Ikalimang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda (K) - Linggo, Abril 6, 2025



INTROIT:
HALINA'T LUMAPIT SA DIYOS NG AWA

Koro:
Halina't lumapit sa Diyos ng Awa
Tayo ay Kanyang hinihintay
Na magbalik at magpayakap
At sumalo sa piging na handa

Verse 1:
Poon, Ikaw ay mabuti
labis ang Iyong pag-ibig
Kami ma'y tumalikod at manlamig
Ikaw ay laging lumalapit

Koro:
Halina't lumapit sa Diyos ng Awa
Tayo ay Kanyang hinihintay
Na magbalik at magpayakap
At sumalo sa piging na handa

Verse 2:
Di mo binibilang ang aming sala
Katuwira't awa'y iisa
Kami'y itinuring na anak
Binusog na 'Yong awa't habag

Koro:
Halina't lumapit sa Diyos ng Awa
Tayo ay Kanyang hinihintay
Na magbalik at magpayakap
At sumalo sa piging na handa

UNANG PAGBASA
Isaias 43, 16-21

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ito ang sinasabi
ng Panginoon, na s’yang gumawa ng landas,
upang may maraanan sa gitna ng dagat.
Sa kapangyarihan n’ya
ay kanyang nilupig ang malaking hukbo.
Nilipol niya ang kanilang mga kabayo.
At ang mga karwahe’y winasak,
sila’y nangabuwal at di na nakabangon.
Parang isang ilaw,
na namatay ang ningas.

Ito ang sabi niya:
“Ang mga nangyari no’ng unang panahon,
ilibing sa limot, limutin na ngayon.
Narito, at masdan
ang nagawa ko’y isang bagong bagay
na hanggang sa ngayo’y di mo namamasdan.
Ako’y magbubukas
ng isang landasin sa gitna ng ilang,
maging ang disyerto ay patutubigan.
Ako’y igagalang
niyong mga hayop na pawang mailap,
gaya ng avestrus at ng asong-gubat;
ang dahilan nito,
sa disyerto ako’y nagpabukal
ng saganang tubig
para may mainom ang aking hinirang
sila’y nilalang ko
at aking hinirang, upang ako’y kanilang papurihan!”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 125, 1-2ab. 2kd-3. 4-5. 6

(cantor first)
Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Nang lingapin tayo/ ng Panginoon
at sa Sion/ ay Kanyang ibalik,
Ang nangyaring kasaysaya'y tila/ panaginip
Lahat tayo ay natuwa't nagsiawit.

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Bansang nakapaligid/ ay nagsipaghayag:
"Ang ginawa ng kanilang Diyos ay dakila!"
Dakila't pambihira ang/ Kanyang ginawa
Kaya kagalakan nami'y 'di kawasa!

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Kung paanong inuulan/ mga tuyong batis,
sa sariling bayan,/ Poon, kami'y ibalik
Silang magbubukid na nagtanim na may luha,
nawa'y mag-aning masaya’t natutuwa.

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Humayo man sila'ng/ mata'y lumuluha,
Dala'y mga binhing/ ihahasik sa lupa,
Sila'y magbabalik/ puspos ang galak,
Pasan ang ani't may ngiti sa mukha.

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.


IKALAWANG PAGBASA
Filipos 3, 8-14

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Mga kapatid:
        Inari kong kalugihan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Kristo Hesus na aking Panginoon. Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan makamtan ko lamang si Kristo, at lubos na makiisa kanya. Hindi ko na hangad na maging matuwid sa pamamagitan ng kautusan kundi sa pananalig kay Kristo. Ang pagiging matuwid ko ngayon ay kaloob ng Diyos batay sa pananampalataya. Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Kristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang pagkabuhay na mag-uli, makihati sa kanyang mga hirap, at matulad sa kanya – pati sa kanyang kamatayan – sa pag-asang ako ma’y muling bubuhayin.

        Hindi sa nakamtan ko na ang mga bagay na ito. Hindi rin sa ako’y ganap na, ngunit sinisikap kong maisakatuparan ang layunin ni Kristo Hesus nang tawagin niya ako. Mga kapatid, hindi ko ipinalalagay na natupad ko na ang mga bagay na ito. Ang ginagawa ko ngayo’y nililimot ang nakaraan at sinisikap na makamtan ang nasa hinaharap. Nagpapatuloy nga ako tungo sa hangganan upang kamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo Hesus, ang buhay na hahantong sa langit.

Ang Salita ng Diyos.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Joel 2, 12-13

"Nagpupuri kami sa'Yo, Panginoong Hesukristo."

(pasyon)
Magsisi tayong mataos
halinang magbalik-loob
sa mapagpatawad na D’yos
sa kanya tayo’y dumulog
at manumbalik na lubos.

"Nagpupuri kami sa'Yo, Panginoong Hesukristo."

MABUTING BALITA
Juan 8, 1-11

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

        Noong panahong iyon, si Hesus ay pumunta sa Bundok ng mga Olibo. Kinaumagaha’y nagbalik siya sa templo. Lumapit sa kanya ang lahat, kaya’t umupo siya at sila’y tinuruan. Noo’y dinala sa kanya ng mga eskriba at ng mga Pariseo ang isang babaing nahuli sa pakikiapid. Pinatayo ito sa harapan nila, at sinabi kay Hesus, “Guro, ang babaing ito’y nahuli sa pakikiapid. Ayon sa Kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga gaya niya. Ano ang masasabi mo?” Itinanong nila ito upang subukin siya, nang may maisumbong sila laban sa kanya. Ngunit yumuko si Hesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng daliri. Ayaw nilang tigilan nang katatanong si Hesus, kaya’t sila’y tiningnan niya at sinabi ang ganito, “Sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.” At muli siyang yumuko at sumulat sa lupa. Nang marinig nila ito, sila’y isa-isang umalis, simula sa pinakamatanda. Walang naiwan kundi si Hesus at ang babaing naroon pa rin sa harapan niya. Tiningnan siya ni Hesus at tinanong: “Nasaan sila? Wala bang nagparusa sa iyo?” “Wala po, Ginoo,” sagot ng babae. Sinabi ni Hesus: “Hindi rin kita parurusahan. Humayo ka, at huwag nang magkasala.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

