Ikalawang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (A) - Linggo, Disyembre 7, 2025

Ikalawang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (A)
Linggo, Disyembre 7, 2025

Isaias 11, 1-10
Salmo 71, 2. 7-8. 12-13. 17

Mabubuhay S’yang marangal
at sasagana kailanman.

Roma 15, 4-9
Mateo 3, 1-12

INTROIT:
Ang Panginoon ay Darating (Misa Delgado 3)
Lester Delgado

Koro:
Ang Panginoon ay darating
Ang pag-ibig Niya ay magniningning
Sa harap ng altar kami'y lumalapit
Umaawit ng masayang papuri

Berso 1:
Buksan ang kandila ng buhay
Ang liwanag sa paghihintay
Sa pagdating ni Hesus nawa'y pagpalain
Ito ang aming dalangin

Koro:
Ang Panginoon ay darating
Ang pag-ibig Niya ay magniningning
Sa harap ng altar kami'y lumalapit
Umaawit ng masayang papuri

Koda:
Sa harap ng altar kami'y lumalapit
Umaawit ng masayang papuri

LIGHTING OF THE ADVENT CANDLE:
Halina, Emmanuel (Misa Delgado 3)
Lester Delgado

Halina, Emmanuel
Gabay ng aming buhay
Sindihan ng kandila ng altar
Sagisag ng paghihintay

UNANG PAGBASA:
Isaias 11, 1-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sa araw na iyon:
Sa lahi ni Jesse ay lilitaw ang isang hari,
tulad ng supling mula sa isang tuod.
Mananahan sa kanya ang espiritu ng Panginoon,
bibigyan siya ng katalinuhan at pagkaunawa,
ng kaalaman at kapangyarihan,
ng karunungan at takot sa Panginoon.
Kagalakan niya ang tumalima sa Panginoon.
Hindi siya hahatol ayon sa nakikita
o batay sa narinig sa iba.

Bibigyan niya ng katarungan ang mga dukha,
ipagtatanggol ang karapatan ng mga kawawa.
Ang salita niya’y parang tungkod na ipapalo sa malulupit.

Ang hatol niya’y kamatayan sa masasama.
Katarungan at katapatan ang paiiralin niya sa kanyang pamamahala.
Maninirahan ang asong-gubat sa piling ng kordero,
Matutulog ang leopardo sa tabi ng batang kambing,
magsasama ang guya at ang batang leon,
at ang mag-aalaga sa kanila’y batang paslit.
Ang baka at ang oso’y magkasamang manginginain,
ang mga anak nila’y magkakatabing matutulog,
kakain ng damo ang leon na animo’y toro.
Maglalaro ang batang pasusuhin sa tabi ng lungga ng ahas,
hindi maaano ang bata kahit laruin ang ulupong.
Walang mananakit o mamiminsala
sa nasasaklaw ng banal na bundok;
sapagkat kung paanong puno ng tubig ang karagatan,
laganap sa buong lupain ang pagkakilala sa Panginoon.

Sa araw na iyon, isisilang ang hari mula sa lahi ni Jesse,
ang magiging palatandaan para sa mga bansa.
Ang mga baya’y tutungo sa banal na lungsod upang parangalan siya,
at magiging maningning ang kanyang luklukan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN:
Salmo 71, 2. 7-8. 12-13. 17

Mabubuhay S’yang marangal
at sasagana kailanman.

Turuan ang haring humatol ng katuwiran,
sa'yong katarungan, / O Diyos, s'ya'y bahaginan;
upang s'ya ay maging / tapat sa ‘yong bayan;
pati sa mahihirap / maging tapat siyang tunay.

Mabubuhay S’yang marangal
at sasagana kailanman.

Ang buhay na mat’wid / sa kanyang kapanahunan,
madama ng bansa / at lumago habang buhay.
kanyang kaharia'y / palawak nang palawak,
mula sa Ilog Eufrates, / sa daigdig ay kakalat.

