Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda - Lunes, March 16, 2026


Lunes sa Ika-4 na Linggo
ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Lunes, March 16, 2026

Isaias 65, 17-21
Salmo 29, 2 at 4. 5-6. 11-12a at 13b

Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking galak.

Juan 4, 43-54


Pambungad na Awit:
Ngayong Banal na Panahon
Elliot Jerome Eustacio

Antipona: Sa Himig 3
D'yos ko, Ikaw ang pag-asa,
magagalak ako t'wina
sa awa mo at pagsinta.
Di mo ako pinagdusa
sa katayuan kong aba.

Unang Pagbasa:
Isaias 65, 17-21

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ang sabi ng Panginoon:
“Ako ay lilikha,
isang bagong lupa’t isang bagong langit;
mga pangyayaring pawang lumipas na
ay di na babalik!
Kaya naman kayo’y
dapat na magalak sa aking nilalang,
yamang nilikha ko itong Jerusalem
na ang aking pakay maging kagalakan ng mga hinirang.
Ako mismo’y magagalak
dahil sa Jerusalem at sa kanyang mamamayan.
Doo’y walang panambitan o kaguluhan.
Doo’y wala nang sanggol na papanaw,
lahat ng titira roon ay mabubuhay nang matagal.
Ituturing pa rin na kabataan pa ang edad sandaan,
ang hindi umabot ng gulang na ito ay pinarusahan.
Magtatayo sila ng mga tahanang kanilang titirhan,
sa tanim na ubas ay sila ang aani.”

Ang Salita ng Diyos.

Salmong Tugunan:
Salmo 24, 4bk-5ab. 6-7bk. 8-9

Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking galak.

O Panginoon ko,
sa iyong ginawa, kita’y pinupuri’t ako’y iniligtas,
kaya kaaway ay di na nakuhang matuwa’t magalak.
Mula sa libingang
daigdig ng patay, hinango mo ako at muling binuhay;
ako, na kasama nilang napabaon sa kailaliman.

Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking galak.

Purihin ang Poon,
siya ay awitan ng lahat ng tapat na mga hinirang.
Iyong gunitain ang mga ginawa ng Diyos na Banal,
ang kanyang ginawa ay alalahanin at pasalamatan!
Hindi nagtatagal
yaong kanyang galit, at ang kabutihan niya’y walang wakas.
Ang abang may hapis at tigmak sa luha sa buong magdamag,
sa bukang-liwayway ay wala nang lungkot, kapalit ay galak.

Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking galak.

Kaya’t ako’y dinggin,
ikaw ay mahabag sa akin, O Poon, ako ay pakinggan,
mahabag ka, Poon! Ako ay dinggin mo at iyong tulungan.
Nadama ko’y galak nang iyong hubarin ang aking panluksa.
Sa pasasalamat sa iyo, O Poon, ay di magsasawa.

Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking galak.

Awit Pambungad sa Mabuting Balita:
Amos 5, 14
Misa Pasyon (Himig 2)

Nagpupuri kami sa'Yo,
Panginoong Hesukristo

Matuwid ang dapat gawin,
masama’y iwasan natin,
at tayo ay bubuhayin;
ang Diyos ay sasaatin,
atin s’yang makakapiling.

Mabuting Balita:
Juan 4, 43-54

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, umalis si Hesus sa Samaria at nagtungo sa Galilea. Sapagkat si Hesus na rin ang nagsabing ang isang propeta’y hindi iginagalang sa kanyang sariling bayan. Pagdating niya sa Galilea ay mabuti ang pagtanggap sa kanya ng mga tagaroon, sapagkat nasa Jerusalem din sila noong Pista ng Paskuwa at nakita nila ang lahat ng kanyang ginawa roon.

