Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda - Miyerkules, Abril 9, 2025


INTROIT:
HALINA'T LUMAPIT SA DIYOS NG AWA

Koro:
Halina't lumapit sa Diyos ng Awa
tayo ay Kanyang hinihintay
na magbalik at magpayakap
at sumalo sa piging na handa

UNANG PAGBASA
Daniel 3, 14-20. 91-92. 95

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel

Noong mga araw na iyon, sinabi ni Haring Nabucodnosor: “Sadrac, Mesac, at Abednego, totoo bang hindi kayo sumasamba sa rebultong ipinagawa ko?” tanong ng hari. “Iniuutos ko sa inyong sumamba kayo sa ipinagawa kong rebulto sa sandaling marinig ninyo ang tunog ng mga instrumento. Kung hindi, ipahahagis ko kayo sa naglalagablab na pugon. Tingnan ko lang kung may diyos na makapagliligtas sa inyo.”

Sinabi nina Sadrac, Mesac at Abednego, “Mahal na hari, wala po kaming itututol sa inyo tungkol sa bagay na ito. Gawin ninyo kung iyan ang gusto ninyo. Ang Diyos na aming pinaglilingkuran ang magliligtas sa amin sa pugong iyon at sa inyong kapangyarihan. At kung hindi man niya gawin ito, hindi pa rin kami sasamba sa rebultong ipinagawa ninyo.”

Namula si Haring Nabucodnosor sa tindi ng galit kina Sadrac, Mesac at Abednego. Kaya, iniutos niyang painiting makapitong ibayo ang pugon. Iniutos din niya sa pinakamalalakas niyang tauhan na gapusin sina Sadrac, Mesac at Abednego at ihagis sa apoy.

Walang anu-ano’y napalundag si Haring Nabucodnosor. Pamanghang itinanong niya sa kanyang mga tagapayo, “Hindi ba’t tatlo lamang ang inihagis sa apoy?”

“Opo, kamahalan,” sagot nila.

“Bakit apat ang nakikita kong lalakad-lakad sa apoy at hindi nasusunog? At yaong isa, ang tingin ko’y diyos!”

Dahil dito, sinabi ng hari, “Purihin ang Diyos nina Sadrac, Mesac at Abednego! Nagsugo siya ng anghel upang iligtas ang mga lingkod niyang ito na ganap na nanalig sa kanya. Hindi sinunod ng mga ito ang aking utos; ginusto pa nilang sila’y ihagis sa apoy kaysa sumamba sa diyus-diyosan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Pinupuri ka namin, Panginoon;
Diyos ng aming mga ninuno;
karapat-dapat kang ipagdangal at dakilain magpakailanman.
Purihin ang iyong banal at maluwalhating pangalan,
nararapat purihin at ipagdangal magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Purihin ka sa iyong banal at marangal na tahanan;
lubhang karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Purihin ka, na nakaluklok sa maringal mong trono,
karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Mula sa iyong luklukan sa ibabaw ng mga kerubin,
nakikita mo ang kalaliman, ang daigdig ng mga patay.
Karapat-dapat kang purihin at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Purihin ka sa buong sangkalangitan;
karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Lucas 8, 15

"Nagpupuri kami sa'Yo, Panginoong Hesukristo."

(recite/pasyon)
Mapalad ang nag-iingat
sa kanyang pusong matapat
ng Salitang nagbubuhat
sa Poong D’yos ng liwanag,
sa t’yaga’y aaning ganap.

"Nagpupuri kami sa'Yo, Panginoong Hesukristo."

MABUTING BALITA
Juan 8, 31-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judiong naniniwala sa kanya, “Kung patuloy kayong susunod sa aking aral, tunay ngang kayo’y mga alagad ko; makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” “Lahi kami ni Abraham,” tugon nila, “at kailanma’y di kami naalipin ninuman. Paano mo masasabing palalayain kami?” Sumagot si Hesus, “Tandaan ninyo: alipin ng kasalanan ang lahat ng nagkakasala. Ang alipin ay hindi kabilang sa sambahayan sa habang panahon, subalit ang anak ay kabilang magpakailanman. Kapag kayo’y pinalaya ng Anak, tunay nga kayong malaya. Nalalaman kong lahi kayo ni Abraham; gayunma’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, sapagkat walang pitak sa inyong puso ang aral ko. Sinasabi ko ang aking nakita sa aking Ama; ginagawa naman ninyo ang inyong narinig sa inyong ama.”