Mabubuhay S’yang marangal
at sasagana kailanman.

Kanyang ililigtas, / sinumang tumatawag,
lalo yaong nalimot, / taong mahihirap;
sa tulad nila'y / siya’y nahahabag;
kanyang tinutulungan, / nang sila ay maligtas.

Mabubuhay S’yang marangal
at sasagana kailanman.

Nawa yaong ngalan N'ya, / h'wag malimutan
laging manatiling / bantog gaya nitong araw;
nawa S'ya'y purihin / ng lahat ng bansa,
at sila sa Diyos / lahat dumadalanging:
“Loobing pagpalain, / tulad n'yang pinagpala.”

Mabubuhay S’yang marangal
at sasagana kailanman.

IKALAWANG PAGBASA:
Roma 15, 4-9

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid:
Anumang nasa Kasulatan noon pang una ay nasulat sa ikatututo natin, sapagkat lumalakas ang ating loob at nagkakaroon ng pag-asa kapag binabasa natin ang mga aral na matatagpuan dito. Loobin nawa ng Diyos na nagpapatatag at nagpapalakas ng loob, na mamuhay kayong may pagkakaisa kay Kristo Hesus. Sa gayun, sama-sama kayong magpuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesukristo.

Kung paanong kayo’y malugod na tinanggap ni Kristo, gayun din ang gawin ninyo sa isa’t isa upang maparangalan ninyo ang Diyos. Sinasabi ko sa inyo: si Kristo’y naging lingkod ng mga Judio upang ipakilala na tapat ang Diyos at tinutupad ang mga pangako niya sa mga patriyarka, at ang mga Hentil nama’y magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habang. Ayon sa sinasabi ng Kasulatan, “Kaya’t papupurihan kita sa harapan ng mga Hentil, at aawitan ko ang iyong pangalan.”

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA:
Lucas 3, 4. 6;
Misa de la Reina

Aleluya! Aleluya!

Daan ng Poon nar’yan na
t’wiri’t ihanda sa kanya.
Pagtubos n’ya’y makikita.

Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA:
Mateo 3, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahaong iyon, si Juan Bautista’y dumating sa ilang ng Judea at nagsimulang mangaral. Sinabi niya, “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan, sapagkat malapit nang maghari ang Diyos!” Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin nito,

“Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!”

Hinabing balahibo ng kamelyo ang damit ni Juan, at balat ang kanyang pamigkis. Ang kanya namang pagkai’y balang at pulot-pukyutan. At pumunta sa kanya ang mga taga-Jerusalem, taga-Judea, at mga naninirahan sa magkabilang panig ng Jordan. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan, at sila’y bininyagan ni Juan sa Ilog Jordan.

Ngunit nang makita niyang marami sa mga Pariseo at mga Saduseo ang lumalapit upang pabinyag, sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas sa parusang darating? Ipakilala ninyo sa pamamagitan ng inyong pamumuhay na kayo’y nagsisisi. At huwag ninyong ipangahas na kayo’y anak ni Abraham. Sinasabi ko sa inyo: Ang Diyos ay makalilikha ng mga tunay na anak ni Abraham mula sa mga batong ito. Ngayon pa’y nakaamba na ang palakol sa ugat ng punungkahoy; ang bawat punungkahoy na hindi mabuti ang bunga ay puputulin at ihahagis sa apoy. Binibinyagan ko kayo sa tubig bilang tanda ng pagsisisi ninyo’t pagtalikod sa inyong mga kasalanan; ngunit ang dumarating na kasunod ko ang magbibinyag sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy. Siya’y makapangyarihan kaysa akin, hindi ako karapat-dapat kahit tagadala ng kanyang panyapak. Hawak niya ang kanyang kalaykay upang alisin ang dayami. Titipunin niya sa kamalig ang trigo, ngunit ang ipa’y susunugin sa apoy na di mamamatay kailanman.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

OFFERTORIUM:
Panginoon, Aming Handog
Ferdinand Bautista

Koro:
Panginoon, aming handog ang tinapay at alak,
alay ng bayang umaasa sa pagdating Mo,
gayun din aming hinahanda ang aming puso
upang dito’y manahan ka sa pagdating Mo.

