Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (K) - Linggo, Hunyo 15, 2025


INTROIT:
AWIT NG PAPURI

Koro:
Purihin ninyo ang Panginoon,
dakilain ang Kanyang ngalan.
Purihin S'ya ay awitan
at papurihan magpakailanman

I:
Nilikha N'ya ang langit at lupa.
Nilikha N'ya ang araw at b’wan.
Nilikha N'ya ang mga isda’t ibon,
mga gubat at karagatan.

Tunay S'yang Banal at Dakila,
purihin ang Kanyang Ngalan.
Ang lahat ng nilikha N'ya'y mabuti,
pinagyaman N'ya ng lubusan.

Koro:
Purihin ninyo ang Panginoon,
dakilain ang Kanyang ngalan.
Purihin S'ya ay awitan
at papurihan magpakailanman

II:
Nilikha ng Panginoon ang tao
sa sarili Niyang larawan.
Nilalang N'ya ang sangkatauhan,
binigyan N'ya ng karangalan.

Tunay S'yang Banal at Dakila,
purihin ang Kanyang Ngalan.
Kahit nagkasala ang tao,
minahal pa rin ng lubusan.

Koro:
Purihin ninyo ang Panginoon,
dakilain ang Kanyang ngalan.
Purihin S'ya ay awitan
at papurihan magpakailanman

Koda:
Purihin S'ya ay awitan
at papurihan magpakailanman

KYRIE:
GREGORIAN CHANT (if Fr. Juan)

Ky-ri-i-e, E-le-i-son
Ky-ri-i-e, E-le-i-son

Christe-e, E-le-i-son
Christe-e, E-le-i-son

Ky-ri-i-e, E-le-i-son
Ky-ri-i-e, E-le-e-i-so-o-o-o-o-on

PANGINOON, KAAWAAN MO KAM [MISA ANTONIO] (if other priest)

Panginoon, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.

Kristo, kaawaan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami.

Panginoon, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.

GLORIA:
PAPURI SA DIYOS (CAPARROS)

Papuri sa Diyos sa kaitaasan!

At sa lupa'y kapayapaan
Sa mga taong kinalu--lugdan Niya.
Pinupu--ri ka na-min, dinarangal ka na-min,
Sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin.
Pinasasalamatan ka namin
Dahil sa-- dakila Mong angking kapuri--han

Panginoong Diyos, Hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos,
Anak ng Ama.

Ikaw na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin

Ikaw na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin

Sapagkat ikaw lamang ang banal
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang, O Hesukristo ang kataas-taasan
Kasa--ma ng Espi--ri--tu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama.
Amen! 

UNANG PAGBASA:
Kawikaan 8, 22-31

Pagbasa mula sa aklat ng Mga Kawikaan

Ito ang sinasabi ng Karunungan ng Diyos:
“Sa lahat ng nilikha ng Poon, ako ang siyang una,
noong una pang panahon ako ay nilikha na.
Matagal nang panahon nang anyuan niya ako,
bago pa nilikha at naanyo itong mundo.
Wala pa ang mga dagat nang ako’y lumitaw,
wala pa ang mga bukal ng tubig na malilinaw.
Wala pa ang mga burol, ganoon din ang mga bundok,
nang ako ay isilang dito sa sansinukob.
Ako muna ang nilikha bago ang lupa at bukid,
nauna pa sa alabok, at sa lupang daigdig.
Nang likhain ang mga langit, ako ay naroon na,
maging nang ang hangganan ng langit at lupa’y italaga.
Naroon na rin ako nang ang ulap ay ilagay,
at nang kanyang palitawin ang bukal sa kalaliman.
Nang ilagay niya ang hangganan nitong dagat,
nang patibayin nitong mundo ay ilagay at itatag,
ako’y lagi niyang kasama at katulong sa gawain,
ako ay ligaya niya at sa akin siya’y aliw.
Ako ay nagdiwang nang daigdig ay matapos,
dahil sa sangkatauhan, ligaya ko ay nalubos.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN:
Salmo 8, 4-5. 6-7. 8-9

Maning~ning ang iyong ngalan,
Poon~, sa sangkalupaan.

Ang likha mong langit, / kung aking pagmasdan,
pati m--ga tala, bituin-- at buwan--;
ano nga- ang tao / upang ‘yong alalahanin?
Ay ano nga siya'ng-- sukat / mong ka--lingain?

Maning~ning ang iyong ngalan,
Poon~, sa sangkalupaan.

Nilikha- mo si-ya, / na halos kapantay
ng iyong-- luningning / at ka--da--kilaan!
Pinamahala mo / sa buong~ daigdig,
sa lahat-- ng bagay / malaki’t-- maliit.

Maning~ning ang iyong ngalan,
Poon~, sa sangkalupaan.

Mga baka at tupa, / hayop na ma--bangis
at lahat-- ng-- ibong / nasa- him-papawid,
at na maging / sa mga isda,
sa ilalim / ng tu--big.

Maning~ning ang iyong ngalan,
Poon~, sa sangkalupaan.

IKALAWANG PAGBASA:
Roma 5, 1-5

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid:
Yamang napawalang-sala na tayo dahil sa pananalig sa ating Panginoong Hesukristo, sa pamamagitan niya’y mayroon na tayong kapanatagan sa harapan ng Diyos. Sa pamamagitan nga niya’y tinatamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos, at lubos tayong nagagalak sa ating pag-asa na makakasama sa kanyang kaluwalhatian. Bukod dito, nagagalak tayo sa ating mga pagbabata sapagkat alam nating ito’y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan ay nagbubunga ng pag-asa. Hindi tayo nabibigo sa ating pag-asa, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob na sa atin.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA: MISA ANTONIO
Pahayag 1, 8

Aleluya! Aleluya!

