ang Pista ng Sambayan)
Manoling Francisco
Aming ipinahahayag
na namatay ang Iyong Anak
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat!
GRAN AMEN:
Dakilang Amen (Songs for Ordinary)
Arnel Aquino, S.J
PATER NOSTER:
Ama Namin/Sapagkat (Misa Antonio)
Allan Antonio
Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala.
Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya mo kami sa lahat ng masama
AGNUS DEI:
Kordero ng Diyos (Misa Antonio)
Allan Antonio
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin, maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin, maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
COMMUNIO:
Simeon’s Canticle (Based on Luke 2:29-32)
Manoling Francisco
Refrain:
Lord, let Your servant go in peace
For Your Word has been fulfilled
Lord, let Your servant go in peace
For Your Word has been fulfilled
Verse 1:
A Child shall be born to the Virgin
And His Name shall be called, "Emanuel"
Refrain:
Lord, let Your servant go in peace
For Your Word has been fulfilled
Verse 2:
My own eyes have seen Your salvation
Which You have prepared for all men
Refrain:
Lord, let Your servant go in peace
For Your Word has been fulfilled
Verse 3:
A Light shall reveal to the nations
And the glory of Your people, Israel
Refrain:
Lord, let Your servant go in peace
For Your Word has been fulfilled
Coda:
Lord, let Your servant go in peace
Ohh...
RECESSIO:
Birheng Candelaria
Atty. Rustice Carada
...Birheng Candelaria
kami ay nagpupugay
Pintakasi kang hinirang!
dito sa 'ming bayan
Sa 'yong kapurihan
dasal ang aming alay
Ang buong sambayana'ng Silang
lumuluhog sa iyong kariktan
Karapat-dapat kang alayan ng lahat
ng pagsintang walang kasing pantay!
'Pagkat ikaw ay dalisay,
Inang dumaramay!
Ang bisa ng liwanag na iyong taglay
sa buhay naming laging itunghay!
Pakinggan mo ang dalangin
sa iyo ay hain!
Kami'y abang gumigiliw,
Reynang Ina namin!
WAKAS