Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sanggol (A) - Linggo, Enero 18, 2026

  Kapistahan ng Panginoong Hesus,
Ang Banal na Sanggol (A)

Linggo, Enero 18, 2026

Isaias 9, 1-6
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6

Kahit saa’y namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.

Efeso 1, 3-6. 15-18
Mateo 18, 1-5. 10


INTROIT:
Purihin Si Hesus! Viva Pit Señor!
Bill Kevin Del Rosario

Koro:
Purihin si Hesus, Anak ng Ama
Viva, Viva Pit Senyor!
Viva Senyor Santo Niño

Berso 1:
Batang bigay ng kalangitan,
kami'y iyong gabayan
Pag-ibig Mong walang humpay,
ipakita sa sambayanan

Koro:
Purihin si Hesus, Anak ng Ama
Viva, Viva Pit Senyor!
Viva Senyor Santo Niño

Berso 2:
Batang bigay ng kalangitan,
kami'y Iyong pakinggan
kahilingan nami't pita,
igawad sa sambayanan.

Koro:
Purihin si Hesus, Anak ng Ama
Viva, Viva Pit Senyor!
Viva Senyor Santo Niño

Berso 3:
Batang bigay ng kalangitan,
kami ay ipagsanggalang
Sa sakuna't kalamidad,
iadya ng 'Yong pagmamahal

Koro:
Purihin si Hesus, Anak ng Ama
Viva, Viva Pit Senyor!
Viva Senyor Santo Niño

Berso 4:
Batang bigay ng kalangitan,
kami ay laging ingatan
Sa salot at karamdaman,
bigyang lunas at kagalingan

Koro:
Purihin si Hesus, Anak ng Ama
Viva, Viva Pit Senyor!
Viva Senyor Santo Niño
GLORIA:
Papuri sa Diyos (Solemne)
Jeffrey Ray Miguel

Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
At sa lupa'y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdan Niya.

Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin,

Pinasasalamatan ka namin
dahil sa dakila Mong angking kapurihan.

Panginoong Diyos, Hari ng langit.
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak.
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.

Sapagkat Ikaw lamang ang banal.
Ikaw lamang ang Panginoon.
Ikaw lamang, O Hesukristo ang kataas-taasan.
Kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama.
Amen!

UNANG PAGBASA:
Isaias 9, 1-6

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Nakatanaw ng isang malaking liwanag
ang bayang malaon nang nasa kadiliman,
namanaag na ang liwanag
sa mga taong namumuhay sa lupaing balot ng dilim.
Iyong pinasigla ang kanilang pagdiriwang,
dinagdagan mo ang kanilang tuwa.
Tulad ng mga tao sa panahon ng anihan,
tulad ng mga taong naghahati ng nasamsam na kayamanan.
Nilupig mo ang bansang umalipin sa iyong bayan
tulad ng pagkalupig sa hukbo ng Madian.
Binali mo ang panghambalos ng mga tagapagpahirap sa kanila.
Sapagkat ang panyapak ng mga mandirigma,
ang lahat ng kasuutang tigmak sa dugo ay susunugin.
Sapagkat ipinanganak para sa atin ang isang sanggol na lalaki.
Ibinigay ang isang anak sa atin
at siya ang mamamahala sa atin.
Siya ang Kahanga-hangang Tagapayo, ang Makapangyarihang Diyos,
walang hanggang Ama, ang Prinsipe ng Kapayapaan.
Malawak na kapangyarihan at walang hanggang kapayapaan
ang ipagkakaloob sa trono ni David at sa kanyang paghahari
upang matatag ito at papanatilihin
sa katarungan at katwiran
ngayon at magpakailanman.
Isasagawa ito ng Makapangyarihang Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN:
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6

Kahit saa’y namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Kahit saa’y namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.

Ang tagumpay niyang ito’y
siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Kahit saa’y namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.

Sa saliw ng mga lira iparinig yaong tugtog,
at ang Poon ay purihin ng tugtuging maalindog.
Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli,
magkaingay sa harapan ng Poon na ating hari.

Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.

IKALAWANG PAGBASA:
Efeso 1, 3-6. 15-18

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid:
Magpasalamat tayo sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesukristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo. At sa atin ngang pakikipag-isang ito, hinirang na niya tayo bago pa nilikha ang sanlibutan upang maging banal at walang kapintasan sa harapan niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo’y kanyang itinalaga upang maging mga anak niya sa pamamagitan ni Hesukristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak!

Kaya nga, mula nang mabalitaan ko ang tungkol sa inyong pananalig sa Panginoong Hesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng hinirang, walang humpay ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo. Inaalaala ko kayo sa aking pananalangin, at hinihiling sa Diyos ng ating Panginoong Hesukristo, ang dakilang Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at ng tunay na pagkakilala sa kanya. Nawa’y liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating inaasahan sa kanyang pagkatawag sa atin. Ito’y ang kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA:
Juan 1, 14. 12;
Misa Antonio

Aleluya! Aleluya!

Naging tao ang Salita,
upang tanang maniwala
ay kanyang gawing dakila.

Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA:
Mateo 18, 1-5. 10

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, lumapit kay Hesus ang mga alagad at nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” Tinawag ni Hesus ang isang bata, pinatayo sa harapan nila, at sinabi, “Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang tumatanggap sa isang batang ganito dahil sa akin ay ako ang tinatanggap. Ingatan ninyo na huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: sa langit, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng aking Ama.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

OFFERTORIUM:
Ikaw ang Alak at Tinapay (Isang Himig)
Elliot Jerome Eustacio

Koro:
Ikaw ang alak at tinapay ng langit
Ikaw ang kaligtasang aming nakamit
Pagsamo ng iyong baya'y pakinggan
Maging marapat na Ika'y pagsaluhan

Berso 1:
Alay na hatid sa dambanang banal
Lakip nito'y bahagi ng aming nakayanan
Hindi lang dahil sa gawa naming kulang
Kundi sa pag-ibig Mong kami'y pinupunan

Koro:
Ikaw ang alak at tinapay ng langit
Ikaw ang kaligtasang aming nakamit
Pagsamo ng iyong baya'y pakinggan
Maging marapat na Ika'y pagsaluhan

Berso 2:
Itong bunga ng aming pagpapagal
Ang hain na ngayo'y binabasbasan
Kung sa pagpitas at pag-ani'y dala
Biyayang sa tanging sa Iyo nagmumula

Koro:
Ikaw ang alak at tinapay ng langit
Ikaw ang kaligtasang aming nakamit
Pagsamo ng iyong baya'y pakinggan
Maging marapat na Ika'y pagsaluhan

SANCTUS:
Santo (Misa Antonio)
Allan Antonio

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo

Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito
sa Ngalan ng Panginoon

Osana sa kaitaasan!

MYSTERIUM FIDEI:
Aming Ipinahahayag (Misa Antonio)
Allan Antonio

Aming ipinahahayag
na namatay ang Iyong Anak
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat!

GRAN AMEN:
Dakilang Amen (Songs for Ordinary)
Arnel Aquino, S.J

PATER NOSTER:
Ama Namin/Sapagkat (Misa Antonio)
Allan Antonio

Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala.

Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya mo kami sa lahat ng masama

Sapagkat Iyo ang kaharian,
at ang kapangyarihan,
at ang kapurihan,
magpakailanman! Amen.

AGNUS DEI:
Kordero ng Diyos (Misa Antonio)
Allan Antonio

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

COMMUNIO:
Batang Banal, Niño Hesus 
Bill Kevin Del Rosario

Berso 1:
Batang Banal, Niño Hesus
Puso'y dalisay at puspos
Pagmamahal at pagsunod sa Amang Diyos
sa puso ko'y iukit Mo

Batang Banal, Niño Hesus
Bukal ng awa at biyaya.
Paglingap sa kapwa at mahihirap
sa amin ay ituro Mo

Koro:
O Santo Niño, Batang Diyos
Aming daigdig, nasa Iyong bisig
Hawakang mahigpit, sa Ama ilapit
Pit Señor! Niño Hesus!”

Berso 2:
Batang Banal, Niño Hesus
Kapayapaa'y taglay Mo
Sa mundong tigib ng hirap at gulo
kami'y saklolohan Mo

Berso 3:
Batang Banal, Niño Hesus
Nakipamuhay bilang tao
Itulot Mong kami makibagay, makitulad
sa kababaang loob Mo

Koro: x2
O Santo Niño, Batang Diyos
Aming daigdig, nasa Iyong bisig
Hawakang mahigpit, sa Ama ilapit
Pit Señor! Niño Hesus!”

Koda:
Hawakang mahigpit, sa Ama ilapit
Pit Señor! Niño Hesus!”

RECESSIO:
Pit Senyor
Traditional

S: Tayo na't magsaulog
Kitang tanan mag Pit Senyor!
O Pit Senyor! O Pit Senyor
Kitang tanan mag Pit Senyor!

B: Pit Senyor! Senyor! Senyor!
A: Pit Senyor! Senyor! Senyor!
T: Pit Senyor! Senyor! Senyor!
S: Pit Senyor! Senyor! Senyor!

Tayo na't magsaulog
Kitang tanan mag Pit Senyor!
Tayo na't magsaulog
Kitang tanan mag Pit Senyor!

O Pit Senyor! O Pit Senyor
Kitang tanan mag Pit Senyor!
O Pit Senyor! O Pit Senyor
Kitang tanan mag Pit Senyor! Ha!

B: Pit Senyor! Senyor! Senyor!
A: Pit Senyor! Senyor! Senyor!
T: Pit Senyor! Senyor! Senyor!
S: Pit Senyor! Senyor! Senyor!

Tayo na't magsaulog
Kitang tanan mag Pit Senyor!
Tayo na't magsaulog
Kitang tanan mag Pit Senyor!

O Pit Senyor! O Pit Senyor
Kitang tanan mag Pit Senyor!
O Pit Senyor! O Pit Senyor
Kitang tanan mag Pit Senyor! Ha!

B: Pit Senyor! Senyor! Senyor!
A: Pit Senyor! Senyor! Senyor!
T: Pit Senyor! Senyor! Senyor!
S: Pit Senyor! Senyor! Senyor!

Pit Senyor!

WAKAS