Berso 1:
Ang ulilang lupaing malaon nang tigang
ay muling magsasaya!
Mananariwa’t mamumulaklak ang ilang
at ito’y aawit sa tuwa!

Koro:
Panginoon, aming handog ang tinapay at alak,
alay ng bayang umaasa sa pagdating Mo,
gayun din aming hinahanda ang aming puso
upang dito’y manahan ka sa pagdating Mo.

Berso 2:
“Huwag kang matakot, lakasan ang loob,
darating na ang Panginoong Diyos
at ililigtas ka sa kamay ng mga kaaway!

Koro:
Panginoon, aming handog ang tinapay at alak,
alay ng bayang umaasa sa pagdating Mo,
gayun din aming hinahanda ang aming puso
upang dito’y manahan ka sa pagdating Mo.

SANCTUS:
Santo (Misa de la Reina)
Elliot Jerome Eustacio

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo

Osana sa kaitaasan!
Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito
sa Ngalan ng Panginoon

Osana sa kaitaasan!
Osana sa kaitaasan!

MYSTERIUM FIDEI:
Sa Krus Mo at Pagkabuhay (Misa de la Reina)
Elliot Jerome Eustacio

Sa Krus Mo at pagkabuhay
kami'y natubos Mong tunay
Poong Hesus naming mahal
Iligtas Mo kaming tanan
Ngayon at magpakailanman!

GRAN AMEN:
Dakilang Amen (Misa Delgado 3)
Lester Delgado

Amen, amen, amen

PATER NOSTER:
Ama Namin/Sapagkat (Sa Iyong Tahanan)
John Paul Morales

Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala

Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya mo kami sa lahat ng masama

Sapagkat Iyo ang kaharian,
at ang kapangyarihan,
at ang kapurihan,
magpakailanman! Amen.

AGNUS DEI:
Kordero ng Diyos
Arnel Aquino, S.J.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

COMMUNIO:
Sa Kanyang Pagdating (Misa Delgado 3)
Lester Delgado

Berso 1:
Mula sa ating paggising
May liwanag na magniningning
Nadarama sa ihip ng hangin
Hudyat ng kanyang pagdating.

Koro:
Sa Kanyang pagdating
Liwanag Niya’y magniningning
Ililigtas ang buhay natin

 Sa Kanyang pagdating  
Pag-ibig Niya’y makakamtan
 Kaligtasa’y naghihintay
at pag-asang walang hanggan
Nagagalak sa Kanyang pagdating

Berso 2
Mula sa ating paggising
May liwanag na magniningning
Nadarama sa ihip ng hangin
Hudyat ng Kanyang pagdating.

Berso 3:
Ihanda ang ating sarili
Kaligtasan nawa’y makamit
Nagagalak kaming nagpupuri
Pasasalamat sa Kanyang paghahari

Koro:
Sa Kanyang pagdating
Liwanag Niya’y magniningning
Ililigtas ang buhay natin

 Sa Kanyang pagdating  
Pag-ibig Niya’y makakamtan
 Kaligtasa’y naghihintay
at pag-asang walang hanggan
Nagagalak sa Kanyang pagdating

Koda:
Nagagalak sa Kanyang pagdating

RECESSIO:
Humayo at Ibalita
Alejandro Consolacion II

Humayo at ibalita
Ang Diyos ay darating!
Ang dulot Niya ay pag-asang
laging magniningning

Manalig at magtiwala
na ating kakamtin;
Handog Niyang kaligtasan
at sa sala'y tubusin.

Purihin ang Diyos!
Purihin ang Diyos!
Ang Diyos, ating Hari
ating Manunubos

WAKAS