ACP: Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A) - Linggo, Abril 26, 2026

    

Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)

Mga Gawa 2, 14a. 36-41
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

1 Pedro 2, 20b-25
Juan 10, 1-10


Pambungad na Awit:
Magalak Tayong Lahat
Ferdinand Bautista

Koro:
Magalak tayong lahat!
Si Hesukristo'y nabuhay
nanaig sa kamatayan!
Aleluya! Aleluya!

Berso 1:
Panginoon ang naghirang,
sa tinubos Niyang bayan.
Nagpupuring mga hinirang,
masayang nagdiriwang!

Koro:
Magalak tayong lahat!
Si Hesukristo'y nabuhay
nanaig sa kamatayan!
Aleluya! Aleluya!

Berso 2:
"Ako ay inyong hawakan",
sabi ng Panginoon
"Damhin ang mga sugat,
manalig at maniwala."

Koro:
Magalak tayong lahat!
Si Hesukristo'y nabuhay
nanaig sa kamatayan!
Aleluya! Aleluya!

Berso 3:
Si Hesus ay nagpakita
samantalang sama-sama
Alagad N’yang labing isa,
“kapayapaan” pagbati N’ya!

Koro: 2x
Magalak tayong lahat!
Si Hesukristo'y nabuhay
nanaig sa kamatayan!
Aleluya! Aleluya!

Papuri sa Diyos:
Papuri sa Diyos (Revised Luwalhati)
Elliot Jerome Eustacio

Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
at sa lupa’y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdan niya.
pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin.
pinasasalamatan ka namin,
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos, Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos,
Anak ng Ama.

Ikaw na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin,

Sapagkat Ikaw lamang ang banal,
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang, O Hesukristo, ang kataas-taasan
kasama ng Espiritu Santo,
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen!

Unang Pagbasa:
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng mga Apostol
Mga Gawa 2, 14a. 36-41

Noong araw ng Pentekostes, tumayo si Pedro at ang labing-isang apostol, at nagsalita siya nang malakas, “Dapat malaman ng buong Israel na itong si Hesus na ipinako ninyo sa krus – siya ang ginawa ng Diyos na Panginoon at Kristo!”

Nabagabag ang kanilang kalooban nang marinig ito, at tinanong nila si Pedro at ang mga apostol, “Mga kapatid, ano ang gagawin namin?” Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at magpabinyag kayo sa pangalan ni Hesukristo upang kayo’y patawarin; at ipagkakaloob sa inyo ang Espiritu Santo. Sapagkat ang pangako’y para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo – sa bawat tatawagin ng Panginoong Diyos.”

Marami pa siyang inilahad upang patunayan ang kanyang sinabi, at nanawagan siya sa kanila, “Lumayo kayo sa masamang lahing ito upang kayo’y maligtas.” Kaya’t ang mga naniwala sa kanyang sinabi ay nagpabinyag; at nadagdag sa kanila ang may tatlunlibong tao nang araw na iyon.

Ang Salita ng Diyos.

Salmong Tugunan:
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6


(cantor first then, choir)

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang.
Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan
sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay.
Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang,
ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway;
nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan,
sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay;
doon ako sa templo mo lalagi at mananahan.

Ituro mo ang landasin
ng buhay kong hahantungin.

Ikalawang Pagbasa:
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro
1 Pedro 2, 20b-25

Mga pinakamamahal ko:

Pagpapalain kayo ng Diyos kung kayo’y maparusahan sa paggawa ng mabuti. Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkahirang sa inyo ng Diyos; sapagkat nang si Kristo ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng halimbawang dapat tularan. Hindi siya gumagawa ng anumang kasalanan o nagsinungaling kailanman. Nang siya’y alipustain, hindi siya gumanti. Nang siya’y pahirapan, hindi siya nagbanta. Nanalig siya sa Diyos na makatarungan. Sa kanyang pagkamatay sa krus, dinala niya ang bigat ng ating mga kasalanan upang tuluyan na nating iwan ang pagkakasala at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Kayo’y gumaling sa pamamagitan ng kanyang mga sugat. Sapagkat nagkawatak-watak kayo gaya ng mga tupang naligaw, ngunit tinipon kayong muli ng Pastol at Tagapangalaga ng inyong mga kaluluwa.

Ang Salita ng Diyos.

Awit Pambungad sa Mabuting Balita:
Alleluia (Light from Light)
Manoling Francisco

Juan 10, 14

Ako’y pastol na butihin
kilala ko’ng tupang akin;
ako’y kilala nila rin.

Mabuting Balita:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Juan 10, 1-10

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo ito: ang pumapasok sa kulungan ng mga tupa nang hindi sa pinto nagdaraan, ay magnanakaw at tulisan. Ngunit ang nagdaraan sa pintuan ay siyang pastol ng mga tupa. Pinapapasok siya ng bantay-pinto, at pinakikinggan ng mga tupa ang kanyang tinig. Tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kani-kanilang pangalan, at inilalabas sa kulungan. Kapag nailabas na, siya’y nangunguna sa kanila at sumusunod naman ang mga tupa sapagkat nakikilala nila ang kanyang tinig. Hindi sila sumusunod sa iba, bagkus pa nga’y patakbong lumalayo, sapagkat hindi nila nakikilala ang kanyang tinig.”

