ASP: Ikatlong Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (A) - Linggo, Disyembre 14, 2025

 Ikatlong Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (A)


Isaias 35, 1-6a. 10
Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10

Halina, Panginoong D’yos
upang kami ay matubos.

o kaya
Aleluya! Papurihan
ang ating Poong Maykapal

Santiago 5, 7-10
Mateo 11, 2-11

INTROIT:
Halina Hesus, Halina
Eduardo Hontiveros

Ref:
Halina Hesus, halina!
Halina Hesus, halina!

Berso 1:
Sa simula isinaloob mo
O Diyos kaligtasan ng tao
Sa takdang panahon ay tinawag mo
Isang bayang lingkod sa Iyo 

Ref:
Halina Hesus, halina!
Halina Hesus, halina!

Berso 2:
Gabay ng Iyong bayang hinirang
Ang pag-asa sa Iyong Mesiyas;
“Emmanuel” ang pangalang bigay sa Kanya:
“Nasa atin ang Diyos tuwina.” 

Ref:
Halina Hesus, halina!
Halina Hesus, halina!

Berso 3:
Isinilang s’ya ni Maria
Birheng tangi, hiyas ng Judea;
At “Hesus” ang pangalang binigay sa Kanya:
“Aming Diyos ay tagapag-adya 

Ref:
Halina Hesus, halina!
Halina Hesus, halina!

Berso 4:
Darating muli sa takdang araw
Upang tanang tao’y tawagin
At sa puso Mo, aming Ama’y bigkisin
Sa pag-ibig na ‘di mamaliw

LIGHTING OF THE ADVENT CANDLE:
Halina, Emmanuel (Misa Delgado 3)
Lester Delgado

Halina, Emmanuel
Gabay ng aming buhay
Sindihan ng kandila ng altar
Sagisag ng paghihintay

UNANG PAGBASA:
Isaias 35, 1-6a. 10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ang ulilang lupaing malaon nang tigang
ay muling sasaya,
mananariwa at mamumulaklak ang ilang.
Ang dating ilang ay aawit sa tuwa,
ito’y muling gaganda tulad ng mga Bundok ng Libano
at mamumunga nang sagana, tulad ng Carmelo at Saron.
Mamamasdan ng lahat ang kaningningan
at kapangyarihan ng Panginoon.
Inyong palakasin ang mahinang kamay,
at patatagin ang mga tuhod na lupaypay,
ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob:
“Huwag kang matakot,
laksan mo ang iyong loob,
darating na ang Panginoong Diyos,
at ililigtas ka sa mga kaaway.”
Ang mga bulag ay makakikita,
at makaririnig ang mga bingi;
katulad ng usa, ang pilay lulundag,
aawit sa galak ang mga pipi.
Ang mga tinubos ng Panginoon ay babalik sa Jerusalem,
masiglang umaawit ng pagpupuri.
Paghaharian sila ng kaligayahan.
Lungkot at dalamhati ay mapapalitan
ng tuwa at galak magpakailanman.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN:
Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10

Halina, Panginoong D’yos
upang kami ay matubos.

Ang maaasahang / lagi’y Panginoon,
panig sa mga naaapi, / ang Diyos na hukom,
may pagkaing handa, / sa nangagugutom.

Halina, Panginoong D’yos
upang kami ay matubos.

Pinalaya niya / ang mga nabihag;
isinasauli, / paningin ng bulag;
lahat ng api / ay itinataas,
ang mga hinirang / niya’y nililingap.

Halina, Panginoong D’yos
upang kami ay matubos.

Isinasanggalang / ang mga dayuhang
sa lupain nila’y / doon tumatahan;
tumutulong siya / sa balo’t ulila,
masamang balangkas / pinipigil niya.

Halina, Panginoong D’yos
upang kami ay matubos.

Ika'y walang hanggang Hari,
ang Diyos na Poon!
Nabubuhay lagi ang Diyos mo, Sion!

Halina, Panginoong D’yos
upang kami ay matubos.

IKALAWANG PAGBASA:
Santiago 5, 7-10

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago

Kaya nga’t magtiyaga kayo, mga kapatid, hanggang sa pagdating ng Panginoon. Tingnan ninyo ang magsasaka. Buong tiyaga niyang hinihintay ang mahalagang bunga ng kanyang bukirin, at ang pagpatak ng una at huling ulan. Dapat din kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob, sapagkat nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.

Huwag kayong maghinanakitan, mga kapatid, upang hindi kayo hatulan ng Diyos, sapagkat malapit nang dumating ang Hukom. Mga kapatid, tularan ninyo ang mga propetang nagsalita sa ngalan ng Panginoon. Buong tiyaga silang nagtiis ng kahirapan.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA:
Isaias 61, 1
Misa de la Reina

Aleluya! Aleluya!

Espiritu ng Maykapal
nasa akin upang hat’dan
ang mga dukha ng aral.

Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA:
Mateo 11, 2-11

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon: Nabalitaan ni Juan Bautista, na noo’y nasa bilangguan, ang mga ginagawa ni Kristo. Kaya’t nagsugo si Juan ng kanyang mga alagad at ipinatanong sa kanya, “Kayo po ba ang ipinangakong paririto, o maghihintay pa kami ng iba?” Sumagot si Hesus, “Bumalik kayo kay Juan at sabihin sa kanya ang inyong narinig at nakita: nakakikita ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita. Mapalad ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin!”

Pag-alis ng mga alagad ni Juan, nagsalita si Hesus sa mga tao tungkol kay Juan: “Bakit kayo lumabas sa ilang? Ano ang ibig ninyong makita? Isa bang tambo na inuugoy ng hangin? Ano nga ang ibig ninyong makita? Isang taong may maringal na kasuutan? Ang mga nagdaramit ng maringal ay nasa palasyo ng mga hari! Ano nga ba ang ibig ninyong makita? Isang propeta? Oo. At sinasabi ko sa inyo, higit pa sa propeta. Sapagkat si Juan ang tinutukoy ng Kasulatan: ‘Narito ang sugo ko na aking ipinadadalang mauuna sa iyo; ihahanda niya ang iyong daraanan.’ Sinasabi ko sa inyo: sa mga isinilang, wala pang lumilitaw na higit na dakila kay Juan Bautista; ngunit ang pinakaaba sa mga taong pinaghaharian ng Diyos at dakila kaysa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

OFFERTORIUM:
Panginoon, Aming Handog
Ferdinand Bautista

Koro:
Panginoon, aming handog ang tinapay at alak,
alay ng bayang umaasa sa pagdating Mo,
gayun din aming hinahanda ang aming puso
upang dito’y manahan ka sa pagdating Mo.

Berso 1:
Ang ulilang lupaing malaon nang tigang
ay muling magsasaya!
Mananariwa’t mamumulaklak ang ilang
at ito’y aawit sa tuwa!

Koro: x2
Panginoon, aming handog ang tinapay at alak,
alay ng bayang umaasa sa pagdating Mo,
gayun din aming hinahanda ang aming puso
upang dito’y manahan ka sa pagdating Mo.

SANCTUS:
Santo (Misa de la Reina)
Elliot Jerome Eustacio

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo

Osana sa kaitaasan!
Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito
sa Ngalan ng Panginoon

Osana sa kaitaasan!
Osana sa kaitaasan!

MYSTERIUM FIDEI:
Sa Krus Mo at Pagkabuhay (Misa de la Reina)
Elliot Jerome Eustacio

Sa Krus Mo at pagkabuhay
kami'y natubos Mong tunay
Poong Hesus naming mahal
Iligtas Mo kaming tanan
Ngayon at magpakailanman!

GRAN AMEN:
Dakilang Amen (Misa Delgado 3)
Lester Delgado

Amen, amen, amen

PATER NOSTER:
Ama Namin/Sapagkat (Pastorela)
Eduardo Hontiveros

Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala

Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya mo kami sa lahat ng masama

Sapagkat Iyo ang kaharian,
at ang kapangyarihan,
at ang kapurihan,
magpakailanman!

AGNUS DEI:
Kordero ng Diyos
Arnel Aquino, S.J.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

COMMUNIO:
Pananabik
Elliot Jerome Eustacio
Mimo Perez

Koro:
Panginoong Hesus, Puso nami'y tigib
ng pag-asa at tahimik na pananabik
sa Iyong pagsilang sa aming piling,
O Dakilang Mesiyas namin.

Berso 1:
Buhay naming nalilihis
sa pagkukulang at pagmamalabis.
Akayin kami upang makabalik
sa daan ng Iyong pag-ibig.

Koro:
Panginoong Hesus, Puso nami'y tigib
ng pag-asa at tahimik na pananabik
sa Iyong pagsilang sa aming piling,
O Dakilang Mesiyas namin.

Berso 2:
Kapwa naming hinuhusganhan
o tinatanggihang damayan.
Imulat kami sa katotohanang
sila ay Iyong kalarawan.

Koro:
Panginoong Hesus, Puso nami'y tigib
ng pag-asa at tahimik na pananabik
sa Iyong pagsilang sa aming piling,
O Dakilang Mesiyas namin.

Berso 3:
Turuan kaming mamuhay nang payak,
tuklasin ang bukal ng galak.
Biyaya Mo'y sapat para sa lahat
dahil pag-ibig Mo ay tapat.

Koro:
Panginoong Hesus, Puso nami'y tigib
ng pag-asa at tahimik na pananabik
sa Iyong pagsilang sa aming piling,
O Dakilang Mesiyas namin.

Koda:
O Dakilang Mesiyas... namin

RECESSIO:
Humayo at Ibalita
Alejandro Consolacion II

Humayo at ibalita
Ang Diyos ay darating!
Ang dulot Niya ay pag-asang
laging magniningning

Manalig at magtiwala
na ating kakamtin;
Handog Niyang kaligtasan
at sa sala'y tubusin.

Humayo at ibalita
Ang Diyos ay darating!
Lahat nating pagdurusa
pawang papawiin

Magalak tayo'y manalangin
na Kanyang diringin
Lahat nating pagsamo
at mga paglalambing.

WAKAS