Dakila ang Amang mahal,
Anak, Espiritung Banal,
noon, ngayon, kailan pa man.

Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA:
Juan 16, 12-15

Ang wakas ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Marami pa akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi pa ninyo kayang unawain ngayon. Pagdating ng Espiritu ng katotohanan, tutulungan niya kayo upang maunawaan ninyo ang buong katotohanan. Sapagkat magsasalita siya hindi sa ganang kanyang sarili; sasabihin niya sa inyo ang kanyang narinig, at ipapahayag ang mga bagay na darating. Pararangalan niya ako sapagkat sa aking magmumula ang ipapahayag niya sa inyo. Ang lahat ng sa Ama ay akin; kaya ko sinabing sa akin magmumula ang ipapahayag niya sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

OFFERTORIUM 1:
PAGGUNITA (MISA ANTONIO)

Koro:
Aming alay sa ‘Yo, Panginoon
Ang tinapay at alak na Iyong kaloob
Upang gunitain ang ‘Yong buhay na inialay
Nang tayo'y magdiwang bilang isang sambayanan

I:
Ang tinapay, ito ang Iyong laman,
At ang alak, ito ang Iyong dugo
Laman Mo'y inahain upang lahat ay buhayin
Dugo Mo ay dumanak nang lahat ay mapatawad

Koro:
Aming alay sa ‘Yo, Panginoon
Ang tinapay at alak na Iyong kaloob
Upang gunitain ang ‘Yong buhay na inialay
Nang tayo'y magdiwang bilang isang sambayanan

Koda:
Nang tayo'y magdiwang
bilang isang sam----bayanan

OFFERTORIUM 2:
ISANG PAGKAIN, ISANG KATAWAN, ISANG BAYAN

I:
Katulad ng mga butil na tinitipon
Upang maging tinapay na nagbibigay buhay
Kami nawa’y matipon din
At maging bayan Mong giliw

Koro (2x):
Iisang Panginoon, iisang katawan
Isang bayan, isang lahi
Sayo’y nagpupugay

II:
Katulad din ng mga ubas
Na piniga at naging alak
Sino mang uminom nito
May buhay na walang hanggan
Kami nawa’y maging sangkap
Sa pagbuo nitong bayang liyag

Koro (2x):
Iisang Panginoon, iisang katawan
Isang bayan, isang lahi
Sayo’y nagpupugay

SANCTUS:
SANTO (MISA ANTONIO)

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
Napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan mo

Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito
sa Ngalan ng Panginoon

Osana sa kaitaasan!

PAGGUNITA:
AMING IPINAHAHAYAG (MISA ANTONIO)

Aming ipinahahayag
na namatay ang 'Yong Anak
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
Para mahayag sa lahat!

GRAN AMEN:
GREAT AMEN (AQUINO)

A-a-men, a-a-a-men, a-a-a-a-a----me--en
A-a-men, a-a-a-men, a-a-a-a-a--a-men

PATER NOSTER:
AMA NAMIN (MISA ANTONIO)

Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang Ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit

Bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw
At patawarin mo kami
sa aming mga sala

Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
At huwag mo kaming
ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami
sa lahat ng masama

Sapagkat Iyo ang kaharian,
at ang kapangyarihan,
at ang kapurihan,
magpakailanman. Amen.

AGNUS DEI:
KORDERO NG DIYOS (MISA ANTONIO)

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanli--butan,
maawa ka sa amin

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

COMMUNIO 1:
GLORIFY YOUR NAME

I:
Father, we love you
we worship and adore you
Glorify Your name in all the Earth

Glorify Your name
Glorify Your name
Glorify Your name
in all the Earth

II:
Jesus, we love you
we worship and adore you
Glorify Your name in all the Earth

Glorify Your name
Glorify Your name
Glorify Your name
in all the Earth

iII:
Spirit, we love you
we worship and adore you
Glorify Your name in all the Earth

Glorify Your name
Glorify Your name
Glorify Your name
in all the Earth

Coda:
Glorify Your name in all the Earth

COMMUNIO 2:
TRINITY SONG

I:
Father, in my life I see
You are God who walks with me
You hold my life in Your hands
Close beside You I will stand
I give all my life to You
Help me, Father, to be true.

II:
Jesus, in my life I see
You are God who walks with me
You hold my life in Your hands
Close beside You I will stand
I give all my life to You
Help me, Jesus, to be true

III:
Spirit, in my life I see
You are God who walks with me
You hold my life in Your hands
Close beside You I will stand
I give all my life to You
Help me, Spirit, to be true

RECESSIO:
PURIHI'T PASALAMATAN

Koro:
Purihi't pasalamatan sa masayang awit
Purihin natin at pasalamatan ang Diyos ng pag-ibig

I:
Sa 'Yo, Ama, salamat sa mayamang lupa't dagat
At sa magandang kalikasan, at sa ating tanang buhay

Koro:
Purihi't pasalamatan sa masayang awit
Purihin natin at pasalamatan ang Diyos ng pag-ibig

II:
Salamat din kay Kristo sa Kanyang halimbawa
At sa buhay Niyang inialay, sa ating kaligtasan

Koro:
Purihi't pasalamatan sa masayang awit
Purihin natin at pasalamatan ang Diyos ng pag-ibig

III:
At sa-- Espiritu Santo, salamat sa 'Yong tanglaw
Na nagbibigay ng liwanag sa taong humahanap

Koro:
Purihi't pasalamatan sa masayang awit
Purihin natin at pasalamatan ang Diyos ng pag-ibig


--END--