OFFERTORIUM:
ALAY SA DIYOS

Verse 1:
O Diyos, awang 'di-mabilang
Tanggapin mo yaring aming alay
Gawin ito bilang tanda
Ng aming kaligtasan

Refrain:
Narito O Ama, alak at tinapay
Bunga ng lupa at ng aming paggawa

Verse 2:
O Diyos, awang ’di-mabilang
Tanggapin mo yaring aming alay
Gawing alaala ng pagkamatay
Muling pagkabuhay ni Hesukristo

Refrain:
Narito O Ama, alak at tinapay
Bunga ng lupa at ng aming paggawa

Verse 3:
O Diyos, awang 'di-mabilang
Tanggapin mo yaring aming alay
Sagisag nitong sakripisyo
Mapasaamin ang buhay na walang hanggan

Refrain:
Narito O Ama, alak at tinapay
Bunga ng lupa at ng aming paggawa

SANCTUS:
BANAL KA POONG MAYKAPAL (MISA PASYON)

Banal ka Poong Maykapal
Banal ang 'Yong Pangalan
Banal ang 'Yong kaharian
Langi't lupa'y nagpupugay
sa Iyong kadakilaan

Dinadakila ng lahat
Ang naparito Mong Anak
Na Siyang nagmulat sa bulag
sa pilay ay nagpalakad
at nakiramay sa lahat

MEMORIAL ACCLAMATION:
SI KRISTO AY GUNITAIN (MISA PASYON)

Si Kristo ay gunitain
Sarili ay inihain
Bilang pagkai't inumin
Pinagsasaluhan natin
Hanggang sa Siya ay dumating

GRAN AMEN:
DAKILANG AMEN (MISA PASYON)

A-amen, a-amen, a-amen

PATER NOSTER:
AMA NAMIN (VINTERES)

Ama namin, sumasalangit ka
sambahin ang Ngalan mo
mapasaamin ang kaharian mo
sundin ang loob mo
dito sa lupa
para nang sa langit

Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin
sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala

Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin

At huwag mo kaming
ipahintulot sa tukso
at iadya mo kami
sa lahat ng masama

Sapagkat Iyo ang kaharian,
at ang kapangyarihan,
at ang kapurihan,
magpakailanman, amen.

AGNUS DEI:
KORDERO NG DIYOS (MISA ANTONIO)

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

COMMUNIO 1:
FATHER, I HAVE SINNED

Verse 1:
Father, I have sinned,
help me find my way.
Remember not my sins,
just let me hear you say:

Antiphon:
I forgive you, I love you
You are mine, take my hand.
Go in peace, sin no more,
Beloved one.

Verse 2:
Father I have turned,
my back and walked away
Depended on my strength
and lived life my own way

Antiphon:
I forgive you, I love you
You are mine, take my hand.
Go in peace, sin no more,
Beloved one.

COMMUNIO 2: for 4PM
DUNONG NG PUSO

Refrain:
Panginoon, sa puso ko'y ituro Mo
Dunong ng puso Mo

Verse 1:
Pusong dalisay, likhain Mo sa'kin
'Sang diwang matatag, sa puso ko'y ihain
Sa piling Mo, sa tuwina ako'y ilapit
Diwa Mong banal, huwag Mong ipagkait

Refrain:
Panginoon, sa puso ko'y ituro Mo
Dunong ng puso Mo

Verse 2:
Puso'y kawaran ng kaligtasan
Patibayan sa akin, tapat na kalooban
Landas Mo ay aking ihahayag
May sala sa'Yo ay mapapanatag

Refrain:
Panginoon, sa puso ko'y ituro Mo
Dunong ng puso Mo

Verse 3:
Mag-alay man ako, susunuging handog
Sa 'Yong dambana'y 'di kalugod-lugod
Pusong nagsisisi tanging sapat sa'Yo
Pusong nagmamahal, pusong laan sa'Yo

Refrain:
Panginoon, sa puso ko'y ituro Mo
Dunong ng puso Mo

Coda:
Dunong ng puso Mo

COMMUNIO 3: for 5PM
MISERERE

Refrain (2x):
Have mercy on me, O God, in Your kindness.
In Your compassion, blot out my offense.
Wash me, O God, from the stain of my guilt
and cleanse me from my sin.

Verse 1:
My offenses, truly I know them.
My sin is always before me.
Against You alone have I sinned.
What is evil in Your sight, I have done.

Refrain:
Have mercy on me, O God, in Your kindness.
In Your compassion, blot out my offense.
Wash me, O God, from the stain of my guilt
and cleanse me from my sin.

Verse 2:
Create in me a pure heart.
Put a steadfast spirit within me.
Do not cast me away from Your presence
nor deprive me of Your spirit.

Refrain:
Have mercy on me, O God, in Your kindness.
In Your compassion, blot out my offense.
Wash me, O God, from the stain of my guilt
and cleanse me from my sin.

Verse 3:
Defend me, O God, my Savior.
My tongue shall sing out Your goodness.
O Lord, open my lips,
and my mouth shall proclaim Your praise.

Refrain:
Have mercy on me, O God, in Your kindness.
In Your compassion, blot out my offense.
Wash me, O God, from the stain of my guilt
and cleanse me from my sin.

--NO RECESSIO--