Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal - Linggo, Setyembre 14, 2025

   

INTROIT:
KRUS NG ATING KALIGTASAN
by Ferdinand Bautista from Mga Awiting Pansamba

Koro:
Krus ng ating kaligtasan,
dapat nating ikarangal
Sagisag ng kalayaan
at ng muling pagkabuhay
ni Hesus na aming mahal.

Berso 1:
Kapag Ako'y naitaas
aakitin Ko ang lahat
nang sa Akin ay makaharap
upang sila ay maligtas

Koro:
Krus ng ating kaligtasan,
dapat nating ikarangal
Sagisag ng kalayaan
at ng muling pagkabuhay
ni Hesus na aming mahal.

GLORIA:
PAPURI SA DIYOS
by Jeffrey Miguel from Solemne: Seasons, Vol. 2

Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
At sa lupa'y kapayapaan
Sa mga taong kinalulugdan Niya.

Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin
Sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin.

Pinasasalamatan ka namin
Dahil sa dakila mong angking kapurihan.

Panginoong Diyos,
Hari ng Langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.

Panginoong Hesukristo,
Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos,
Anak ng Ama.

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.

Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
maawa ka sa amin.

Sapagkat Ikaw lamang ang banal
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang, O Hesukristo
ang kataas-taasan
Kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama,
Amen, amen!

UNANG PAGBASA:
Mga Bilang 21, 4b-9

Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang

Noong mga araw na iyon, nainip ang mga tao sa pasikut-sikot na paglalakbay. Nagreklamo sila kay Moises, “Inialis mo ba kami sa Egipto para patayin sa ilang na ito? Wala kaming makain ni mainom! Sawa na kami sa walang kuwentang pagkaing ito.” Dahil dito, sila’y pinadalhan ng Panginoon ng makamandag na ahas at sinumang matuka nito ay namamatay. Kaya lumapit sila kay Moises. Sinabi nila, “Nagkasala kami sa Panginoon at sa iyo. Idalangin mo sa kanyang paalisin ang mga ahas na ito.” Dumalangin nga si Moises at ganito ang sagot sa kanya ng Panginoon, “Gumawa ka ng isang ahas na tanso. Ilagay mo iyon sa dulo ng isang tikin at sinumang natuklaw ng ahas na tumingin doon ay hindi mamamatay.” Gayun nga ang ginawa ni Moises. Mula noon, lahat ng matuklaw ng ahas ngunit tumingin sa ahas na tanso ay hindi namamatay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN:
Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Kaya ngayon ay makinig sa turo ko, mga anak,
inyong dinggi’t ulinigin, salita kong binibigkas;
itong aking sasabihin ay bagay na talinhaga,
nangyari pa noong una, kaya ito’y mahiwaga.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Datapwat noong sila’y lilipulin na ng Diyos,
nagsisi ang karamiha’t sa kanya’y nagbalik-loob.
Noon nila nagunitang ang sanggalang nila’y ang Diyos.
Ang Kataas-taasang Diyos ay kanilang Manunubos.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Kaya’t siya'y pinuri, papuring hindi tapat,
pagkat yao’y pakunwari’t balat-kayong matatawag.
Sa kanilang mga puso, naghahari’y kataksilan,
hindi sila nagtatapat sa ginawa niyang tipan.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Gayun pa man, palibhasa’y Diyos siyang mahabagin
ang masamang gawa nila’y pinatawad niyang tambing;
dahilan sa pag-ibig n’ya’y hindi sila wawasakin,
kung siya ma’y nagagalit, ito’y kanyang pinipigil.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

IKALAWANG PAGBASA:
Filipos 2, 6-11

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Si Kristo Hesus, bagamat siya’y Diyos ay hindi nagpilit na mantiling kapantay ng Diyos.

Bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin.

Nang maging tao, siya’y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan. Oo, hanggang kamatayan sa krus.

Kaya naman, siya’y itinampok ng diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.

Anupa’t ang lahat ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, nasa ilalim ng lupa ay maninikluhod at sasamba sa kanya.

At ipapahayag ng lahat na si Hesukristo ang Panginoon, sa ikararangal ng Diyos Ama.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA:
Chant Mass

Aleluya! Aleluya!
Kami’y sumasamba sa’yo
at gumagalang sa krus mo
na kaligtasan ng mundo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA:
Juan 3, 13-17

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus kay Nicodemo, “Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa langit — ang Anak ng Tao.”

