INTROIT:
Blessed Are You/Mapapalad Kayo
by Ricky Manalo CSP & Jesse Manibusan
Blessed Are You/Mapapalad Kayo
by Ricky Manalo CSP & Jesse Manibusan
from In the Sight of the Angels
Verse 1:
Blessed are you who are poor,
poor in spirit,
rejoice and be glad!
Yours is the kingdom of heaven.
Magsaya at magalak!
Refrain:
Blessed are you! Mapapalad kayo!
Blessed are you! Mapapalad kayo!
Mapapalad kayo!
Mapapalad kayo!
UNANG PAGBASA:
Colosas 3, 1-11
Colosas 3, 1-11
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas
Mga kapatid, binuhay kayong muli, kasama ni Kristo, kaya’t ang pagsumikatan ninyo ay ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Kristo na nakaupo sa kanan ng Diyos. Isaisip ninyo ang mga bagay na panlangit, hindi ang mga bagay na panlupa, sapagkat namatay na kayo at ang tunay na buhay ninyo’y natatago sa Diyos, kasama ni Kristo. Si Kristo ang tunay na buhay ninyo, at pag siya’y nahayag, mahahayag din kayong kasama niya at makakahati sa kanyang karangalan.
Kaya’t dapat nang mawala sa inyo ang mga pitang makalaman: pangangalunya, kahalayan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masasamang nasa, at ang pag-iimbot na isang uri ng pagsama sa diyus-diyusan. Dahil sa mga bagay na ito, ang Diyos ay napopoot sa mga taong lumalabag sa kanyang kalooban. Noong una, nang pinaghaharian pa kayo ng masasamang pita, namuhay rin kayong kasama-sama ng mga taong gumagawa niyon.
Ngunit ngayon, itakwil ninyo ang lahat ng ito: galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panunungayaw, at malaswang pananalita. Huwag kayong magsisinungaling sa isa’t isa yamang hinubad na ninyo ang dating pagkatao pati ng mga gawa nito at nagbihis na ng bagong pagkatao. Patuloy itong nababago ayon sa larawan ng Diyos na lumikha sa inyo, upang maging ganap ang inyong kaalaman tungkol sa kanya. Kaya’t wala nang pagkakaiba ang Griego at ang Judio, ang tuli at ang di tuli, ang dayuhan at ang mabangis na tao, ang alipin at ang malaya. Kay Kristo, walang pagkakaiba ang lahat at siya’y sumasalahat.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN:
Salmo 144, 2-3. 10-11. 12-13ab
Ang Diyos ay mapagmahal,
tana’y pinauunlakan.
Pupurihin ko’t pasasalamatan ang Diyos araw-araw,
di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.
Dakila ang Poon, at karapat-dapat na siya’y purihin;
ang kadakilaan niya ay mahirap nating unawain.
Ang Diyos ay mapagmahal,
tana’y pinauunlakan.
Magpupuring lahat sa iyo, O Poon, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
at ibabalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.
Ang Diyos ay mapagmahal,
tana’y pinauunlakan.
Dakila mong gawa’y upang matalastas ng lahat ng tao,
mababatid nila ang kadakilaan ng paghihirap mo.
Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan, hindi magbabago.
Ang Diyos ay mapagmahal,
tana’y pinauunlakan.
ALELUYA (Chant Mass)
Lucas 6, 23ab
Lucas 6, 23ab
Aleluya! Aleluya!
Magalak kayo’t magdiwang
malaki ang nakalaang
gantimpala ninyong tanan.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA:
Lucas 6, 20-26
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, tumingin si Hesus sa mga alagad, at kanyang sinabi,
“Mapalad kayong mga dukha, sapagkat ang Diyos ang maghahari sa inyo!”
“Mapalad kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo’y bubusigin!”
“Mapalad kayong mga tumatangis ngayon, sapagkat kayo’y magagalak!”
“Mapalad kayo kung dahil sa Anak ng Tao kayo’y kinapopootan, ipinagtatabuyan at inaalimura ng mga tao, at pati ang inyong pangalan ay kinasusuklaman. Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung ito’y mangyari, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit — gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.”
“Ngunit sa aba ninyong mayayaman ngayon, sapagkat nagtamasa na kayo ng kaginhawahan!”
“Sa aba ninyong mga busog ngayon, sapagkat kayo’y magugutom!”
“Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon, sapagkat kayo’y magdadalamhati at magsisitangis!”
“Sa aba ninyo, kung kayo’y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
OFFERTORIUM:
Alay
by Nez Marcelo
by Nez Marcelo
from The Fifth Gospel, Book 3
Berso 1:
Narito, Panginoon
mga alay naming taglay
Nawa ito'y karapat-dapat
sa kabanalanan mo
Tanggapin mo, Panginoon
mga gawa ng aming kamay
Ang bunga ng pag-ibig mo
Dugo at katawan
Koro:
Kapuri-puri ka, O Diyos
na lumikha sa'ming lubos
Mula sa kabutihan mo
ang alak at tinapay
ngayo'y aming alay
Dahil sa pag-ibig mo
kami ngayon ay narito
Buklod-buklod nawa kaming
maglingkod sa Iyo
(hu....)
