Miyerkules Kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon - Miyerkules, Enero 7, 2026

 Miyerkules Kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon

1 Juan 4, 11-18
Salmo 71, 2. 10-11. 12-13

Poon, maglilingkod sa ‘yo
tanang bansa nitong mundo.

Marcos 6, 45-52


INTROIT:
Umawit ang Bayan
Eduardo Hontiveros, S.J.

Koro:
Umawit ang bayan ng Poong mahal
ng himig ng kagalakan
Ang bawat isa'y may handog na taglay
sa pagsilang ng Panginoon

Halina't magdiwang sa Diyos na banal
Purihin siya at awitan
Kan'yang kaluwalhatia'y ihayag
Sa ating tuwa't kagalakan

(la la la...)

UNANG PAGBASA:
1 Juan 4, 11-18

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Minamahal kong mga kapatid, yamang gayun kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din tayong mag-ibigan. Walang taong nakakita sa Diyos kailanman, ngunit kung tayo’y nag-iibigan, nasa atin siya at nagiging ganap sa atin ang kanyang pag-ibig.

Nalalaman nating nananatili tayo sa Diyos at siya naman sa atin, sapagkat pinagkalooban niya tayo ng kanyang Espiritu. Nakita namin at pinatototohanang sinugo ng Ama ang kanyang Anak bilang Tagapagligtas ng sanlibutan. Ang nagpapahayag na si Hesus ang Anak ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos nama’y nananatili sa kanya. Nalalaman natin at pinananaligan ang pag-ibig ng Diyos sa atin.

Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na umiibig ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos. Ang pag-ibig ay nagiging ganap kung hindi natin kinatatakutan ang Araw ng Paghuhukom, sapagkat tayo’y tulad ni Kristo, kahit nasa daigdig pang ito. Walang kalakip na takot ang tunay na pag-ibig sapagkat pinapawi ng pag-ibig ang anumang pagkatakot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN:
Salmo 71, 2. 10-11. 12-13

Poon, maglilingkod sa ’yo
tanang bansa nitong mundo.

Turuan mo yaong haring humatol ng katuwiran:
sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya’y bahaginan;
upang siya’y maging tapat mamahala sa ‘yong bayan,
at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay.

Poon, maglilingkod sa ’yo
tanang bansa nitong mundo.

Mga haring nasa pulo at naroon sa Espanya
maghahandog ng kaloob, ihahain din sa kanya
pati yaong mga hari ng Arabia at Etiopia,
may mga kaloob ding taglay nilang alaala.
Ang lahat ng mga hari, gagalang sa harap niya,
mga bansa’y magpupuri’t maglilingkod sa tuwina.

Poon, maglilingkod sa ’yo
tanang bansa nitong mundo.

Kanya namang ililigtas ang sinumang tumatawag,
lalo yaong nalimot nang mga taong mahihirap;
sa ganitong mga tao siya’y lubhang nahahabag
sa kanila tumutulong, upang sila ay maligtas.

Poon, maglilingkod sa ’yo
tanang bansa nitong mundo.

ALELUYA:
Isang Himig
1 Timoteo 3, 16

Aleluya! Aleluya!

Si- Kristo / naging tao,
Hari ng langit at mundo.
Sa- kanya’y manalig tayo.

Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA:
Marcos 6, 45-52

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Matapos mapakain ang limang libong lalaki, agad pinasakay ni Hesus sa bangka ang mga alagad at pinauna sa Betsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis nila, siya’y umahon sa burol upang manalangin. Sumapit ang gabi. Nasa laot na noon ang bangka, samatalang si Hesus ay nag-iisa sa katihan. Nakita niyang nahihirapan sa pagsagwan ang kanyang mga alagad, sapagkat pasalungat sila sa hangin. At nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan niya sana sila, ngunit nakita ng mga alagad na siya’y lumalakad sa ibabaw ng tubig, kaya’t napasigaw sila. Ang akala nila’y multo, at kinilabutan silang lahat. Ngunit agad niyang sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot, si Hesus ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!” Sumakay siya sa bangka, at tumigil ang hangin. Sila’y lubhang nanggilalas, sapagkat hindi nila naunawaan ang nangyari sa tinapay; hindi pa ito abot ng kanilang isip.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

OFFERTORIUM:
Ikaw ang Alak at Tinapay
Elliot Jerome Eustacio

Koro:
Ikaw ang alak at tinapay ng langit.
Ikaw ang ang kaligtasang aming nakamit.
Pagsamo ng iyong baya'y pakinggan,
maging marapat na ika'y pagsaluhan.

GRAN AMEN:
Dakilang Amen (Ang Pista ng Sambayanan)
Manoling Francisco

Amen...

PATER NOSTER:
Ama Namin (Pastorela-Revised)
Eduardo Hontiveros, S.J.

Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala

Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya mo kami sa lahat ng masama

COMMUNIO 1:
Payapang Daigdig
Felipe de Leon

Ang gabi'y payapa, lahat ay tahimik
Pati mga tala sa bughaw na langit
Kay hinhin ng hangin, waring umiibig
Sa kapayapaan ng buong daigdig

Payapang panahon ay diwa ng buhay
Biyaya ng Diyos sa sangkatauhan
Ang gabi'y payapa, lahat ay tahimik
Pati mga tala sa bughaw na langit

COMMUNIO 2:
O Holy Night
Placide Cappeau

Verse 1:
O holy night, the stars are brightly shining;
it is the night of our dear Savior’s birth.
Long lay the world in sin and error pining,
till He appeared and the soul felt its worth.

A thrill of hope, the weary world rejoices,
for yonder breaks a new and glorious morn!

Refrain 1:
Fall on your knees! O hear the angel voices!
O night divine! O night when Christ was born!
O night divine! O night, O night divine!

Verse 2:
Led by the light of faith serenely beaming,
with glowing hearts by His cradle we stand.
So led by light of a star sweetly gleaming,
there came the wise men from Orient land.

The King of kings lay thus in lowly manger;
in all our trials born to be our friend.

Refrain 2:
He knows our need, to our weakness is no stranger.
Behold your King; before Him lowly bend!
Behold your King; before Him lowly bend!

RECESSIO:
Joy to the World/O, Magsaya
Various

English:
Joy to the world! The Lord is come
Let earth receive her King
Let every heart prepare Him room
And heaven and nature sing
And heaven and nature sing
And heaven, and heaven, and nature sing

Tagalog:
O magsaya at magdiwang
Pagka't sumilang na
Ang Hari ng lahat, ang Hari ng lahat
Kaya’t ating buksan, kaya’t ating buksan
Ang pinto ng ating pagmamahal.

WAKAS