Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (K) - Linggo, Setyembre 21, 2025


INTROIT:
PAG-AALAALA
by Fr. Fruto Ll. Ramirez SJ from Mga Awitin sa Misang Pilipino

Koro:
Bayan, muling magtipon
Awitan ang Panginoon
Sa piging sariwain
Pagliligtas Niya sa atin

Berso 1:
Bayan ating alalahanin
Panahong tayo'y inalipin
Nang ngalan Niya'y ating sambitin
Paanong di tayo lingapin

Koro:
Bayan, muling magtipon
Awitan ang Panginoon
Sa piging sariwain
Pagliligtas Niya sa atin

Berso 2:
Bayan, walang sawang purihin
Ang Poon nating mahabagin
Bayan, isayaw ang damdamin
Kandili Niya'y ating awitin

Koro:
Bayan, muling magtipon
Awitan ang Panginoon
Sa piging sariwain
Pagliligtas Niya sa atin

Koda:
Sa piging sariwain
Pagliligtas Niya... sa atin

GLORIA:
PAPURI SA DIYOS (SOLEMNE)
by Jeffrey M. Miguel from Misa Solemne: Seasons, Vol. 2

Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
At sa lupa'y kapayapaan
Sa mga taong kinalulugdan Niya.

Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin
Sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin.

Pinasasalamatan ka namin
Dahil sa dakila Mong angking kapurihan.

Panginoong Diyos, Hari ng Langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat

Panginoong Hesukristo,
Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos,
Anak ng Ama.

Ikaw na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Ikaw na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Tanggapin mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.

Sapagkat Ikaw lamang ang banal
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang, O Hesukristo
ang kataas-taasan
Kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama,
amen, amen!

UNANG PAGBASA:
Amos 8, 4-7

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos

Pakinggan ninyo ito, kayong sumisikil sa nangangailangan at kayong umaapi sa mga dukha. Ang sabi ninyo sa inyong sarili, “Inip na inip na kaming matapos ang mga araw ng pamamahinga. Hindi tuloy namin maipagbili ang aming mga inani. Kailan ba matatapos ang Araw ng Pamamahinga, para mailako namin ang mga trigo? Tataasan namin ang halaga, gagamit kami ng maling takalan at dadayain namin sa timbang ang mga namimili. Sa halaga ng isang pares na sandalyas, aming bibilhin bilang alipin ang taong dukha. Pati tulyapis ng trigo ay ipagbibili namin sa mataas na halaga.”

Sumumpa ang Panginoon, ang Diyos ng Israel: “Hindi ko na maipatatawad ang masasama nilang gawa.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN:
Salmo 112, 1-2. 4-6. 7-8.

Purihin ang Poong Di-yos
na sa dukha’y nagtatampok.

Ang Poo’y purihin!
Dapat na magpuri ang mga alipin,
ang ngalan ng Poon ay dapat purihin.
Ang kanyang pangalan ay papurihan,
magmula ngayo’t magpakailanman.

Purihin ang Poong Di-yos
na sa dukha’y nagtatampok.

Siya’y naghahari sa lahat ng bansa,
lampas pa sa langit ang pagkadakila.
Walang makatulad ang Panginoong Diyos,
na sa kalangitan doon naluluklok;
buhat sa itaas siya’y tumutunghay,
ang lupa at langit kanyang minamasdan.

Purihin ang Poong Di-yos
na sa dukha’y nagtatampok.

Mula sa alabok ang mga mahirap,
sa pagkalugami ay itinataas.
Sa mga prinsipe ay isinasama,
nagiging prinsipe ang mga lingkod n’ya.

Purihin ang Poong Diyos
na sa dukha’y nagtatampok.

IKALAWANG PAGBASA:
1 Timoteo 2, 1-8

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal ko, una sa lahat, ipinakikiusap kong paabutin ninyo sa Diyos ang inyong kahilingan, panalangin, pamanhik, at pasasalamat para sa lahat ng tao. Gayun din ang gawin ninyo para sa mga hari at mga maykapangyarihan upang makapamuhay tayo nang tahimik at payapa, marangal at may kabanalan. Ito ang mabuti at nakalulugod sa Diyos na ating Tagapagligtas na ang ibig ay maligtas ang lahat ng tao at makaalam ng katotohanan. Sapagkat iisa ang Diyos at iisa ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Kristo Hesus na naghandog ng kanyang buhay upang tubusin ang lahat. Siya ang katunayan ng banal na layunin ng Diyos at nahayag sa takdang panahon. Dahil dito, ako’y hinirang na mangangaral, apostol at tagapagturo ng pananampalataya at ng katotohanang ito sa mga Hentil. Katotohanan ang sinasabi ko, hindi ako nagsisinungaling.

Ibig kong ang mga lalaki sa lahat ng dako’y manalanging may malinis na kalooban, walang hinanakit o galit sa kapwa.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA:
2 Corinto 8, 9; Chant Mass
Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay naging dukha
upang tayo’y managana
sa bigay n’yang pagpapala.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA:
Lucas 16, 1-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “May isang mayaman na may isang katiwala. Isinumbong sa kanya na nilulustay nito ang kanyang ari-arian. Kaya’t ipinatawag niya at tinanong: ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa inyo? Isulit mo sa akin ng buo ang pangangasiwa mo sa aking ari-arian pagkat mula ngayon ay hindi na ikaw ang katiwala ko.’ Nawika ng katiwala sa sarili, ‘Aalisin na ako ng aking panginoon sa pangangasiwa. Ano ang gagawin ko? Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. Ah, alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa, may tatanggap din sa akin sa kanilang tahanan.’ Isa-isa niya ngayong tinawag ang mga may utang sa kanyang panginoon. Tinanong niya ang una, ‘Gaano ang utang mo sa aking panginoon?’ Sumagot ito, ‘Sandaang tapayang langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t gawin mong limampu,’ sabi ng katiwala. At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Sandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ wika niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ Pinuri ng panginoon ang magdarayang katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos.”

