Miyerkules ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) - Miyerkules, Hulyo 16, 2025

 

INTROIT:
Bulaklak ng Carmelo/
Ang Puso Ko'y Nagpupuri

(Eduardo Hontiveros)

Bulaklak ng Carmelo
Yumayabong sa hardin
Karingalan ng langit
Liwanag sa dilim.

Ina at dalaga,
Inang kay tamis
Likhang katagi-tangi,
Dalagang walang dungis!

Sa abang anak ng Carmelo
Ipagkaloob ang biyaya
Sa dagat ng aming buhay
Ikaw ang gabay-tala!
----------------------------
Koro:
Ang puso ko'y nagpupuri
Nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking espiritu
Sa 'king Tagapagligtas

Berso 1:
Sapagkat nilingap Niya
Kababaan ng Kan'yang alipin
Mapalad ang pangalan ko
Sa lahat ng mga bansa

Koro:
Ang puso ko'y nagpupuri
Nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking espiritu
Sa 'king Tagapagligtas

Berso 2:
Sapagkat gumawa ang Poon
Ng mga dakilang bagay
Banal sa lupa't langit
Ang pangalan ng Panginoon

Koro:
Ang puso ko'y nagpupuri
Nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking espiritu
Sa 'king Tagapagligtas

GLORIA:
Papuri sa Diyos
(Elliot Eustacio)

Refrain:
Gloria, Gloria in excelsis Deo!
Gloria, Gloria in excelsis Deo!

Berso 1:
At sa lupa'y kapayapaan
Sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin,
Dinarangal ka namin,
Sinasamba ka namin,
Ipinagbubunyi ka namin,

Refrain:
Gloria, Gloria in excelsis Deo!
Gloria, Gloria in excelsis Deo!

Berso 2:
Pinasasalamatan ka namin
Sa'yong dakilang angking kapurihan,
Panginoong Diyos, Hari ng Langit,
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo,
Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos,
Anak ng Ama

Refrain:
Gloria, Gloria in excelsis Deo!
Gloria, Gloria in excelsis Deo!

Cantor:
Ikaw na nag-aalis
ng mga kasalanan ng Sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Ikaw na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,

Berso 3:
Tanggapin Mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
Maawa ka sa amin.
Maawa ka sa amin.

Refrain:
Gloria, Gloria in excelsis Deo!
Gloria, Gloria in excelsis Deo!

Berso 4:
Sapagkat ikaw lamang ang banal,
at ang kataas-taasan
Ikaw lamang, O Hesukristo
Ang Panginoon
Kasama ng Espiritu Santo
Sa kadakilaan ng Diyos Ama.

Refrain:
Gloria, Gloria in excelsis Deo!
Gloria, Gloria in excelsis Deo!

Koda:
Amen.

UNANG PAGBASA:
Exodo
(Exodo 3, 1-6. 9-12)

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Noong mga araw na iyon, si Moises ay nag-aalaga sa kawan ng biyenan niyang si Jetro. Minsan, itinaboy niya ang kawan pabagtas ng disyerto at nakarating siya sa Horeb, sa Bundok ng Diyos. Doon, ang anghel ng Panginoon ay napakita sa kanya, parang ningas sa gitna ng isang mababang punongkahoy. Kitang-kita ni Moises na nagliliyab ito ngunit hindi nasusunog. Kaya’t nasabi niya sa kanyang sarili, “Kataka-taka ito! Tingnan ko ngang mabuti kung bakit di nasusunog gayong nagliliyab.”

Nang lalapit na si Moises, tinawag siya ng Panginoon buhat sa nagliliyab na punongkahoy, “Moises, Moises.”

“Ano po iyon?” sagot niya.

Sinabi ng Diyos, “Huwag kang lumapit. Hubarin mo ang iyong sandalyas sapagkat banal na dako ang kinatatayuan mo. Ako ang Diyos ng iyong mga magulang – nina Abraham, Isaac at Jacob.” Tinakpan ni Moises ang kanyang mukha pagkat natatakot siyang tumingin sa Diyos.

“Naririnig ko ang daing ng aking bayan at alam ko ang pang-aaping ginagawa sa kanila ng mga Egipcio. Kaya, papupuntahin kita sa Faraon upang ilabas mo sa Egipto ang aking bayan.”

Sumagot si Moises, “Sino po akong haharap sa Faraon at maglalabas ng bayang Israel mula sa Egipto?”

“Huwag kang mag-alaala, hindi kita pababayaan. At ito ang magiging katibayan na ako ang nagsugo sa iyo: sa bundok ding ito sasambahin ninyo ako kapag nailabas mo na sa Egipto ang aking bayan,” sabi ng Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN:
(Salmo 102, 1-2. 3-4. 6-7)

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Panginoo’y papurihan,/ purihin mo, kaluluwa,
ang pangalang banal/ purihin mo sa t'wina.
aking kaluluwa,/ ang Di-yos ay papurihan,
at h'wag mong lilimutin/ kanyang kabutihan.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Kasalanan ko'y si-ya/ ang nagpapatawad,
sa anumang sakit,/ ginagamot mong lahat.
Sa bingit ng kamatayan/ ako'y iniligtas,
at pinagpapala/ sa pag-ibig n'ya’t habag.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Poo'y humahatol,/ gawad ay katarungan;
natatamo ng inaapi/ kanilang karapatan.
Ang balangkas ni-ya’t / utos kay Moises;
ang kahanga-hangang gawa’y/ nasaksihan ng Israel.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

ALELUYA:
Misa ng Sambayanan
(Mateo 11, 25)

Papuri sa Di-yos Ama
pagkat ipinapahayag n’ya
Hari-i s’ya ng mga aba.
Alelu-alelu-u-u-ya!