At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayun din naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

OFFERTORIUM:
PAGGUGUNITA
by Allan Antonio from Misa Antonio

Koro:
Aming alay sa ‘Yo, Panginoon
Ang tinapay at alak na Iyong kaloob
Upang gunitain ang ‘Yong buhay na inialay
Nang tayo'y magdiwang bilang isang sambayanan

Berso 1:
Ang tinapay, ito ang Iyong laman,
At ang alak, ito ang Iyong dugo
Laman Mo'y inahain upang lahat ay buhayin
Dugo Mo ang dumanak nang lahat ay mapatawad

Koro:
Aming alay sa ‘Yo, Panginoon
Ang tinapay at alak na Iyong kaloob
Upang gunitain ang ‘Yong buhay na inialay
Nang tayo'y magdiwang bilang isang sambayanan

Berso 2:
Hinirang na ina ang mahal na Birheng Maria
Una Mong luklukan ang kanyang sinapupunan
Sa aming pagtanggap sa Iyo, Ikaw nawa ay manahan
Sa aming mga puso nang lumago sa kabanalan

Koro:
Aming alay sa ‘Yo, Panginoon
Ang tinapay at alak na Iyong kaloob
Upang gunitain ang ‘Yong buhay na inialay
Nang tayo'y magdiwang bilang isang sambayanan

Koda:
Nang tayo'y magdiwang
bilang isang sambayanan

SANCTUS:
SANTO
by Allan Antonio from Misa Antonio

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo

Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito
sa Ngalan ng Panginoon

Osana sa kaitaasan!

MYSTERIUM FIDEI:
AMING IPINAHAHAYAG
by Allan Antonio from Misa Antonio

Aming ipinahahayag
na namatay ang 'yong Anak
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat!

GRAN AMEN:
GREAT AMEN
by Arnel dC Aquino, S.J.

Amen, amen, amen
Amen, amen, amen

PATER NOSTER:
AMA NAMIN/SAPAGKAT
by Allan Antonio from Misa Antonio

Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang Ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit

Bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala

Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya mo kami sa lahat ng masama

Sapagkat Iyo ang kaharian,
at ang kapangyarihan,
at ang kapurihan,
magpakailanman, amen.

AGNUS DEI:
KORDERO NG DIYOS
by Allan Antonio from Misa Antonio

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

COMMUNIO opt. 1:
KUNG 'YONG NANAISIN
by Manoling Francisco, S.J. from Tinapay ng Buhay

Berso 1:
Kung 'Yong nanaisin, aking aakuin
At babalikatin ang krus Mong pasanin

Berso 2:
Kung 'Yong iibigin, iputong sa akin
Koronang inangkin, pantubos sa amin

Koro:
Kung pipiliin, abang alipin
Sabay tahakin, krus na landasin
Galak ay akin, hapis ay 'di pansin
Ang 'Yong naisin, siyang susundin

Berso 3:
Kung 'Yong hahangarin, Kita'y aaliwin
At kakalingain, lumbay papawiin

Koro:
Kung pipiliin, abang alipin
Sabay tahakin, krus na landasin
Galak ay akin, hapis ay 'di pansin
Ang 'Yong naisin, siyang susundin

COMMUNIO opt. 2:
IF I COULD TOUCH YOU
by Manoling Francisco, S.J. from Your Dwelling Place, Songs for Healing

Verse 1:
If I could touch You, I'd heal Your broken palms
If I could hold You in my arms
I'd call the soft breeze to caress Your weary arms
I'd call the moonbeam to dispel this darkest night
If I could touch You, I would

Verse 2:
If I could hear You, Your words of anguish
If You'd just whisper in my ear
The sadness weighing down Your heart that no man sees
If You'd just call me, I would sing of flaming hope
If I could hear You, I would

Refrain:
Long have I waited for you to hear My cry
Long have I waited for you to answer My plea
What you do to you brethren You do it for Me
I am in the brokenness and woundedness of man

Counterpart:
Yes, you can touch Me
I'm in the least of your brethren
I'm in the weak and small
I need your hands to bear My weary arms
I need your touch to heal My wounded palms.
Yes, you can touch Me
Yes, you can hear Me

RECESSIO:
Purihi't Pasalamatan
by Eduardo Hontiveros, S.J. from Purihi’t Pasalamatan (Mga Piling Awitin Ni Fr. Honti Handog Ng Himig Heswita)

Koro:
Purihi't pasalamatan sa masayang awit
Purihin natin at pasalamatan ang Diyos ng pag-ibig

Berso 2:
Salamat din kay Kristo sa Kan'yang halimbawa
At sa buhay N'yang inialay, sa ating kaligtasan

Koro:
Purihi't pasalamatan sa masayang awit
Purihin natin at pasalamatan ang Diyos ng pag-ibig

==WAKAS==