Sumagot sila, “Si Abraham ang aming ama.” “Kung kayo’y mga anak ni Abraham, tutularan ninyo ang kanyang ginawa,” ani Hesus. “Ngunit pinagsisikapan ninyo akong patayin, gayong sinasabi ko lamang ang katotohanang narinig ko sa Diyos. Hindi ganyan ang ginawa ni Abraham. Ang ginagawa ninyo’y tulad ng ginawa ng inyong ama.” “Hindi kami mga anak sa labas,” tugon nila. “Ang Diyos ang aming Ama.” Sinabi ni Hesus, “Kung talagang ang Diyos ang inyong Ama, iibigin ninyo ako, sapagkat nagmula ako sa Diyos. Hindi ako naparito sa ganang sarili ko lamang, kundi sinugo niya ako.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

OFFERTORIUM:
ALAY SA DIYOS

Verse 1:
O Diyos, awang di mabilang
Tanggapin mo yaring aming alay
Gawin ito bilang tanda
Ng aming kaligtasan

Refrain:
Narito O Ama, alak at tinapay
Bunga ng lupa at ng aming paggawa

Verse 2:
O Diyos, awang di mabilang
Tanggapin mo yaring aming alay
Gawing alaala ng pagkamatay
Muling pagkabuhay ni Hesukristo

Refrain:
Narito O Ama, alak at tinapay
Bunga ng lupa at ng aming paggawa

Verse 3:
O Diyos awang 'di mabilang
Tanggapin mo yaring aming alay
Sagisag nitong sakripisyo
Mapasaamin ang buhay na walang hanggan

Refrain:
Narito O Ama, alak at tinapay
Bunga ng lupa at ng aming paggawa

SANTUS:
SANTO (MISA ANTIPONA)

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo

Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito
Sa Ngalan ng Panginoon

Osana sa kaitaasan!

MEMORIAL ACCLAMATION:
SI KRISTO'Y NAMATAY (PAPAL VISIT 2015)

Si Kristo'y namatay
Si Kristo'y nabuhay
Si Kristo'y babalik
sa wakas ng panahon

GRAN AMEN:
DAKILANG AMEN (MISA PASYON)

A-amen, a-amen, a-amen

PATER NOSTER:
AMA NAMIN (VINTERES)

Ama namin, sumasalangit ka
sambahin ang Ngalan mo
mapasaamin ang kaharian mo
sundin ang loob mo
dito sa lupa
para nang sa langit

Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin
sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala

Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin

At huwag mo kaming
ipahintulot sa tukso
at iadya mo kami
sa lahat ng masama

Sapagkat Iyo ang kaharian,
at ang kapangyarihan,
at ang kapurihan,
magpakailanman, amen.

AGNUS DEI:
KORDERO NG DIYOS (MISA ANTONIO)

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

COMMUNIO 1:
MAGING KATULAD MO

Verse 1:
Poong Hesus nawa'y igawad mo
Ang hangad ko biyayang matamo
Na luminaw pa at mag-ibayo
Bawat araw pagkakita ko sa'yo

Chorus:
Gawing wagas pagsunod sa'yong mga bakas
Gawing wagas paglingkod sa'yo hanggang wakas
Nawa'y ang ibig ko gawin ang ibig mo
Nang sa kapwa ko maging katulad mo

Verse 2:
Poong Hesus nawa'y itulot mo
Ang hiling ko biyayang matamo
Na lumalim pa at mag-ibayo
Bawat araw pagkilala ko sa'yo

Chorus:
Gawing wagas pagsunod sa'yong mga bakas
Gawing wagas paglingkod sa'yo hanggang wakas
Nawa'y ang ibig ko gawin ang ibig mo
Nang sa kapwa ko maging katulad mo

Verse 3:
Poong Hesus nawa'y pakinggan mo
Ang dasal ko biyayang matamo
Dumalisay pa at mag-ibayo
Bawat araw ang pag-ibig ko sa'yo

Chorus:
Gawing wagas pagsunod sa'yong mga bakas
Gawing wagas paglingkod sa'yo hanggang wakas
Nawa'y ang ibig ko gawin ang ibig mo
Nang sa kapwa ko maging katulad mo

COMMUNIO 2:
LIWANAG NG AMING PUSO

Verse 1:
Liwanag ng aming puso,
sa ami'y manahan Ka
Ang init ng 'Yong biyaya,
sa ami'y ipadama

Patnubay ng mahihirap,
O, aming pag-asa't gabay
Sa aming saya at hapis,
tanglaw Kang kaaya-aya

Verse 2:
Liwanag ng kaaliwan,
sa ami'y dumalaw Ka
Kalinga Mo ang takbuhan,
noong unang-una pa

Pawiin ang aming pagod,
ang pasani'y pagaanin
Minamahal kong kandungan,
sa hapis, kami'y hanguin

Verse 3:
Liwanag ng kabanalan,
sa ami'y mamuhay ka
Ang ningas ng 'Yong pag-ibig
Ang S'yang magsilbing gabay

Pag nalayo ka sa amin,
ang tao'y walang halaga
Di namin makakayanang
hanguin ang kaluluwa

Verse 4:
Liwanag ng bagong buhay,
sa ami'y umakay ka
Linisin ang aming sugat,
Ang diwa'y bigyang sigla

Akitin mo ang palalo,
Damayan ang naliligaw
Ituro mo ang landasin
Patungo sa aming tanglaw

Verse 5:
Liwanag ng aming puso
sa ami'y manahan ka
Idulot mo po sa amin
Kapayapaang wagas

Ang 'Yong gintimpala't mana
Pangako mong kasarinlan
Ang bunga ng pagkandili,
ligaya magpakailanman

--NO RECESSIO--