Nagpunta uli si Hesus sa Cana, Galilea. Doon niya ginawang alak ang tubig. Doon naman sa Capernaum ay may isang mataas na pinuno ng pamahalaan; at may sakit ang kanyang anak na lalaki. Nang mabalitaan niyang bumalik si Hesus sa Galilea mula sa Judea, pinuntahan niya ito. Pinakiusapan niya itong pumunta sa Capernaum at pagalingin ang kanyang anak na naghihingalo. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Hangga’t hindi kayo nakakikita ng mga palatandaan at mga kababalaghan, hindi kayo mananampalataya.” Ngunit sinabi ng pinuno, “Tayo na po, Ginoo, bago mamatay ang aking anak.” Sumagot si Hesus, “Umuwi na kayo; magaling na ang inyong anak.” Naniwala ang lalaki sa salita ni Hesus, at umuwi nga siya. Sa daan pa’y sinalubong na siya ng kanyang mga alipin at sinabing magaling na ang kanyang anak. Tinanong niya sila, “Anong oras siya gumaling?” “Siya po’y inibsan ng lagnat kahapong mag-aala-una ng hapon,” tugon nila. Naalaala ng ama na noong oras na iyon sinabi sa kanya ni Hesus, “Magaling na ang inyong anak.” Kaya’t siya at ang kanyang buong sambahayan ay sumampalataya kay Hesus.

Ito ang pangalawang kababalaghang ginawa ni Hesus sa Galilea pagpunta niya roon buhat sa Judea.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Awit sa Paghahanda sa Pag-aalay:
Awit ng Paghahandog
Eduardo Hontiveros

Kunin mo, O Diyos at tanggapin mo
Ang alak at tinapay na handog ng pag-ibig
Sagisag naming bayan mo
Ang handog na ito ay babaguhin mo
Magiging katawan at dugo mo

Mula sa Iyo kaloob na ito
Muli ay handog sa Iyo
Patnubayan mo't paghariang lahat
ayon sa kalooban mo

Mag-utos ka, Panginoon ko
Dagling tatalima ako
Ipagkaloob mo lamang na magbago ako't
sa wakas matulad sa'Yo

Santo:
Banal Ka Poong Maykapal
Himig Pasyon, Himig 3

Banal ka Poong Maykapal
Banal ang Iyong Pangalan
Banal ang 'Yong kaharian
Langit lupa'y nagpupugay
sa Iyong kadakilaan

Dinadakila ng lahat
ang naparito Mong Anak
na S'yang nagmulat sa bulag
sa Pilay ay nagpalakad
at nakiramay sa lahat

Pagbubunyi:
Sa Krus Mo
Himig Pasyon, Himig 3

Sa krus mo at pagkabuhay
kami'y tinubos Mong tunay
Poong Hesus naming mahal
Iligtas mo kaming tanan
Ngayon at magpakailanman

Dakilang Amen:
Dakilang Amen (Misa Pasyon)
Lemuel Asuncion

Ama Namin:
Ama Namin
Teofilo Vinteres

Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala.

Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin

at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya mo kami sa lahat ng masama

Awit sa Pakikinabang:
God of Silence
Manoling Francisco

Verse 1:
The God of silence beckons me
To journey to my heart
Where He awaits
O Lord, I hear You calling tenderly
To You, I come to gaze
At the beauty of Your face
I cannot see

To rest in Your embrace I cannot feel
To dwell in Your love, hurting but sweet
To be with You to glimpse eternity

Refrain 1:
God of night, fount of all my delight
Show Your light
That my heart, like Yours, burn bright

Verse 2:
Be still the torment of the night
Will not encumber you, if you believe
My child, this darkness isn't emptiness
For hеre, I mold your heart
Unto My image, painfully, you long to see

Thе self you yearn to be, but fear to know
The world from which you flee in Me find home
All these I give you, if you remain in Me

Refrain 2:
I am ever here
My child, you need not fear
The dark will set you free
And bring your heart to Me

Refrain 1/2:
I am ever here (God of night)
My child, you need not fear (Fount of all my delight)
The dark will set you free (Show Your light)
And bring your heart to Me (That my heart, like Yours, burn bright)

Refrain 1:
God of night, fount of all my delight
Show Your light
That my heart, like Yours, burn bright

Pangwakas na Awitin:
Pagsamo kay San Jose
Manoling Francisco

Berso:
San Jose, ikaw ang tunay na huwaran
ng pag-ibig, katapatan, at kabanalan
O San Jose, sa iyo'y nananalangin
ang samo namin sa iyo, nawa'y dinggin

Koro: 2x
Akayin mo kami, ang bayan mong nangangarap
Gabayan mo po ang aming pagsisikap
Upang kaming lahat maging karapat-dapat
Kay Hesus 'yong sinisintang Anak

Koda:
Kay Hesus 'yong sinisintang... Anak

WAKAS