At nagpatuloy si Hesus ng pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo: gamitin ninyo sa pakikipagkaibigan ang kayamanan ng sanlibutang ito. Maubos man ito’y may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan. Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang magdaraya sa maliit na bagay ay magdaraya rin sa malaking bagay. Kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa mga kayamanan ng sanlibutang ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?

“Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo mapaglilingkuran nang sabay ang Diyos at ang kayamanan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya; Lucas 16, 10-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang magdaraya sa maliit na bagay ay magdaraya rin sa malaking bagay. Kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa mga kayamanan ng sanlibutang ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?

“Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo mapaglilingkuran nang sabay ang Diyos at ang kayamanan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

OFFERTORIUM:
ALAY
by Nez Marcelo from The Fifth Gospel, Book 3

Berso 1:
Narito, Panginoon
mga alay naming taglay
Nawa ito'y karapat-dapat
sa kabanalanan mo

Berso 2:
Tanggapin mo, Panginoon
mga gawa ng aming kamay
Ang bunga ng pag-ibig mo
Dugo at katawan

Koro:
Kapuri-puri ka, O Diyos
na lumikha sa'ming lubos
Mula sa kabutihan mo
ang alak at tinapay
ngayo'y aming alay

Dahil sa pag-ibig mo
kami ngayon ay narito
Buklod-buklod nawa kaming
maglingkod sa Iyo

...

Berso 1:
Narito, Panginoon
mga alay naming taglay
Nawa ito'y karapat-dapat
sa kabanalanan mo

Berso 2:
Tanggapin mo, Panginoon
mga gawa ng aming kamay
Ang bunga ng pag-ibig mo
Dugo at katawan

Koro:
Kapuri-puri ka, O Diyos
na lumikha sa'ming lubos
Mula sa kabutihan mo
ang alak at tinapay
ngayo'y aming alay

Koda:
ang alak at tinapay
ngayo'y aming alay

SANCTUS:
SANTO (MISA ANTONIO)
by Allan Antonio from Misa Antonio

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo

Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito
sa Ngalan ng Panginoon

Osana sa kaitaasan!

MYSTERIUM FIDEI:
AMING IPINAHAHAYAG (MISA ANTONIO)
by Allan Antonio from Misa Antonio

Aming ipinahahayag
na namatay ang 'yong Anak
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat!

GRAN AMEN:
GREAT AMEN
by Arnel dC Aquino, S.J.

Amen, amen, amen
Amen, amen, amen

PATER NOSTER:
AMA NAMIN/SAPAGKAT
by Allan Antonio from Misa Antonio

Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang Ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit

Bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala

Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya mo kami sa lahat ng masama

Sapagkat Iyo ang kaharian,
at ang kapangyarihan,
at ang kapurihan,
magpakailanman, amen.

AGNUS DEI:
KORDERO NG DIYOS
by Allan Antonio from Misa Antonio

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

COMMUNIO:
SA DIYOS LAMANG MAPAPANATAG
by Fr. Danilo B. Isidro SJ; Fr. Nemesio Que SJ from The Best of Himig Heswita

Koro: 2x
Sa Diyos lamang mapapanatag
Ang aking kaluluwa
Sa Kanya nagmumula
Ang aking pag-asa at kaligtasan

Berso 1:
O Diyos, Ikaw ang aking kaligtasan
Nasa 'Yo aking kal'walhatian
Ikaw lamang aking inaasahan
Ang aking moog at tanggulan

Koro:
Sa Diyos lamang mapapanatag
Ang aking kaluluwa
Sa Kanya nagmumula
Ang aking pag-asa at kaligtasan

Berso 2:
Paniniil, 'di ko pananaligan
Puso'y 'di ihihilig sa yaman
Kundi sa Diyos na makapangyarihan
Na aking lakas at takbuhan

Koro:
Sa Diyos lamang mapapanatag
Ang aking kaluluwa
Sa Kanya nagmumula
Ang aking pag-asa at kaligtasan

Berso 3:
Poon, Ika'y puno ng kabutihan
Pastol Kang nagmamahal sa kawan
Inaakay sa luntiang pastulan
Tupa'y hanap Mo kung mawaglit man

Koro: 2x
Sa Diyos lamang mapapanatag
Ang aking kaluluwa
Sa Kanya nagmumula
Ang aking pag-asa at kaligtasan

RECESSIO:
AWIT NG PAGLAYA
by Ding Honrada; Bobby Titco from Mga Awitin sa Misang Pilipino

Koro:
Dinggin himig ng bayang malaya,
Awit ng papuri’t pasasalamat
Ang Panginoon ng ating paglaya
Muling nagpatunay ng pag-ibig Niya.

Berso 1:
Nakita ng Panginoon
Hirap ng Kanyang bayan
 Mga kaaway Kanyang nilupig
Kanyang iniligtas itong ating bayan.

Koro:
Dinggin himig ng bayang malaya,
Awit ng papuri’t pasasalamat
Ang Panginoon ng ating paglaya
Muling nagpatunay ng pag-ibig Niya.

Berso 2:
Halina at magsilapit,
papurihan sa awit
Ang Panginoon, Diyos ng pag-ibig,
Magalak sa Kanya at tayo'y umawit

Koro:
Dinggin himig ng bayang malaya,
Awit ng papuri’t pasasalamat
Ang Panginoon ng ating paglaya
Muling nagpatunay ng pag-ibig Niya.

==WAKAS==