Sinabi ni Hesus ang talinghagang ito, ngunit hindi nila naunawaan ang ibig niyang sabihin.

Kaya’t muling sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo: ako ang pintuang dinaraanan ng mga tupa. Ang mga nauna sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan, ngunit hindi sila pinakinggan ng mga tupa. Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko’y maliligtas. Papasok siya’t lalabas, at makatatagpo ng pastulan. Kaya lamang pupunta rito ang magnanakaw ay upang magnakaw, pumatay, at magwasak. Naparito ako upang ang mga tupa’y magkaroon ng buhay – isang buhay na ganap at kasiya-siya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Awit sa Paghahanda sa Pag-aalay:
Ikaw ang Alak at Tinapay
Elliot Jerome Eustacio

Koro:
Ikaw ang alak at tinapay ng langit
Ikaw ang kaligtasang aming nakamit
Pagsamo ng iyong baya'y pakinggan
Maging marapat na ika'y pagsaluhan

Berso 1:
Alay na hatid sa dambanang banal
Lakip nito'y bahagi ng aming nakayanan
Hindi lang dahil sa gawa naming kulang
Kundi sa pag-ibig mong kami'y pinupunan

Koro:
Ikaw ang alak at tinapay ng langit
Ikaw ang kaligtasang aming nakamit
Pagsamo ng iyong baya'y pakinggan
Maging marapat na ika'y pagsaluhan

Berso 2:
Itong bunga ng aming pagpapagal
Ang hain na ngayo'y binabasbasan
Kung sa pagpitas at pag-ani'y dala
Biyayang tanging sa iyo nagmumula

Koro:
Ikaw ang alak at tinapay ng langit
Ikaw ang kaligtasang aming nakamit
Pagsamo ng iyong baya'y pakinggan
Maging marapat na ika'y pagsaluhan

Santo:
Santo (Ang Pista ng Sambayanan)
Manoling Francisco

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan mo

Osana, Osana sa kaitaasan!
Osana, Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito
sa ngalan ng Panginoon

Osana, Osana sa kaitaasan!
Osana, Osana sa kaitaasan!

Osana, Osana sa kaitaasan!
Osana, Osana sa kaitaasan!

Pagbubunyi:
Aming Ipinahahayag (Ang Pista ng Sambayanan)
Manoling Francisco

Aming ipinahahayag
na namatay ang iyong Anak
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat

Dakilang Amen:
Amen (Ang Pista ng Sambayanan)
Manoling Francisco

Ama Namin/Sapagkat:
Ama Namin/Sapagkat (Misa Antonio)
Allan Antonio

Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala.

Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya mo kami sa lahat ng masama

Sapagkat Iyo ang kaharian,
at ang kapangyarihan,
at ang kapurihan,
magpakailanman. Amen.

Kordero ng Diyos:
Kordero ng Diyos (Mass of Mercy & Compassion)
Manoling Francisco

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Agnus Dei, qui tollis
peccata mundi, dona nobis pacem.
dona nobis pacem,
dona nobis pacem.

Pakikinabang:
Salmo 23
Arnel Aquino, S.J.

Koro:
Ang Panginoon ang aking Pastol
Wala 'kong dapat ikapangambang anuman

Berso 1:
Luntiang pastulan, doon hihimlay
Malinaw na batis, pamatid uhaw
Sa tamang landas ako'y babanaagan
Kay tapat Niya sa akin

Koro:
Ang Panginoon ang aking Pastol
Wala 'kong dapat ikapangambang anuman

Berso 2:
Dilim at panganib, Siya ang papawi
Bisig Niya'y kapit, tatag ng dibdib
Ang hain Niya nga and sagana ng buhay
Tahanan ko'y Kanyang pag-ibig

Koro:
Ang Panginoon ang aking Pastol
Wala 'kong dapat ikapangambang anuman

Berso 3:
Dalangin ko lamang O Panginoon
at pagkabagabag ng kalooban
Kung piliin ko man maligaw ang pag-ibig
Tawagin mo at akayin pauwi

Koro:
Ang Panginoon ang aking Pastol
Wala 'kong dapat ikapangambang anuman

Pangwakas na Awit:
Humayo't Ihayag
Manoling Francisco

Humayo't ihayag (Purihin Siya!)
At ating ibunyag (Awitan Siya!)
Pagliligtas ng Diyos na sa krus ni Hesus
Ang Siyang sa mundo'y tumubos

Langit at lupa, Siya'y papurihan
Araw at tala, Siya'y parangalan
Ating 'pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
Aleluya

At isigaw sa lahat
Kalinga Niya'y wagas
Kayong dukha't salat
Pag-ibig Niya sa inyo at tapat

Halina't sumayaw (Buong bayan!)
Lukso sabay sigaw (Sanlibutan!)
Ang ngalan Niyang angkin singningning ng bituin
Liwanag ng Diyos sumaatin

Langit at lupa, Siya'y papurihan
Araw at tala, Siya'y parangalan
Ating 'pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan!
(Diyos sa tanan!)

Ating 'pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan!
Aleluya! Aleluya! Aleluya!

WAKAS