BANAL NA ORAS SA HARAP NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS
SA SANTISIMO SAKRAMENTO
O SALUTARIS HOSTIA
O Salutaris Hostia
Quae caeli pandis ostium.
Bella premunt hostilia;
Da robur, fer auxilium.
Uni trinoque Domino
Sit sempiterna gloria:
Qui vitam sine termino,
Nobis donet in patria.
Amen.
P: In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit.
B: Amen.
P: O Sacrament most Holy,
O Sacrament Divine,
B: All praise and all thanksgiving, be every moment Thine!
P: Our Father, who art in heaven,
Hallowed be Thy Name.
Thy Kingdom come.
Thy Will be done,
on earth as it is in Heaven.
B: Give us this day our daily bread.
And forgive us our trespasses,
as we forgive those who trespass against us.
And lead us not into temptation,
but deliver us from evil. Amen.
Pari: Hail Mary, full of grace
the Lord is with you
blessed are you among women
and blessed is the Fruit of your womb, Jesus.
B: Holy Mary, Mother of God
pray for us sinners
now and at the hour
of our death, Amen.
P: Glory be to the Father, and of the Son,
and of the Holy Spirit,
B: As it was in the beginning,
is now, and ever shall be,
world without end. Amen.
o kaya sa wikang Filipino
P: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
B: Amen.
P: O Sakramentong Banal,
O Sakramentong Kabanal-banalan.
B: Lahat ng papuri at pasasalamat ay laging sumaiyo.
P: Ama namin, sumasalangit Ka
sambahin ang ngalan Mo
mapasaamin ang kaharian Mo
sundin ang loob Mo
dito sa lupa
para nang sa langit.
B: Bigyan Mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw
at patawarin Mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
at huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya Mo kami sa lahat ng masama,
Amen.
P: Aba, Ginoong Maria,
napupuno ka ng grasya
ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo
bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.
B: Santa Maria, Ina ng Diyos
ipanalangin mo kaming makasalanan
ngayon at kung kami’y mamamatay, Amen.
P: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
B: Kapara noong una, ngayon at magpakailanman, magpasawalang hanggan, Amen.
UNANG SANGKAPAT:
PAG-AALAY SA BANAL NA ORAS
L: Kamahal-mahalang Mananakop,
Manunubos ng sangkatauhan,
naniniwala kaming Ikaw ay naririyan
sa Banal na Sakramentong nasa aming harapan.
Ninanais naming gamitin itong oras
sa pagsamba at pagninilaynilay
upang ibigay sa Iyo ang kataas-taasang karangalan at luwalhati
at upang maghandog ng maliit na pagbabayad
sa aming kasalanan at sa mga kasalanan ng sandaigdigan.
Ninanais din naming iukol ang Banal na Oras na ito
upang magpasalamat sa lahat ng iginawad Mong mga biyaya sa amin.
Ninanasa rin naming magtamo sa aming kapakinabangan
at ng mga kaluluwa sa Purgatoryo,
ng maraming mga indulhensiyang ibinibigay ng debosyong ito.
At buong pusong idinadalangin namin
na papanaungan Mo kami ng Iyong mga pagpapala,
gayon din naman sa lahat ng aming mga kabataan
dito sa aming tinubuang-bayan at sa ibang lupain.
O Jesus, habang kami’y nasa Iyong kamahal-mahalang harapan,
ipinasisiya naming limutin ang lahat na gawain,
ang aming mga alalahanin,
limutin ang mundo at ang kanyang magdarayang ligaya,
at iukol ang lahat naming pag-iisip na buong-buo sa Iyo
sa pag-aalay sa Iyo ng kataas-taasang pagsamba
at pagnilaynilay ng Iyong ulilang pamumuhay
sa aming mga Tabernakulo. Siya nawa/Amen.
P: O Panginoong Hesukristo,
Ikaw na nangakong kung mayroong dalawa o tatlo
na nagkakasama upang magdasal,
Ikaw ay nasa kanilang piling,
ibaling Mo ang Iyong tingin sa aming Iyong mga anak
na nagkakatipon sa Iyong harapan,
upang parangalan ang Iyong kamahal-mahalang Puso
at upang makilala Ka at mahalin ng lahat.
Lumapit Ka sa aming piling, O Matamis na Hesus,
punuin Mo ng Iyong mga biyaya
at pasiklabin ang Iyong pag-ibig sa aming mga puso.
P: O Jesus, ang aming mga dalangin ay Iyong tugunin
sa aming pagkaluhod sa Iyong harapan.
B: O Puso ni Hesus,
dinggin at ipagkaloob ang aming mga panalangin.
O Puso ng Pag-ibig, inilalagay ko ang lahat kong pagtitiwala sa Iyo.
Kinatatakutan ko ang lahat ng bagay mula sa aking kahinaan
datapwa’t umaasa ako sa lahat ng bagay mula sa Iyong kabutihan.