Berso 1:
Narito, Panginoon
mga alay naming taglay
Nawa ito'y karapat-dapat
sa kabanalanan mo
Tanggapin mo, Panginoon
mga gawa ng aming kamay
Ang bunga ng pag-ibig mo
Dugo at katawan
Koro:
Kapuri-puri ka, O Diyos
na lumikha sa'ming lubos
Mula sa kabutihan mo
ang alak at tinapay
ngayo'y aming---- a--lay
Koda:
ang alak at tinapay
ngayo'y aming---- a--lay
SANCTUS:
Santo
by Allan Antonio
Santo
by Allan Antonio
from Misa Antonio
Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
sa Ngalan ng Panginoon
Osana sa kaitaasan!
MYSTERIUM FIDEI:
Aming Ipinahahayag
by Allan Antonio
Aming Ipinahahayag
by Allan Antonio
from Misa Antonio
Aming ipinahahayag
na namatay ang 'yong Anak
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat!
GRAN AMEN:
Amen
by Arnel dC Aquino, S.J.
Amen
by Arnel dC Aquino, S.J.
Amen, amen, amen
Amen, amen, amen
PATER NOSTER:
Ama Namin/Sapagkat
by Allan Antonio
Ama Namin/Sapagkat
by Allan Antonio
from Misa Antonio
Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang Ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya mo kami sa lahat ng masama
Sapagkat Iyo ang kaharian,
at ang kapangyarihan,
at ang kapurihan,
magpakailanman, amen.
AGNUS DEI:
Kordero ng Diyos
by Allan Antonio
Kordero ng Diyos
by Allan Antonio
from Misa Antonio
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
COMMUNIO:
Mga Punong Kabanalan
by Fr. Romerico Prieto
Mga Punong Kabanalan
by Fr. Romerico Prieto
Berso 1:
Mapapalad ang umiibig
sa buhay na aba
Sila'y makakasama
sa langit ng Ama
Koro:
Hesus, ako'y di dapat
sa 'Yo ay tumanggap,
Ngunit sa salita Mo
ay gagaling na ako.
Berso 2:
Mapapalad ang nahahapis
ang D'yos ang S'yang aliw,
Ligaya at liwanag
ang s'yang makakamtan.
Koro:
Hesus, ako'y di dapat
sa 'Yo ay tumanggap,
Ngunit sa salita Mo
ay gagaling na ako.
Berso 3:
Mapapalad ang naaawa
sa taong dalita,
Sila'y kakaawaan
at tutulungan N'ya.
Koro:
Hesus, ako'y di dapat
sa 'Yo ay tumanggap,
Ngunit sa salita Mo
ay gagaling na ako.
Berso 4:
Mapapalad ang umiibig,
sa galit ng iba,
Sila'y magtatagumpay
at di mabibigo.
Koro:
Hesus, ako'y di dapat
sa 'Yo ay tumanggap,
Ngunit sa salita Mo
ay gagaling na ako.
Berso 5:
Mapapalad ang umiibig,
masunurin sa D'yos,
Makakamtan ang nais
kay Kristong tumubos.
Koro:
Hesus, ako'y di dapat
sa 'Yo ay tumanggap,
Ngunit sa salita Mo
ay gagaling na ako.
Berso 6:
Mapapalad ang tumatangis,
sila'y magagalak.
Mapalad ang nagugutom
Ama ang bubusog.
Koro:
Hesus, ako'y di dapat
sa 'Yo ay tumanggap,
Ngunit sa salita Mo
ay gagaling na ako.
Berso 7:
Mapapalad ang inuusig
ng dahil kay Hesus,
Ang langit at biyaya
makakamtang lubos.
Koro:
Hesus, ako'y di dapat
sa 'Yo ay tumanggap,
Ngunit sa salita Mo
ay gagaling na ako.
Berso 8:
Mapapalad ang umiibig
sa kapwa at sa D'yos,
Habilin 'to ni Kristo
sa ati'y tumubos.
Koro:
Hesus, ako'y di dapat
sa 'Yo ay tumanggap,
Ngunit sa salita Mo
ay gagaling na ako.
RECESSIO:
Mapapalad
by Fruto L.I. Ramirez, S.J.
Mapapalad
by Fruto L.I. Ramirez, S.J.
Berso 1:
Mapapalad kayong mahihirap,
ang kaharian ng D'yos sa inyo
Mapapalad kayong nagugutom,
sapagkat bubusugin kayo
Mapapalad kayong nahahapis,
sapagkat aaliwin kayo
Mapapalad, Panginoon,
ang abang katulad Mo
Berso 2:
Mapapalad kayong maaawain,
kaaawaan kayo ng Diyos
Mapapalad kayong tumatangis,
sapagkat liligaya kayo
Mapapalad kayong inuusig,
maghahari ang D'yos sa inyo
Mapapalad, Panginoon,
ang abang katulad Mo
Mapapalad, Panginoon,
ang abang katulad Mo
==WAKAS==