MABUTING BALITA:
Mateo
(Mateo 11, 25-27)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino at inihayag sa mga may kaloobang tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayun ang ikinalulugod mo.

Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

OFFERTORIUM:
Paggugunita
(Allan Antonio)

Koro:
Aming alay sa ‘Yo, Panginoon
Ang tinapay at alak na Iyong kaloob
Upang gunitain ang ‘Yong buhay na inialay
Nang tayo'y magdiwang bilang isang sambayanan

Berso 1:
Ang tinapay, ito ang Iyong laman,
At ang alak, ito ang Iyong dugo
Laman Mo'y inahain upang lahat ay buhayin
Dugo Mo ay dumanak nang lahat ay mapatawad

Koro:
Aming alay sa ‘Yo, Panginoon
Ang tinapay at alak na Iyong kaloob
Upang gunitain ang ‘Yong buhay na inialay
Nang tayo'y magdiwang bilang isang sambayanan

SANCTUS:
Santo
(Ang Pista ng Sambayanan)

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan mo

Osana, osana sa kaitaasan!
Osana, osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito
sa Ngalan ng Panginoon

Osana, osana sa kaitaasan!
Osana, osana sa kaitaasan!

Osana, osana sa kaitaasan!
Osana, osana sa kaitaasan!

MYSTERIUM FIDEI:
Aming Ipinahahayag
(Ang Pista ng Sambayanan)

Aming ipinahahayag
na namatay ang 'yong Anak
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat!

GRAN AMEN:
Amen
(Ang Pista ng Sambayanan)

Amen, amen, amen, amen
Amen, amen
Amen, amen

PATER NOSTER:
Ama Namin
(Allan Antonio)

Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang Ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang langit

Bigyan mo kami ngayon ng amin
kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala

Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya mo kami sa lahat ng masama

Sapagkat Iyo ang kaharian,
at ang kapangyarihan,
at ang kapurihan,
magpakailanman, amen.

AGNUS DEI:
Kordero ng Diyos
(Allan Antonio)

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

COMMUNIO:
Pag-ibig Mo Ama
(Eduardo Hontiveros)

Berso 1:
Ang liwanag mo ang sumindak sa dilim
Buong kalangitan nagsaya′t nagningning
Kumislap, umindak ang mga bituin
Na likha ang lahat ng mga lupain

Koro:
Pag-ibig mo Ama ay hatid mo sa amin
Malaya't matindi hindi nagmamaliw

Berso 2:
Dinilig sa tuwa ang buong nilikha
Pinuno ng aliw ang aba at ang dukha
Ng pagmamahal binigay mo
Sadyang matupad sa gawa ang 'yong salita

Koro:
Pag-ibig mo Ama ay hatid mo sa amin
Malaya't matindi hindi nagmamaliw

(instrumental)

Berso 2.2:
Ng pagmamahal binigay mo
Sadyang matupad sa gawa ang 'yong salita

Berso 1:
Ang liwanag mo ang sumindak sa dilim
Buong kalangitan nagsaya′t nagningning
Kumislap, umindak ang mga bituin
Na likha ang lahat ng mga lupain

Koro:
Pag-ibig mo Ama ay hatid mo sa amin
Malaya't matindi hindi nagmamaliw

Koda:
Amen

PAGBABASBAS KAY MARIA:
Salve Regina
(Tradisyunal)

Salve, Regina,
mater misericordiae;
Vita, dulcedo
et spes nostra salve.
Ad te clamamus,
exsules filii Hevae.
Ad te suspiramus,
gementes et flentes
in hac lacrimarum valle.

Eia ergo,
advocata nostra,
illos tuos misericordes oculos
ad nos converte.

Et Jesum, benedictum fructum ventris tui,
nobis post hoc exsilium ostende.
O clemens, o pia, o dulcis Virgo Maria.

RECESSIO:
Araw-araw kay Maria
(Tradisyunal)

Berso 1:
Araw-araw kay Maria
Kami ay nagdarasal
Si Mariang Ina namin
Ibig naming marangal

Refrain:
Kanyang tulong, lagi-lagi
Kami ay humihiling
Si-ya'y aming pupurihin
Tuwing araw at gabi

Berso 2:
Kung kami'y nasa panganib
Kay Maria tatakbo
Si-ya'y aming tatawagin
Kung lalapit ang tukso

Refrain 2:
O, Maria
Tutulungan kaming nangabubuhay
Kami ay ipanalangin
Kung kami'y mamamatay

==WAKAS==